Chapter Updated: 06/08/16
--------------------
SCA 7: Memory Loss
---Aldrin's POV---
"Nasaan si Cathy?" tanong ni Shanie.
Yun rin ang tanong namin. Walang tao sa kwarto ni Cathy, pero hindi maayos ang sapin at kumot ng kama niya kaya alam naming nanggaling siya dito.
Lumabas na kami sa kwarto niya dito sa ospital at hinanap siya. Bumalik kami sa first floor para tignan kung nandun siya. Pero nalibot na namin ang buong first floor at wala siya. Pumunta kami sa second floor pero same wala rin. Bumalik kami sa third floor kung saan nandun yung room niya, bumalik kami sa room niya pero wala parin siya doon. May dumaang nurse kaya naisipan naming magtanong.
"Nurse, alam nyo po ba kung nasaan ang pasyente dito?" tanong ko.
Tinignan niya ang room number at yung pangalan ni Cathy na nasa baba ng room number. Parang nagtaka ang itsura niya at pumasok sa kwarto ni Cathy. Tulad namin, mukhang nagulat rin siya dahil wala si Cathy.
"Ang alam ko, nandito lang siya kanina. Pero wag kayong mag alala hindi siya makakalabas dito dahil siguradong suot niya parin ang damit pang ospital. Baka may pinuntahan lang." sabi nung nurse at umalis na.
Napahinga nalang kami ng malalim.
"San ka na naman ba nagpunta Cathy?" sabi ko sa isip ko.
Bago namin ituloy ang paghahanap kay Cathy, nag decide kaming tignan muna si Ivan na nasa ICU parin.
Pagdating namin dun,laking gulat namin nang may nakatayong isang babae na nakasuot ng patient's wardrobe at nakatingin lang sa tao sa loob.
Pero ang mas nakakagulat ay,
...si Cathy yon.
Nakatingin kay Ivan. Pero yung itsura niya, parang iba. May kakaiba. Ewan pero parang kinikilala niya?
Lumapit na kami sakanya.
"Cathy?" tawag ni Shanie sakanya.
*Play the music above*
Mukhang nagulat sya kaya agad siyang napalingon samin. Hindi siya nagsalita pero parang nagtatanong ang itsura niya. At mas nagulat kami ng magtanong siya.
"S-Sino kayo?" tanong niya.
Yung mga ngiti namin dahil nakita na namin si Cathy ay unti-unting nawawala dahil sa tanong niya.
A-anong ibig sabihin nito?
"A-ano? Ano ka ba Cathy. Nagbibiro ka ba? Hindi nakakatawa yan ah." sabi ni Shanie habang may pilit na tawa.
Kumunot ang noo ni Cathy. Kaya mas naging malinaw samin, na totoo ang sinasabi niya.
"Hindi ako nagbibiro. Sino ba kayo?" seryosong tanong ni Cathy.
"T-Talaga bang hindi mo kami naaalala?" tumango lang si Cathy sa tanong ni Shanie.
Hindi kami nagsasalita dito ni Jonie at nakatingin lang ng nagtataka kay Cathy.
Napatingin si Shanie sa loob ng ICU kung nasaan si Ivan tapos ibinalik niya ang tingin niya kay Cathy.
"Kung hindi mo kami naaalala..." tinuro niya si Ivan na nasa loob ng ICU na sinundan naman ng tingin ni Cathy at ibinalik ang tingin kay Shanie."...bakit si Ivan kilala mo?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters