Chapter Updated: 06/08/16
--------------------
(Jonie and.Shanie above)
----------
SCA 4: Clue
---Jonie's POV---
Nakatulala parin ako hanggang sa makalabas ng ICU si Shanie. Naramdaman ko nalang na basa na pala ang pisngi ko. Lalaki ako pero marunong rin naman ako masaktan at umiyak. Hindi ko maintindihan. Bakit? Bakit kailangan pang umabot dun? Talaga bang hindi niya ko pinaniniwalaan? Talaga bang kahit anong gawin ko, hindi na niya ko paniniwalaan? Bakit iniisip niya na kaya kong gawin sakanya ang sinasabi niya. Mahal na mahal ko siya na darating sa puntong kaya kong isakripisyo ang buhay ko para sakanya. Katulad noon.
Napaluhod na ako dahil hindi ko na kinaya. Habang nakaluhod at nakayuko iyak lang ako ng iyak. Ngayon ko lang naramdaman to. Ang sakit sobra! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.
Lumabas na ko ng ICU at nakita ko si Shanie na nakaupo sa isa sa mga upuan di kalayuan kung saan kami nanggaling. Nilapitan ko siya. Nakapikit siya. Tinitigan ko ang mukha niya. Ito na ba ang huling pagkakataon para matitigan ko siya nang ganito? Talaga bang wala nang pag asang maayos namin ang problema. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. Pero nakapikit lang pala siya. Kaya agad siyang nagdilat ng mata at tumingin sakin. Tinignan niya ang kamay niya na hawak ko at binawi iyon tsaka siya tumayo at lumakad palayo sakin. Pero agad akong tumayo at tinawag siya.
"Shanie!" sigaw ko kaya napatigil siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon sakin.
Nagsisimula na namang mamuo ang mga luha sa mata ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Pwede bang humarap ka sakin?" tanong ko.
Pero hindi siya lumilingon.
"Ayoko. Ano bang sasabihin mo? Sabihin mo na ngayon."
Kailangan ko nang itanong to sakanya. Nang sa ganun, maging malinaw sakin, kung san ako nababagay.
"Shanie..talaga bang hindi na natin maaayos to?" nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko.
Unti-unti siyang lumilingon sakin. At nakita kong naluluha narin siya at nakikita ko rin ang galit at sakit sa mata niya.
"Hindi na kahit na anong gawin mo. Sinabi ko na sayo noon, ayaw na ayaw ko sa mga manloloko. Pero anong ginawa mo? NILOKO MO KO!" sinigaw niya ang huli niyang sinabi.
Kaya mas lalo kong naramdaman na galit talaga siya sakin. Ang sakit lang na galit sayo ang mahal mo dahil sa pinagbibintangan niya ko sa isang kataksilan na hindi ko naman ginawa. Pero ang mas masakit, yung makita kong umiiyak at nasasaktan siya dahil sa akin.
"Shanie, bakit hindi mo ko kayang paniwalaan? Bakit iniisip mong ginawa ko ang bintang mo sakin? Ganyan ka ba kawalang tiwala sakin?" nag-uunahan na naman sa pagtulo ang mga luha ko.
Nag smirk siya na para bang kalokohan lang lahat ng sinabi ko.
"Simula nang makita ko ang ginawa mo, nawala na ang tiwala ko sayo." talagang ipagpipilitan niya ang sakanya.
Pati ako napa smirk. Hanggang dito nalang ba kami? Di ko ata kakayanin yun.
*Play music above*
3 tanong na lang. Sa sagot niya sa tatlong tanong na yun, dun ko malalaman kung san ba talaga ako nababagay.
"Tatlong tanong." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters