SIRE AN HEIR
030116"Sorry to startle you. It's so dark here. Come on, I'll send you home."
"Diyos ko po!" napahawak siya sa dibdib sa sobrang gulat. Pero ang katabi niya ay mukang walang pakealam kahit muntik na siyang atakihin sa puso.
Tinignan siya nito at ganoon rin ang ginawa niya. This man's face is void of any emotion until he smiled at her sternly.
Para siyang nakaharap sa mas matandang version ni Irving. The only difference is that Irving was not a womanizer like the man in front of her. Hindi naman siguro siya masisisi kung iyon ang isipin niya. He has Irving, then Alex and Xander before he settled for one woman – Queen and Princess' mother.
"I can see how my son looks at you. Noong kabataan ko, ganoon rin ako kay Elvira. But life isn't fair. I am a pure blooded Chinese at alam mo naman na siguro na ang Chinese ay para lamang sa kapwa Chinese."
Umiling siya. "Physically, hindi maipagkakaila na magkamukha kayo ni Irv, but truth is, wala kayong pagkakatulad." Buong tapang niyang pahayag.
"I know." Tumayo ito at pinagmasdan ang langit habang nakapamulsa. "We changed his life and almost, almost take away everything from him including you. But that son of mine was so stubborn on his own good because he still made his way to get you. Hinayaan na namin ni Papa. Lalo na at siya na lamang ang nag-iisang lalaki na magpapatuloy ng mga nasimulan namin."
Napakunot noo siya. Hindi ba alam ng mga ito ang tungkol kila Alex? Hindi ba at alam na nila? Kaya nga naroon ang kambal nung isang araw.
"There's Alex and Xander." Aniya.
"Yeah. But the twins were also stubborn. Ayaw nilang maging parte ng pamilya. Besides, nariyan naman na daw si Irving." Nilingon siya nito. "Wait for my son, Chesca Fayelin. Wala kaming alam sa mga plano ni Kristine pero nagawan na namin ng paraan ang divorce papers nila. Sooner or later, he'll be free."
And for the first time, she saw the man smiled a little at her.
"Come on, I'll send you home." Anyaya pa rin nito sa kanya.
Umiling siya. "Actually Sir, I'm with Alex. Iniwan ko siya sa loob ng resto-bar and I think, hinahanap na ako nun." Ngumiti siya kahit na pilit.
"I see. Then, I'll go ahead." He said as he lightly taps her head.
Pinagmasdan niya ito habang papalayo. Maybe he's in his middle 50's, pero gayun pa man ay matikas pa rin ito at halata ang pagiging magandang lalaki.
Napapitlag siya nang mag-vibrate ang cellphone niya. Unregistered number ang nakarehistro doon pero sinagot pa rin niya. Mahirap na, baka mamaya ay importante.
"Where the heck are you?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi siya maaaring magkamali. It was Irving's voice. After so many weeks, he called her. Tinawagan na siya nito.
Napahikbi siya at hindi na nakuha pang magsalita. Narinig niya ang sunod-sunod nitong pagmumura sa kabilang linya.
"Babe, tell me what's wrong? Why are you crying? Please stop. Stop crying." Alo nito sa kanya na puno ng pag-aalala ang boses na kani-kanina lang ay galit.
"Miss na miss na kita." Sa halip ay sagot niya. "Nakita kita kanina. Tapos bigla ka nalang nawala. Ayoko ng ganoon, Irving James. You're scaring the hell out of me. It's was like, you don't need me anymore." Sa pagitan ng paghikbi ay nasabi niya.
Pakiramdam kasi niya ng mga oras na iyon ay ayaw na siya nitong makasama. Dahil kung gusto nito, sana ay nilapitan siya nito tutal naman ay wala namag si Kristine at tanging ang mga kaibigan lamang nila ang naroon ng mga oras na iyon. Walang manghuhusga sa kanila.
