Chapter Updated: 06/08/16
--------------------
(Arman,Shanie,Jonie and Aldrin above)
--------------------
SCA 6: Missing
---Shanie's POV---
Nakasakay kami ngayon ni Aldrin sa kotse niya. Papunta na kami kay Jonie. Pero walang sinabi sakin si Aldrin kung san namin siya pupuntahan at hindi na ako pamilyar sa mga nadadaanan namin.
"Ahh...Aldrin? San ba natin pupuntahan si Jonie?" Kabado kong tanong.
Siyempre. Hindi na ako pamilyar sa lugar na dinadaanan namin atsaka hindi ko naman ganun kakilala si Aldrin. Pero siguro, napa paranoid lang ako. Hindi naman masamang tao si Aldrin. Tiwala lang.
"Sasabihin ko to kasi halatang kinakabahan ka. Hindi ako masamang tao Shanie okay? Atsaka, pupunta tayo sa tinatawag naming N&C Dynasty." Paliwanag niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero anong sabi niya? N&C? Dynasty? E diba old times sa Korea ang dynasty?
"N&C Dynasty?" tanong ko.
Napangiti siya at mukhang dun lang naalala na hindi ko alam yun.
"Sa pamilya namin yun. N&C stands for Naluz & Castro. Atsaka may Dynasty kasi may influence ng Korean old times. Yung lugar na yun hanggang harap lang tong kotse. Pagkatapos napakalawak nun, kaya sasakay tayo ng kabayo para makapunta kay Jonie dahil sa dulo yun pupunta. Sa tinatawag na "Dynasty Battle Area"."
"Dynasty Battle Area?" kakaiba pala ang lugar na yun pati bawat lugar dun may pangalan.
"Dun nagaganap ang pagpa practice ng pag e espada. Pero minsan kapag may gustong patayin kami, dun kami sinusugod, pero bihasa kami sa paggamit ng espada at alerto rin kami. Pero sa aming lahat doon, walang nagtatangkang kumalaban kay Jonie maliban sakin. Kaya nga kampante akong di siya mamamatay. Kasi kahit may makipaglaban, mananalo siya. Pero yun ay kung...isa sa mga kasama namin ang makakalaban niya."
"Ha? Bakit? Pag iba ba, hindi niya kaya?""Hindi naman, pero isang tao lang ang nakakalamang sakanya, at yun ang taong pinakakinamumuhian niya, at ng 5 pa. Wag mo nang alamin kung sino, baka pati ikaw, maging delikado ang buhay e." Nginitian niya nalang ako.
Grabe! Bakit ngayon ko lang nalalaman lahat to? Sabagay, mukhang exclusive yun para sa pamilyang Naluz at Castro lang. Nakuha ko lang naman ang apelyido ni Jonie na Castro e pero hindi parin nila ako kadugo. O well, baka tulad nga ng sabi ni Aldrin, baka mapahamak lang ako. Baka kung may gustong pumatay kay Jonie, gawin akong pain diba? Haay.
Ilang sandali lang ay tumigil na si Aldrin. Bumaba na ko ng kotse at napatulala sa nakita ko. Mukhang ang buong lugar ay korean old times inspired. Labas palang, mukha nang sa labas ng palasyo sa mga old times noon.
"Tara na." Napatingin ako kay Aldrin at tumango.
Pumasok na kami sa kahoy na pinto at lumantad sakin ang napakalawak na lugar. Naglakad pa kami ng konti at nakita na namin ang kabayong sasakyan daw namin.
Teka. Pano to? Hindi ako marunong sumakay ng kabayo e. Hindi naman ako nag-aral ng Horseback Riding.
"Shanie. Tara na. Sumakay ka na dito." Utos ni Aldrin habang nakapatong ang kamay niya sa isang kabayo.
"Diyan?" Tanong ko habang nakaturo sa kabayong sinabi niya.
"Oo. San pa ba? Diba sinabi ko sayo, kabayo ang sasakyan natin para makarating sa Battle Area?" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters