SIRE AN HEIR
112915"Miss Latoza pinapatawag ka ni Sir Kho sa opisina niya."
She looked up and stared at the man who's standing beside her. "Busy ako. Isa pa, lunch break na. Sabihin mo sa amo mo, mamaya nalang." Tumalikod na sya. Hindi na niya hinintay ang ano mang sasabihin nito.
Dumiretso siya sa elevator para lang makasalubong ang isa sa pinakagwapong kambal na nakita niya. But she has no time to appreciate how good-looking they are.
"Going somewhere, Fayelin?" tanong ng isa. Ewan niya kung sino iyon at wala siyang pakialam.
"Shut up Clyde." Bored na saway ng obviously ay si Dwight. Nginitian niya itong bahagya bago tuluyang pumasok sa elevator kung saan ang mga ito lumabas.
She immediately looks for her car only to find out that she has flat tire! At hindi lang isa kundi lahat ng gulong!
"What the hell!" she yelled. Isa lang naman ang alam niyang gagawa noon sa kanya – si Irving James the third.
She dialed his number na sinagot naman nito kaagad in one ring.
"James, anong ginawa mo?! Not because I don't want to talk to you, does it mean na pwede mo ng gawin ito! What's this? Are you going back to your old self?" she yelled at him over the phone. Pakiramdam niya ay uusok na ang ilong niya sa inis.
She wanted to go home. Masakit ang puson niya tapos ay nakikisabay pa ito.
"You've been avoiding me for quite some time now. I thought we were okay but we're not! Damn it Faye! You're pushing me to do this!"
"So ako pa ang may kasalanan ngayon? Sino ba ang basta nalang nawala seven years ago? Sino ang basta nalang sumulpot after fucking seven years –" nahinto siya nang pagpatayan siya nito.
Then she felt herself being lifted from the ground and before she knew it, naiupo na siya nito sa passenger's seat ng sasakyan nitong hindi man lang niya nalaman na nasa likuran na pala niya.
"James!" sigaw niya habang kinakabit nito ang seat belt niya.
"You're making things complicated Chesca Fayelin. And stop struggling. Sasayangin mo lang ang oras mo. I'm taking you somewhere kung saan hindi mo na ako maiiwasan." May halong pinalidad nitong saad kasunod ng pagharurot ng sasakyan nito that left her no choice but to shout her mouth kahit na para na siyang sasabog sa inis.
Bawat minutong lumilipas ay tinatapunan niya ito ng masamang tingin na sabi nga, if looks could kill, matagal ng bumulagta si Irving James the third.
Sa ilang araw niyang pag iwas rito mula noong mag-usap sila sa pribadong opisina nito ay hindi niya maiwasan na pagdudahan ang lahat ng mga sinasabi ni Irving sa kanya. Mas gusto pa nga yata niya ang dating Irving na nakilala niya na kahit na madalas ay padalo-dalos sa mga ikinikilos ay hindi naman malihim at hindi mahirap pakisamahan.
Unlike now that she can't even read, mostly, his facial expressions. It was like looking at him was like looking at a blank paper – void from anything, everything.
Hindi niya namalayan na nakahinto na pala sila. Kung hindi pa siya pinagbuksan ni Irving ng pinto ay baka nalulunod pa rin siya sa isang malalim na pag-iisip.
"Let's go." Sabay hawak nito sa kamay niya at kinaladkad na siya papasok sa loob ng isang mataas na gusali.
"Anong gagawin natin dito? This is not even your property." She asked upon seeng the Monroe's logo in the entrance of the building.
BINABASA MO ANG
Still You (DH 4 || Completed)
Storie d'amoreDH Series #4: STILL YOU "I lost you for seven long years but I'm willing to give you the rest of my life to compensate for the years we've lost." Seven lon...