Nang muli itong magsalita sa kabilang linya mababa at puno ng kaseryosohan ang boses nito. Tinanong nito kung nasaan siya at sinabing huwag siyang aalis roon kaya ganoon nga ang ginawa niya. She waited until she saw him parked his car few meters away from her.
Mula sa ilaw sa mga poste sa gilid ay pinagmasdan niya ang lakad takbong ginagawa nito.
Irving's wearing a tattered maong pants and a black v-neck shirt now. Ang dating hanggang balikat nitong buhok at mas maiksi na ngayon. At di tulad ng nakasanayan niya na palagi itong bagong ahit, ngayon ay halata na ang papatubong stubles sa gwapo nitong mukha na lalo lamang nakadagdag sa kagandahang lalaki nito.
Nang makalapit ito sa kanya ay agad siya nitong siniil ng halik. Napapikit siya. Sa sobrang pagka-miss niya rito ay agad niyang tinugon ang halik nito. Wala siyang pakialam kung nasa pampublikong lugar sila. All she wanted to do is to feel the man she misses so much.
Pagkatapos ng makapugtong hiningang halik na iyon ay idinikit nito ang noo sa noo niya habang nakapikit pa rin.
"Don't ever think that I don't need you because I badly do. I want you in my life and you don't have a choice but to accept me. May utang pa ako sa'yo and as I've told you before, I'll make up for it even if it takes forever."
Lalo siyang napaiyak habang tumatango. "I'm sorry. I'm so sorry for breaking up with you. Ang sakit kasi malaman na abot kamay nga kita pero hindi ka naman pwedeng maging sakin."
Pinagdikit nito ang mga noo nila. "I'm yours, babe. All yours."
Tumango lang siya. Kahit noong nasa loob na sila ng kotse nito ay walang kumikibo sa kanila. Binuhay lang nito ang makina at ang aircon pero wala pa rin itong kibo.
Nakagat niya ang ibabang labi. "Anong iniisip mo?" hindi niya napigilang itanong. She hated the deafening silence between them.
Bumuntong hininga ito bago siya nilingon. Inabot nito ang isa niyang kamay at pinagmasdan bago hinalikan tapos ay tumingin sa kanya. His pair of dark eyes bore into her and it was full of so much emotion she can't name anymore.
"Irving James the third," may pagbabanta sa tinig niya. Ayaw niya ng ganoong tahimik ito. Oo nga at sanay siya na hindi ito masyadong nagsasalita pero nasanay rin siya na sumasagot ito sa mga tanong niya. Unlike now.
"Let's get married, Faye."
Nanlaki ang mga mat aniya. "Are you out of your mind? Kasal ka pa kay Kristine!" bigla ay parang gusto niyang umiyak.
Kung sa ibang pagkakataon ay baka tumatalon-talon pa siya habang sumasagot ng "yes" rito. But today, she just can't seem to be happy because no matter where you look at it, hindi pwede. Hindi pa sila maaaring maging pwede sa isa't isa.
"No, please, Chesca Fayelin Latoza, marry this bastard in front of you. Marry me no matter what the circumstances. Be with me, Faye." Puno ng pagsusumamo ang tinig nito. "Please?" and she just can't bear to see him suffer like that.
Para kasing kapag mali ang isinagot niya ay iiyak na ito. And she can't stand to see him breaks like before.
Kaya kahit alam niyang mali, kahit alam niyang isang katangahan ang gagawin nila, kahit na wala iyong bias at hindi matatanggap nino man, na walang a-acknowledge ay pumayag siya.
"Yes. I will marry you, Irving James Cervantes Kho III." At tuluyan na siyang napaiyak nang yakapin siya nito.
BINABASA MO ANG
Still You (DH 4 || Completed)
RomanceDH Series #4: STILL YOU "I lost you for seven long years but I'm willing to give you the rest of my life to compensate for the years we've lost." Seven lon...