SCA 23: Happy Time

5 1 0
                                    

Chapter Updated: 06/17/16

--------------------

SCA 23: Happy Time

---Cathy's POV---

"Ha?" tanong namin kay Aldrin dahil sa sinabi niya.

"Teka! Ald. Ako nga diba may childhood memory na naalala? Yung sinabi ko kay Dr. Gonzales." sabi ni Ivan.

Dun ko naalala yung sinabi niya kay Dr. Gonzales kanina sa ospital.

Oo nga. May kalaro siyang batang babae sabi niya diba? Pero hindi malinaw yung mukha.
"Okay. Sige. Yung sa'yo. May kalaro kang batang babae. That's it. Right?" tanong ni Aldrin.

Tumango tango naman si Ivan.

"Actually yes. That's it. Pero atleast diba?" sabi ni Ivan.

"Atleast ano? Na yun lang? Ivan, wag ka magagalit ah pero...it's not actually useful. Yung memory na naalala mo na may kalaro kang batang babae, it didn't actually help. It didn't lead you to remember what happenned---" napatigil si Aldrin sa sinasabi niya.

Nakatingin lang kaming lahat sakanya. Para kasi siyang nabigla rin sa sinabi niya. Napatango tango naman si Ivan.

"Gets ko na." napatingin naman kami kay Ivan. "Ang sinasabi mong childhood memory is yung sinasabi mong hindi maalala ng lahat. Right? Para kung sakaling may maalala kami, baka sakaling maalala narin nila Shanie. Right?"

Hindi naman sarcastic ang pagkakasabi ni Ivan dun. Pero...

"Totoo ba Aldrin?" tanong ni Shanie.

Umiwas lang ng tingin samin si Aldrin at di kami sinagot.

"Aldrin. Di naman kami magagalit eh. At naiintindihan namin na gusto mo na kami makaalala eh. Pero wag tayo magmadali. Okay?" sabi ko.

Bumuntong hininga si Aldrin tapos tumingin samin.

"No." napataas kami lahat ng dalawang kilay. "Hindi naman sa minamadali ko kayo. It's just that, nagtataka ako bakit hindi bumabalik yung childhood memories niyo. Yung something useful na pwedeng mag trigger ng lahat ng memories niyo. Hindi ba kayo nagtataka rin? Kung maalala niyo man Cathy at Ivan lahat ng nangyari sainyo simula dun sa naalala niyo ngayon to latest, wala rin."

"Teka Aldrin. Ano ba talaga gusto mo sabihin?" tanong ni Rachel.

Bumuntong hininga muna siya.

"Okay. Gusto ko kayo makaalala na na hindi."

Kumunot ang noo namin.

"Ha?" tanong naming lahat.

"Ang totoo, nagtataka lang ako kung bakit parang walang childhood memory na bumabalik sa inyo. Walang nagtri trigger dun. Gusto ko na kayo makaalala para naman naiintindihan niyo yung dahilan ng pag papanic ko minsan, at para magkaron kayo ng idea kung ang kaharap niyo ay kaaway na o hindi." paliwanag ni Aldrin.

Ganun pala. Naiintindihan ko naman si Aldrin eh. Nahihirapan lang siyang protektahan kami dahil siya lang ang may alam nang lahat. Kaya pag nagkakahiwalay kami, nag aalala siya dahil hindi alam ng iba kung kaaway na ang kaharap o hindi.

"Eh bakit naman may time na ayaw mo kami makaalala?" tanong ni Jonie.

Nakatingin lang kaming lahat kay Aldrin.

"Kasi...minsan pakiramdam ko...kapag may naaalala na kayo at may idea na kayo kung sino mga kaaway...at malaman nila yun...baka atakihin nalang kayo bigla. Ewan. Pakiramdam ko, yun gagawin nila kung sakali eh." sabi ni Aldrin.

Nagkatinginan kami at sabay sabay na lumapit kay Aldrin at niyakap siya. Mukhang nagulat siya pero gumanti narin siya ng yakap.

Pagkatapos ng ilang sandali, bumitaw narin kami sa yakap.

Hinawakan ni Ivan sa balikat si Aldrin.

