Chapter Updated: 05/09/16
--------------------
SCA 9: Dreamcatcher
---Shanie's POV---
Nandito kami ngayon nila Aldrin at Jonie sa bahay. Tutal gising narin si Cathy, kaya umuwi muna kami para magpahinga.
4:30 pm
🎶 Ba't di pa patulan ang pagsuyong nagkulang, Tayong umaasang hilaga't kanluran 🎶
Nagising ako nang mag ring ang cellphone ko. May tumatawag.
Nakatulog pala ako. Kaninang mga 1pm lang kami umuwi eh. Dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ako.
Pero yun nga, may tumatawag. Tinignan ko kung sino yun.
Tita Cassandra calling...
Si Tita Cass? Bakit kaya? Sinagot ko nalang yung tawag.
"Hello? Tita? Bakit po?"
[ "Shanie!" ]
Parang masaya ang tono ni Tita nung sinabi niya ang pangalan ko. Ano kaya ang magandang balita? Hindi kaya,
...nakakaalala na si Cathy?
[ "Shanie?" ]
Patanong na tawag ni tita sakin. Di pala ako nakapagsalita dahil sa pag iisip nang mga posibleng magandang balita ni tita.
"Ahh...sorry tita. Bakit po parang ang saya niyo ata?"
[ "Bakit hindi? E napakaganda nang nangyari ngayon." ]
Halata talaga sa boses ni tita ang saya niya.
"Bakit tita? Nakakaalala na po ba si Cathy?"
[ "Ahh...hindi to tungkol kay Cathy." ]
"Po? Edi tungkol kanino po?"
[ "Kay Ivan." ]
"Ivan?"
[ "Oo Shanie! Gising na si Ivan!" ]
"PO?! Teka..kanina pa po ba?"
[ "Hindi. Ngayon lang. Nilipat na siya sa private room niya. I text ko nalang sayo ang room number niya. Hmm?" ]
"Osge po. Gigisingin ko lang po sila Jonie tapos pupunta na po kami diyan."
[ "Osge. Mag ingat kayo." ]
"Sige po tita. Bye."
[ "Bye." ]
Pagkababa ko nang tawag, lumabas na ko sa kwarto at nakita kong natutulog sa sofa yung mag pinsan.
Teka...magkakasama kami lahat kani---
"Jonie..."
Napatigil ako sa pag iisip kung bakit nasa kwarto ako natutulog samantalang kasama ko itong dalawang to sa sofa kanina. Nung napatingin ako kay Jonie, dun pumasok sa isip ko na, ayaw niya nga pala akong nahihirapan.
Haay. Bumaba nalang ako at ginising silang dalawa. Gising na si Ivan eh. Kaya kailangan narin nilang gumising.
"Aldrin..." paggising ko kay Aldrin habang niyuyugyog siya. "Jonie..." ganun rin ang ginawa ko kay Jonie.
Dumilat na sila at umayos ng upo habang kinukusot ang mata nila.
"Hmm. Bakit Shanie?" tanong ni Aldrin.
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters