SIRE AN HEIR
092515Pumasok siya agad sa kwarto ni Irving James the third at sinabunutan ang sarili.
"Gahhd! Ano na naman ba pumasok sa kukote mo Faye at sinabi mong jowa mo si Alex? Si Alex na walang malay. Si Alex na nananaimik na isang tabi." Kausap niya sa sarili habang paroo't parito na parang pusng hindi maihi.
Agad siyang naghanap ng telepono, cellphone o kahit anong pwedeng i-pang contact kay Alex. Kailangan niyang ma-contact agad si Alex para kuntsabahin.
"Kung bakit naman kasi Faye kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo eh!" Muli niyang sabi habang naghahalungkat sa paligid. "Ayun!" Aniya nung makita niya ang cellphone ni Irv na nakapatong sa couch.
She immediately dialled her number kasi alam niyang na kay Alex pa ang bag niya. Naiwan niya iyon sa kotse nito dahil basta nalang siyang dinukot ni Irving James the third.
Pagkatapos ng ilang ring ay may sumagot na sa cellphone niya. At hindi nga siya nagkamali dahil boses ni Alex ang narinig niyang nagsalita.
"Alex! It's you right?" Medyo pabulong niyang sabi dahil baka mamaya, andyan lang pala si Irving sa labas ng pinto at nakikinig, mahirap na.
(Chesca? Yeah, it's me. Kukuhanin mo na ba ang mga gamit mo? O gusto mong ihatid ko nalang sa inyo?)
Hindi niya pinansin ang sinabi ni Alex. "Alex, listen to me," panimula niya. She have to make it fast at baka mabuko pa siya. "Alex, ahmm..." panay mura niya sa isip. Sobrang cheap naman kasi ng sasabihin niya.
(What is it? Do you have a problem?" He asked at ramdam niya ang amusement sa boses nito.
"Hoy Alex ah! Huwag kang maka-ngiti ngiti riyan ha? May sasabihin ako. Importante. And I'm serious about this." Ilang beses pa niyang kinalma ang sarili.
Tumawa si Alex sa kabilang linya at ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya hindi pa man niya nasasabi ang intensyon niya sa pagtawag.
(What is it Chesca?)
"Will you be my boyfriend Alex? I mean, damn! Can you pretend to be my boyfriend?"
(What? Are you serious? Sinasabi ko na nga ba at hindi mo rin maresist ang kagwapuhan ko eh.) Na sinabauan pa nito ng tawa.
Kung kaharap lang niya si Alex, siguradong nakutusan na niya ito. Kahit kailan talaga napahangin at napakataas ng self confidence ng loko. Mali yata ang desisyon niya na kuntsabahin si Alex.
"Tinanong kita tapos tinanong mo rin ako. Ano ito, magtatanungan nalang tayo?" And then again, she heard him chuckled. "Just answer my dqmn question dahil nasasayang yung load!" Leche talaga minsan itong si Alex eh.
(Anything for you, Inday.) Sabay tawa pa ng gago sa kabilang linya.
"Anong Inday? Sinong Inday ang sinasabi mo? Naka-drugs ka ba?" Mahangin na nga, magulo pang kausap ang Alex na 'to. Sa isip isip niya.
(Ikaw iyon.) Sagot naman ni Alex na parang nagpipigil ng tawa. (Ikaw si Inday at ako naman si Dodong.) And this time, hindi na nito pinigilan ang pagtawa.
"Gago ka talaga! Dami mo alam. O sige na, sasabihin ko nalang ang dahilan ko kapag nagkita tayo. Bye. And... thanks." Aniyang hindi na napigilan ang mapangiti.
(Anything for you, Inday.)
Natawa na talaga siya. Kailan pa nauso ang Dodong at Inday na endearment ng mag-jowa? Pauso talaga itong Alex na 'to minsan eh.
(I love you Inday.) Sabay tawa na naman nito. (Wala man lang bang I love you too dyan, Inday?)
"Ga— I love you too, Dodong." Biglang bawi niya nung makita niyang pumasok ng kwarto si Irving James the third with matching kunot-noo pa habang nakatingin sa kanya. Mumurahin talaga dapat niya si Alex, di lang natuloy dahil sa pagsulpot ni the third.
BINABASA MO ANG
Still You (DH 4 || Completed)
RomanceDH Series #4: STILL YOU "I lost you for seven long years but I'm willing to give you the rest of my life to compensate for the years we've lost." Seven lon...