Chapter Updated: 06/08/16
--------------------
SCA 17: Saved by Unknown
---Aldrin's POV---
Shit! Nahuli na kami. Nakuha na nila si Cathy. San naman namin siya hahanapin? Asar talaga! Atleast dati may clue sakin na si Shanie ang puntirya nila. Pero bakit...
...bakit ngayon ni hindi ko natunugan na si Cathy ang mapapahamak.
Nilapitan na ni Shanie si Rachel at ako naman nilapitan na si Ivan. Tumawag ng doctor si Jonie para ma check si Ivan. At didiretso narin daw siya sa security para i report na nawawala si Cathy.
Inaalog ko si Ivan at unti unti nang nagigising si Ivan. Ganun din si Rachel.
Pinaupo muna ni Shanie si Rachel sa sofa doon at si Ivan naman dahan dahang umupo ng maayos sa kama niya.
"Okay ka lang?" tanong ko.
"Medyo masakit lang ang ulo ko." sagot naman ni Ivan.
"Are you okay?" rinig kong tanong ni Shanie kay Rachel.
"Medyo. Masakit lang yung ulo at yung banda dito ko (hawak dun sa part kung saan tinarak yung syringe sakanya)."
Dumating na yung doctor at lumapit agad kay Ivan.
"What happenned?" tanong nung doctor.
"Masakit daw po yung ulo eh. Pati nga po yung kasama nila dito oh." sabay turo ko kay Rachel.
Nung lumingon yung doctor kay Rachel, dumiretso rin ang tingin niya sa kama ni Cathy.
"Asan ang pasyente dito?" tanong nung doctor.
Sasagot na sana ako ng hindi ko alam nang biglang pumasok si Jonie at hinihingal na lumapit sakin.
"Aldrin, may nakita sa CCTV sa hallway na may naglabas kay Cathy at nilagay siya sa wheel chair. Naka pang doctor's lab gown yung lalaki." sabi ni Jonie.
"What? May pumasok sa inyong ibang doctor?" tanong niya kay Ivan.
"Yes doc. Eh hindi na kami nagtaka kasi inisip namin baka wala ka lang kaya may nag sub sayo."
"Ivan, doctor ako at hindi teacher na may substitute. Atsaka, isa lang ang a attend sa inyong doctor dapat, remember that. Pwedeng iba iba yung nurse pero yung doctor hindi pwedeng iba iba. Ano bang ginawa ng taong yun dito?"
"May sinaksak siya sa IV namin ni Cathy at pati narin sa bandang leeg ni Rachel. Ang sabi niya nung una antibiotic, pero isa daw talaga yung... ano nga ba yun...Thiopental?" sabi ni Ivan.
Thiopental? Ano yun?
"Isa kamong Thiopental?" tanong ni Dr. Gonzales, yung doctor na tumitingin talaga kay Ivan at Cathy.
"Bakit doc? Ano po ba yun?" tanong ni Rachel.
"Isa iyong gamot na sinasaksak for a person to fall to sleep or to be unconcious. Mostly ginagamit yun sa mga taong mag u undergo ng surgery." sagot nung doctor.
"Ibig bang sabihin nito, sinadya niyang saksakan kami ng ganun para madali niyang makuha si Cathy. San naman kaya niya dinala si Cathy?" Ivan.
Napatingin ako sa kama ni Cathy at may napansin akong papel sa baba ng unan niya. May nakausling papel dun kaya kinuha ko yun. Binuksan ko at binasa,
'A car that's running fast, will surely end up falling in a cliff.'
Kinuha ni Ivan sakin ang papel at binasa rin.
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters