SCA 27: Official

10 1 0
                                    

Chapter Updated: 12/03/16

--------------------

SCA 27: Official

Cathy's POV

6 months.

Yes. 6 months na ang nakakalipas mula nung umamin sakin si Ivan na gusto niya ako. At hanggang ngayon rin, hindi parin ako makapaniwala.

Nandito parin kami sa resort. Dahil sa mga nangyari sa bahay nun, yung may lalaki sa library at may nangalkal ng mga gamit namin, nag decide kaming mag stay nalang muna sa resort. Mas delikado kami sa bahay kung nandun kami kasi kami kami lang talaga ang nandun. E dito, marami naman kaming kasama at mahigpit ang security dito.

Nandito ako ngayon sa pool area. Ang hilig ko dito noh? Kesa sa beach part, mas gusto kong tumatambay dito eh. Nakaupo lang ako dito habang nakababad ang paa ko.

Ako lang ang nandito dahil sa totoo lang, maaga pa. Wala lang. Nag iisip lang ako dito. Kasi, nung mga nakaraang buwan, sa panliligaw ni Ivan, di ko naman kinakaila sa sarili ko na kinikilig ako kapag binibigyan niya ko ng rose. Kapag siya pa talaga ang kukuha ng pagkain ko at gusto pa nga niya subuan ako. Pati sa pagiging over protective at concern niya sakin. At lalo na pag pinaparamdam niya talaga sakin, na mahal niya ko.

Alam rin nila Shanie ang tungkol sa panliligaw niya sakin. Kaya nga iniintindi nalang ni Aldrin kapag pinagseselosan siya ni Ivan. Pero ang pinaka nakakabahala pagkatapos nila malaman ang panliligaw sakin ni Ivan, ay yung pakiramdam ko, parang lumayo yung loob samin, lalo na sakin, ni Rachel.

Inisip ko nalang na baka may problema lang siya at ayaw na niyang isali pa kami dun.

Iniisip ko rin pala ngayon, yung balak ko, na sagutin na si Ivan mamaya. Ayaw ko narin namang magsinungaling sa sarili ko eh. Alam ko namang mahal ko narin siya. Wala namang dahilan para pigilan ko yun. Diba?

May nalaman rin pala ako. May sinabi kasi si Aldrin sakin nung minsan.

--Flashback--

Nandito ako sa coffee shop ng resort. Nagulat nalang ako nang may umupo sa harap ko. Pagtingin ko...

"Oh. Aldrin."

Oo. Si Aldrin. Ano kaya ginagawa nito dito?

Nginitian niya lang ako.

"Anong meron?" tanong ko pa.

"May sasabihin lang ako." sabi niya.

Nagtaka naman ako. Ano kaya sasabihin nito?

"Ano naman yun?"

"Ahh...nung nagkita tayo sa beach part kahapon." tanong niya.

Napaisip naman ako. Ahh...yung nakita kami ni Ivan sa hallway nung pabalik na kami.

"Ano namang tungkol dun?"

"Ahh. Pumunta ka ba dun dahil sa isang letter?" tanong niya.

Tumango ako.

"Oo. Yung letter mo. Sayo yun...diba?"

Ngumiti lang siya tapos umiling. Kumunot naman ang noo ko.

"Hindi sakin galing yung letter. Pero nagtext ako sa phone mo nun. Na pumunta ka dun ng 8pm sana. Eh dahil 9pm na akala ko di ka na pupunta kaya nagulat ako nung dumating ka. Tapos yun, nalaman ko kila Shanie na kabalik mo kagabi, dun mo palang chinarge ang phone mo. Kaya nagtaka ako, tapos sabi nila may letter daw sayo na pumunta dun ng 9pm." mahabang sabi niya.

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon