Chapter Updated: 06/15/16
--------------------
SCA 22: First Regained Memory
---Aldrin's POV---
Nandito na naman kami sa hospital ngayon. Hinimatay kasi si Cathy kanina eh. Haay.
"Ald." narinig kong tawag ni Shanie.
Kami lang kasing dalawa yung nagbabantay ngayon kay Cathy. Bumaba muna sila Ivan eh.
"Ano yun?"
Tumingin siya kay Cathy.
"Bakit mo tinawag na Rine si Cathy kanina?" tanong niya.
Nagulat ako sa tinanong niya pero hindi ko nalang pinahalata.
Bakit kasi yun pa yung natawag ko sakanya eh. Bumalik kasi sakin yung ala ala namin dati. Basta.
"Ahh...bakit Shan? May problema ba dun?" tanong ko.
"Ha? Ahh...iniisip ko lang kung san mo galing yung Rine."
Napalingon ako sa isang side atsaka lang naalala na hindi nga pala nila maalala yung dati.
"Basta Shan. Kung narinig niya yun, malamang itatanong niya. Wag niyo nalang sabihin na ako yun. Okay?" sabi ko.
Hindi pa to ang tamang panahon na maalala nila lahat. Hindi pa sigurado ang kaligtasan ng buhay namin. Baka magkaproblema lang pag naalala na nila ang nakaraan.
"Bakit naman?" takang tanong ni Shan.
Siyempre. Talagang magtataka siya. Wala kasi siyang maalala eh.
Napa buntong hininga nalang ako.
"Please?" sabi ko nalang.
Tumingin muna siya kay Cathy tapos binalik niya ang tingin niya sakin. Bumuntong hininga tapos sumagot sakin.
"Okay." sabi niya nalang.
Sakto namang dumating na sila Ivan. At halos kasunod lang nila ang doctor.
"Doc." sabi ko lang.
"Don't worry. Okay na si Cathy. Pero I don't think fatigue or stress ang dahilan ng pagkahimatay niya. Ano bang napansin niyo bago siya tuluyang mahimatay?" tanong ni Dr. Gonzales.
"Basta nakahawak lang po siya sa ulo niya at parang sumakit po yun." sabi ni Shanie.
"Kung ganun, may nag trigger ng isang memory niya. Ano sa tingin niyo ang nakita niya or nabasa or anything para may makapag trigger ng memory niya?"
"Ang nakita ko lang po kasi ay hawak niya tong kwintas na to."
May nilabas si Shanie mula sa pouch niya. Isang silver necklace na parang name ang pendant.
"Maybe, nakita na niya to dati or narinig. Anyway, pagkagising niya, after ko siya matanong ng ilang details, pwede na kayo umuwi."
Pagkatapos nun, bigla nalang namin napansin na gumalaw yung daliri ni Cathy at unti unti na siyang nagigising.
"Cathy?" Shanie.
Nilapitan na namin siya.
"Shan." sabi ni Cathy.
"Cathy. Ok ka na ba?" tanong ni Dr. Gonzales.
"Opo Doc." sagot ni Cathy.
Unti unti siyang umupo ng maayos. Nung nakaupo na siya, tinanong na siya ni Doc.
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters