SCA 15: Wounded

5 1 0
                                    

Chapter Updated: 06/03/16

--------------------

SCA 15: Wounded

---Shanie's POV---

Pagkatapos ng sinabi ni Arman, umalis na siya.

Pareho kaming naguguluhan ni Aldrin sa sinabi niya.

"Wala kayong takas kahit anong gawin niyo. Pero, susubukan ko kayong itakas."

Ano ibig niyang sabihin? Diba dapat binabantaan niya kami? Eh bakit parang tinutulungan niya kami?

Napatigil lang ako sa kakaisip ng biglang humarap sakin si Aldrin.

"Shanie."

Napatingin ako sakanya.

"Oh?"

"Okay ka lang ba? Hindi ka naman ba sinaktan ng Arman na yun?"

Umiling ako.

"Hindi naman."

Bigla akong napatingin kay Aldrin at nanlalaki ang mata.

Nagtaka naman siya bigla.

"Aldrin! Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba?"

"Ha?!"

"Hindi ka naman ba niya sinaktan?"

"Shanie anong pinagsasabi mo?"

"Tinatanong ko kung anong nangyari?"

"Grabe Shanie! Gets ko ang sinasabi mo!"

"Wag ka ngang sarcastic!"

Hinampas ko siya sa braso.

"Aww!"

Napahawak naman siya sa braso niyang hinampas ko.

"Arte mo ah!" sabi ko pa.

Inirapan ko siya.

Tumawa lang siya pero napansin kong nakahawak parin siya sa braso niya at minsan napapangiwi pero tatawa siya agad pag napapatingin ako sakanya.

Dun na ko nagtaka. Lumapit ako sakanya. Napansin ko naman ang pagtigil niya sa pagtawa at masyado nang halata sa mukha niya ang pag ngiwi pero halatang pinipigil niya mapangiwi.

Napatingin ako sa braso niya. Tapos tumingin ulit ako sakanya.

"Anong nangyari diyan?" tanong ko at tinignan ang braso niya.

Napatingin rin siya sa braso niya.

"Ahh...wala. Wala."

Tapos inalis niya yung pagkakahawak niya sa braso niya at mabilis na pinasok yung dalawang kamay niya sa bulsa ng jacket niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala? Wala talaga?" tanong ko habang umiiling.

"Wala. Masakit ka lang talaga manghampas."

"Ahh ganun."

Kinurot ko yung braso niya ng pagkadiin diin.

"AHHHHH! SHANIE MASAKITTT!"

Binitawan ko na yung braso niya.
"Bagay sayo!"

Hinawakan niya ulit yung braso niyang kinurot ko. Ngayon halata nang nasaktan siya. Pero parang hindi lang dahil sa pagkurot ko eh. Hindi ba kaalis sa pagkakakurot okay na? Wala na yung sakit? Pero bakit parang nasasaktan pa siya dun sa part na kinurot ko?

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon