Chapter Updated: 06/08/16
That's not always the exact date na na update ang chapter. Pwedeng in-update kasi may inayos.
Hope you support my story. Vote and Comment! ;)
--------------------
Second Chance Again. ©2014 by friendshipfighters
Play the music when you start reading this. Pag natapos na at di niyo pa tapos basahin just play it again.
Enjoy reading! :)
(Shanie,Jonie,Cathy and Ivan above)
--------------------
SCA 1: Parting Ways
---Shanie’s POV---
“Ayoko na. Tapos na tayo.” Sabi ko sa asawa ko.
“Shanie! Ano bang sinasabi mo? Ano bang ibig mong sabihin? Ha?!” sabi naman niya.
“Hindi ba obvious? Nakikipaghiwalay na ako!” iritado kong sagot.
Nakakaasar naman kasi. Obvious naman na nakikipaghiwalay na ako sakanya, nililigpit ko na nga mga gamit ko tapos tatanungin niya ako ano ibig kong sabihin? Grabe lang talaga!
“Alam kong nakikipaghiwalay ka. Pero bakit?! Anong ginawa ko?” tanong niya.
Napatigil ako sa ginagawa ko. Pinaalala nanaman niya sa akin ang kataksilan niya. Ayoko nang sabihin pa sakanya ang dahilan dahil masasaktan lang ako kapag sinabi ko pa ang dahilan.
“Alamin mo mag-isa mo!” sigaw ko sakanya.
Sinara ko na ang maleta ko at nilagpasan siya at lumabas na sa kwartong yun. Sa kwarto kung saan nangyari ang kataksilan niya.
“Shanie!” tawag niya sakin habang hinahabol niya ako.
Nung malapit na ako sa main door, bigla siyang humarang sa pintuan.
“Shanie.” Mahinahon niyang sabi.
“Alis.” Mahina pero matigas kong sabi ng hindi nakatingin sa kanya.
“Mag-usap tayo. Please.” Pakiusap niya.
Tumingin ako sakanya. At alam ko any moment tutulo na ang luha ko.
“Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Kaya tumabi ka diyan.”
“Meron Shanie. Ano bang nagawa ko? Sabihin mo sakin. Hindi yung nakikipaghiwalay ka ng hindi sinasabi sa akin yung dahilan mo!” sumigaw na siya.
“Hindi ko na kailangan sabihin sayo! Dahil dapat ikaw mismo alam mo ang mga pinaggagawa mo!” tuluyan ng tumulo ang luha ko habang sinisigawan siya.
“HINDI KO NGA ALAM KUNG ANONG NAGAWA KONG MALI PARA MAKIPAGHIWALAY KA SAKIN! DAHIL SA PAGKAKA-ALALA KO WALA AKONG GINAGAWANG MALI!” sigaw niya.
“MERON JONIE! MERON!”
“KAYA NGA SABIHIN MO SAKIN KUNG ANO ANG BAGAY NA YUN! BAKIT BA AYAW MO SABIHIN SAKIN! O baka naman wala talaga akong nagawang mali. Sabihin mo nga, may iba ba?”
“Ano?!”
“May lalaki ka ba?”
“WHAT THE HECK! Wala! Ikaw nga itong may ibang babae e!”
“WHAT?! Wala akong ibang babae. Ano bang sinasabi mo?!”
“Pwede ba tumabi ka nalang. Dahil ayoko nang sabihin ang salitang yun. Ayoko nang alalahanin ang kataksilang ginawa mo sakin.”
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters