Thirty Eight

27.8K 734 12
                                    

SIRE AN HEIR
032616

Nakatingin lamang siya kay Irving habang nakikipag-utuan ito sa mga anak nila Reichelle at Irinea na abala sa paghahanda ng kakainin nila para sa hapunan. Nasa tapat niya ang dalawang kaibigan na parehong busy sa pagkukwentuhan tungkol sa mga anak ng mga ito habang siya ay nakapangalumbaba lamang sa kitchen table at pinapanood si Irving at ang mga bata.


"Alam mo Rei, noong ipinagbubuntis ko iyong kambal namin ni Dwight, wala akong kaarte-arte sa katawan. Iyon nga lang, hindi si Dwight ang kasa-kasama ko noon habang lumalaki ang tiyan ko kundi si Yohann."


"You can't turn back the time, you know? At least, he cared in a distance."


"Yeah. But still, mas maganda siguro kung hindi ko pinairal ang selos ko noon over his ex-girlfriend na matagal na palang wala sa mundong ito. But you know, it takes time bago ko na-admit na selosa ako at ayoko ng may lumalapit sa asawa ko. But knowing Dwight, he's kind of snob unlike his twin brother."


"Iyan talagang selos na iyan ang nagiging sanhi ng pagkasira ng relasyon eh."


"And the lost of communication the leads to misunderstanding."


"Hay! Ang selos nga naman, kapag dumapo kanino man, ika-cancel ang lahat –"


She glared at her two friends. "Pinaparinggan nyo ba ako? Saka sino ang nagsabi na hindi natuloy ang kasal? Nagpakasal pa rin kami. May kasalang bayan kasi kaming nadaanan kaya sumali kami." Nag-peace sign pa siya sa dalawa. "Althouh hindi naman iyon valid dahil sumingit lang naman talaga kami."


Nagtinginan ang dalawa. Tapos ay sabay na umiling. Si Rei ay inakbayan pa siya habang si Rin ay gumuhit ang mapanuksong ngiti sa mga labi.


"Masama ang magbintang, Ches."


"Yeah. Besides, nagselos ka lang ba kaya na-cancel ang civil wedding nyo ni Irv? Kawawa naman pala siya. You know, all the preparations he worked hard for together with his friends were gone to wastes."


"Pero alam mo, bilang babae, kaya kitang intindihin lalo na at buntis ka. Pero Ches, ang swerte mo pa rin dahil hindi man lang nagtampo si Irving sa kagagahan mo." Ani Rin sa kanya bago ipinagpatuloy ang paghihiwa ng mga gulay.


"Saan naman ninyo nakuha ang ideyang buntis ako? I'm not pregnant."


"Talaga ba?"


"Totoo?"


Sabay pang sabi sa kanya ng dalawa na parang gulat na gulat pa na animo'y isang malaking joke ang sinabi niya.


"At anong hindi nagtampo? Eh halos hindi pa nga kami nagkakausap ng maayos since last week. Kahit nga yata maghubad ako ngayon sa harap ng Irving James the third na iyan, hindi ako niyan papansinin."


"Pero sabi ni Irving buntis ka raw. Masayang masaya nga eh."sinulyapan pa siya ni Rei.


"Saka, baka naman napa-paranoid ka lang. alam naman nating lahat na matipid magsalita si Irv. Parang ang kuya ni Meg iyan eh. Kaya nga mag-bestfriend ang dalawang matino na iyon eh. Ewan nga kung bakit ang isang lalaking pagkatino-tino na si Irving James Kho III ay naligaw ng landas at nakilala ang isang pasaway at may topak na katulad mo."


"Oo nga." Segunda ni Reis a sinabi ni Irinea na ngingisi-ngisi.


She stared at her friends with a knotted forehead. "Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Kasi parang hindi eh. Kung makapintas kayo, akala nyo napakatino nyong dalawa." Irap niya.


Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon