SIRE AN HEIR
082615Nasira ang maayos na takbo ng utak niya pagkagaling ni Irving James the third sa kanila. Yung day-off niya, na sa halip ay maging pahinga ng utak at katawan niya ay nabalewa dahil heto siya ngayon sa gym at nagpapapawis, nagpapagod para pag uwi niya sa bahay nila ay plakda nalang agad siya at hindi na mag-iisip pa. Tapos pag-gising niya kinabukasan ay back to work na ulit siya. Same routine just like how she spent her seven years without him; bahay-trabaho-konting gala-bahay-trabaho.
"Hi Chesca? Nagkita na naman tayo."
Inihinto niya ang threadmill at bumaba. Hindi niya pinansin si Alex na umabala sa mahabang pag-iisip niya. At kahit alam niyang nakasunod ito sa kanya ay ipinagwalang bahala nalang niya. Sanay na siya sa mahangin na ito kaya ano pa ba ang bago.
"Tapos ka na bang mag-excercise? Then, can I invite you to lunch?"
Diretso lakad pa rin siya. Wala siyang naririnig. Si Alex ay isang malakas na hangin lang naman sa paligid at hindi dapat masyadong pinagpapapansin.
Nakarating na siya sa tapat ng locker room ng mga babae pero nakasunod pa rin ito sa kanya at salita ng salita ng puro kahanginan.
Hinarap niya ito. "Ano? Sasama ka hanggang sa loob?" Puno ng pagkaasar niyang sabi. Bad trip siya kaya huwag itong hahara-hara at baka ito mapagbalingan niya.
Ngumisi ito sa kanya habang tuloy sa pagpupunas ng pawis. Matangkad naman itong si Alex at mestusuhin. May sinabi rin naman ang pinanggalinggang pamilya. May itsura din, maganda ang pangangatawan at sa totoo lang ay bukod sa kahanginan nito ay wala naman na talagang maipipintas rito. Sa madaling sabi ay gwapo ito, yummy at responsable rin naman kahit na ayaw niyang aminin dahil naiinis siya sa pagiging mahangin nito at makulit.
"Pwede ba?"
Tinignan niya ito ng masama kaya napakamot ito ng ulo at nginitian siya ng alanganin. For the first time since they've met, she finds Alex cute. Mabait talaga si Lord dahil hindi lang isang katangian ang ipinagkakaloob sa tao, tulad nitong ai Alex, may cute side rin pala maliban sa pagiging mahangin.
"Sorry. Binibiro lang naman kita. Masyado ka namang seryoso kasi na parang binasted na kita eh hindi pa naman. Ang lakas mo kaya sakin."
Eto na naman po kami. Maryosep na buhay.
She rolled her eyes at may sasabihin pa sana siya ng muli itong magsalita. At sa lahat ng sasabihin nito ay iyon pang pilit niyang kinakalimutan. Iyong bahay, rather tao na sumira ng araw niya, ng kanyang precious day off!
"I saw you rode on that guy's car days ago." Nakasimangot pa nitong sabi at medyo salubong pa ang kilay.
"Sino naman iyong 'that guy' na iyon, aber?" Maang maangan niya kahit na alam naman na niya kung sino ang tinutukoy nito. Isa pa ay hindi naman niya ugali ang makisakay sa kung kaninong sasakyan lang. Lalo na kung lalaki ang mag ari ng sasakyan.
"Yung nasa coffee shop." Seryoso nitong turan bago ngumiti ng matabang. "That guy is the last grandson in the Kho Clan. Kaya pala hindi mo ako pinapansin ay dahil may mas nakahihigit pa sa akin na nanliligaw sayo."
Literal yata siyang napanganga pero nang makabawi ay parang umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo niya. "So sinasabi mo ba na mukha akong pera? Na kaya ako sumama sa lalaking iyon ay dahil mas mayaman siya?" Nagbuga siya ng hangin sa sobrang inis. "Alam kong maliit ako dahil kulang ako sa height pero ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin?"
"No Chesca! Of course not. I was just wondering. Sa tagal kasi nating magkakilala ay ngayon ko lang nalaman na may koneksyon pala kayo ng lalaking iyon. I mean, in two years, I never saw you talked to him nor utter his name kaya nagulat talaga ako nang makita kong basta ka nalang sumama sa kanya."
BINABASA MO ANG
Still You (DH 4 || Completed)
RomanceDH Series #4: STILL YOU "I lost you for seven long years but I'm willing to give you the rest of my life to compensate for the years we've lost." Seven lon...