"Ngayon, mas naiintindihan ka na namin. Promise naming lahat, susubukan naming alalahanin yung mga nangyari noon. Para naman hindi ka na nag aalala ng nag aalala samin." Ivan.

Nginitian nalang siya ni Aldrin.

"Pano ba yan! Tutal mukhang mahaba pa ang oras na binigay satin ng mga taong yun, bakit di natin sulitin sa resort. Diba? Para naman makapagsaya tayo." sabi ni Rachel.

"GAME!" sabi naming lahat.

-----

Nandito na kami sa RineChard Resort.

Kakaiba nga ang name ng resort na to eh. Actually, samin to. Kaya nga konti lang ang gagastusin namin. Gusto nga ni mommy na libre nalang, pero nagpumilit sila Shanie na kahit man lang daw sa foods na kakainin nila, babayaran nila. Kaya, nakisali narin ako.

About sa name ng resort, hindi ko na natanong sila mommy kung bakit ganun yung name. Basta ang alam ko lang, pinagsama yun na name ng dalawang bata daw. Di na nasabi sakin kung anong pangalan nung mga bata eh. Pero sa totoo lang, sobrang pamilyar nun. Minsan nga, feeling ko, ako nag suggest ng name ng resort na to eh.

Weird diba?

Anyway, nandito na kami sa lobby ng resort at kinukuha nalang ang keys ng kwarto namin. 2 rooms nalang ang in-occupy namin. 1 for boys and 1 for girls. Para magkakasama nalang kami at may time mag kwentuhan diba?

Pumunta na kami sa rooms namin at inayos yung gamit namin. Pagkatapos, bumaba narin kami at kumain.

After kumain, nag decide na silang mag swimming daw sa beach part ng resort. Di na muna ako sumama at nandito ako naglilibot sa pool area.

Naglalakad lang ako dito at iniisip kung hanggang kailan kaya kami ganito? Masaya at malaya. Walang nanggugulo.

"CATHY!" nagulat ako dun.

Kaya nadulas yung paa ko at mahuhulog na sa pool, pero naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hindi ako hinayaang mahulog sa pool.

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Ivan. Nagulat kasi ako kanina eh. Sigurado akong siya yung nanggulat sakin. Atsaka, baka kasi mabitawan niya ko at tuluyang mahulog sa pool.

"Okay ka lang Cathy?" tanong niya.

"Ha? Ahh. Mas magiging okay ako kung tutulungan mo na kong makatayo ng maayos." sabi ko.

At mukhang dun niya lang napansin yung pwesto namin. Napatingin siya sa bandang paa ko at napansin niya sigurong bitawan niya lang ako, mahuhulog na ko.

*Play the music above*

Pero biglang nagtaka yung itsura ko nung ibalik niya sakin yung tingin niya at ngitian---No! Ngisian niya ako.

Nanlaki naman yung mata ko. Oh-oh! Di maganda ang meaning ng ngisi ng lalaking to. No! Don't tell me...

Naramdaman ko na ang unti unting pagluwag ng hawak niya sakin. Bigla naman may pumasok sa isip ko. Nginisian ko rin siya at siya naman ang nagtaka ang itsura. Napatigil siya sa unti unting pagbitaw sakin and I took that chance para hawakan siya ng mahigpit.

Pinilit naman niya kumawala sa hawak ko.

"Ano ba! Wag ka magulo---AHHHHH!"

Dumulas na nang tuluyan ang paa ko at dahil nakahawak ako ng mahigpit sakanya, magkasama kaming nahulog sa pool.

Pagkaahon namin ng ulo namin sa pool, nagtinginan kami ng masama, tapos nagtawanan. Ganyan lang talaga kami. Minsan pag inaatake ng kalokohan, pagti tripan talaga ang isa't-isa. Nagbasaan lang kami ng nagbasaan sa pool.

Napatigil ako nang may makita akong isang lalaking naglalakad palayo ng nakayuko.

Hindi ko alam kung bakit iniisip kong siya yun. Pero malakas ang pakiramdam kong siya yun eh.







Aldrin.

|friendshipfighters💞|

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon