SIRE AN HEIR
03**16She gently squeezed Irving's hand as her parents left their living room, giving them time to breath.
She smiled at him and gently caressed his face. Medyo namumutla pa ang binata dahil sa nangyari. They both know it was a wrong move – a wrong decision to make but still, ipinilit pa rin nila.
But how can something so wrong feel so right at the same time?
"Okay lang iyan. Nabigla lang naman ang parents ko sa desisyon natin. Kahit kasi saang anggulo tignan ay hindi pwede itong ginagawa natin." She smiled bitterly.
"I'm sorry for this mess. My life has been a whole mess. Everything seems so wrong until you and I just can't let you go." Halos bulong na nitong sabi sa kanya.
Naaawa na siya kay Irving. Ano ba ang nagawa nilang mali at pilit silang pinaglalayo? And now that they've already made up their minds on what they really want to do with their lives ay saka naman ang daming hadlang.
Ang mga magulang nila, pagkatapos nilang sabihin ang desisyon nila at ang sitwasyon nila ay nagalit lang din sa kanila. Noon pa man ay kilala na ng parents niya si Irving at ang Mama nito kaya alam niya na sooner or later ay maiintindihan din sila ng mga ito.
Sino ba naman kasing magulang ang matutuwa kapag nalaman na magpapakasal ang anak nila sa isang lalaking nakatali pa?
"Niloloko lamang ninyo ang mga sarili ninyo. Bakit hindi nyo nalang hintayin na ma-proseso ang divorce papers at saka kayo magplanong magpakasal? Wala ba kayong mga isip? Ang tatanda na ninyo para maging padalos-dalos. Isa pa ay hindi kami papayag na pagmukaing mang-aagaw at mistress ang anak namin, Irving. Hindi kami papayag sa gusto ninyong mangyari. Tapusin mo muna ang problema mo sa asawa mo at saka mo balikan si Faye. Makakaalis ka na."
Iyon ang huling salitang binitawan ng tatay niya bago sila talikuran. Ilang minuto rin silang nawalan ng kibo ni Irving dahil doon. Masyado kasing ipinamukha sa kanila ng parents niya na isang malaking kalokohan ang naaging desisyon nila. Pero wala ng atrasan. It's now or never.
Nang gabing iyon ay nagpaalam din sila sa mga magulang niya. She'd rather stay in her unit habang galit pa ang parents niya. Inihatid naman siya ni Irving ang hindi lang niya inaasahan ay ang desisyon nitong doon na matulog.
Pakiramdam niya ay mang-aagaw talaga siya ng asawa ng may asawa. Pero hindi naman din niya ito kayang ipagtabuyan paalis lalo na at ngayon lang ulit sila nagkita pagkaraan ng ilang lingo.
"What are you thinking?"
Medyo nagulat pa siya nang pumulupot ang braso nito sa beywang niya at marahan siyang halikan sa balikat saka siya tinignan mula sa salamin.
"Feeling ko kasi, mang-aagaw ako ng asawa." Nakalabi niyang sabi.
Iniharap siya nito. "I was never hers. I am always yours." Then he pressed his lips into hers.
Noong una ay marahan at padampi dampi lamang ang halik nito sa kanya pero nang nagtagal ay lumalim iyo at naging mapusok.
Sinagot niya ang bawat halik at haplos nito sa katawan niya. She gave him what he was giving her with all her heart. Everything seems wrong but whenever she's with him, everything fades away.
Oh darling I know your taken. Something 'bout this just don't feels right. Every time one of us tries to leave here oh the other one holds on tight.
Pinatay agad niya ang natabig niyang player.
He was taken, yes. But not for so long. Soon, she will have him for herself alone.
Kinabukasan ay nagising siya sa marahang halik ni Irving sa kanya. When she looked up at the wall clock at the top of her room door, it says that it was only past five in the morning.
"I need to go, babe. Wala na akong spare clothes sa sasakyan and I have an important meeting this morning." Anito habang isinusuot ang pinaghubarang damit nang nagdaang gabi.
Tumagilid siya at pinagmasdan ito. "Nagpagupit ka." Matagal na niyang napapansin iyon na ang halos hanggang balikat nitong buhok ay ipinaputol na nito at ngayon ay mas maiksi na iyon.
Bahagya siya nitong sinulyapan.
Why, but she always loved his long wispy black hair!
"What about my hair?"
Sinimangutan niya ito. "Ayoko ng ganyan. Noong makilala kita, long hair dude ka na tapos ngayon, nakipag-break lang ako, pinaputol mo na."
Tumawa ito, showing his perfect set of white teeth. Para tuloy bumata ito ng limang taon dahil sa pagtawa. And come to think of it, parang ngayon nalang ulit niya ito nakitang tumawa.
"Mahaba talaga ang buhok ko. But when I graduated, pinaputol ni Mama dahil hindi daw bagay sa uniform ko."
"That too! Hindi pa kita nakitang naka-pilot uniform." Bumangon na siya. "Gusto ko pagbalik mo rito suot mo ang uniporme mong iyon dahil kung hindi mo lang rin isusuot, huwag ka nalang pumunta dito."
Tumatawang tumayo na ito at saka siya niyuko para hagkan sa noo at ibalabal sa kanyang mabuti ang kumot niya. Napasibangot siya dahil feeling niya mukha siyang uod dahil mukha lang ang litaw sa kanya.
"Your tempting, babe. Aalis na ko."
"Wait!"
Binalingan siya nitona parang nagtatanong habang nakatitig sa kanya.then, he groaned. Paano ba naman ay tinanggal niya ang kumot na tanging nagsisilbing saplot niya ng mga sandaling iyon. Napangisi siya.
"Tease." Anito. "What do you want?" nakangisi nitong sabi.
Uh, okay. He's on for another round. She said on the back of her mind as she wrapped herself again in her blanket.
"Last question: Bakit mo pinaputol ulit ang buhok mo? Babalik ka na ba sa pagpipiloto? Iiwan mo na ba ang company ninyo?"
Pero sa halip na sagutin siya ay pinakatitigan lang siya nito. Iyong klase ng titig na parang ikaw na ang pinakamagandang babae na nakita nito. Iyong titig na akala mo isa kang babaeng walang pores, balingkinitan ang katawan, twenty four ang waist line at one hundred pesos ang baon. In short, iyong titig niya ay nakakawala ng katinuan.
He then softly smiled, making her heart melt at the same time, making her heart beats erratically and then making it stops in a split second as he says;
"Mahal kasi kita."
BINABASA MO ANG
Still You (DH 4 || Completed)
RomansaDH Series #4: STILL YOU "I lost you for seven long years but I'm willing to give you the rest of my life to compensate for the years we've lost." Seven lon...