Chapter Updated: 06/08/16
--------------------
SCA 16: Cathy's in Danger
---Cathy's POV---
Magkakasama kaming tatlo dito sa kwarto namin ni Ivan. Yup nilipat na ko dito para hindi na daw mahirapan yung mga kaibigan namin.
"Ano kayang problema ni Aldrin?" tanong ni Rachel.
Na kwento ko kasi sakanila yung pag uusap namin sa phone ni Aldrin kanina at parang nagpapanic siya.
"Wala naman satin ang may alam. Tanungin nalang natin siya pagkabalik niya." sabi ni Ivan.
Napatango nalang kami ni Rachel.
"Pero sigurado ako, may hindi magandang nangyayari nun. Teka! Kanina pa sa mall sila Shanie ah. Bakit hanggang ngayon wala pa sila?" sabi ko naman.
Nagsalita si Rachel.
"Oo nga. Sabi nila babalik sila agad." tumingin si Rachel sa relo niya. "Eh mag e-8 na ng gabi eh." dagdag pa niya.
"Subukan niyong tawagan baka kung ano nang nangyari." sabi naman ni Ivan.
"Ako na ang tatawag." sabi ko.
Kinuha ko na ang phone ko sa side table. Dinial ko ang number ni Shanie.
Calling Shanie...
After 3 rings sinagot din niya. In-on ko ang loudspeaker.
[ "Hello? Cathy?" ]
"Hello? Shan. Asan na kayo?"
[ "Nandito kami sa ward. Pero same hospital. Mamaya nalang namin kayo pupuntahan. Hihintayin muna namin magising si Aldrin." ]
"Ha? Anong nangyari kay Aldrin?" tanong ni Ivan.
Mukha namang di na nagtaka si Shanie kung bakit si Ivan ang sumagot.
[ "Basta mahabang storya. Bukas nalang namin i kwe kwento sainyo." ]
"Sige. Kung yun ang gusto mo."
[ "O sige na. Magpahinga na kayo diyan." ]
"Oo sige. Magpapahinga narin kami. Magpahinga ka rin Shan ah."
[ "Oo sige. Bye." ]
"Bye."
Then in-end call ko na.
Nagkatinginan nalang kaming tatlo then napahinga ng malalim. Ano bang nangyayari samin? Bakit parang lagi kaming malapit sa panganib.
"Sige na. Magpahinga na kayo." sabi ni Rachel.
"O ikaw?" tanong ni Ivan.
"Maya maya. Di pa ko inaantok eh."
"O si---"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang may biglang pumasok na doctor.
Naka surgical mask siya and kita lang ang mata niya.
"I-inject ko na ang antibiotic ah." sabi nung doctor.
Um-oo nalang kami at humiga na at handa nang matulog.
Unang in inject yung IV ko then yung kay Ivan naman.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Kakaibang kaba. Parang bigla akong natakot. Hindi naman siguro side effect to ng gamot diba?
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Ficção AdolescenteShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters