Thirty

26.8K 759 43
                                    

SIRE AN HEIR
012916


Pakiramdam niya ay may mali kay Xander at mukang alam iyon ng kakambal nito pero sinadyang manahimik na lamang. Pero hindi talaga siya mapakali kaya pagkatapos mag-walk out ni Xander ay agad nila itong sinundan ni Alex.

They ended up in front of Irving's office. She looked up at the two man beside her; Alex was in his unusual poker face while Xander's expression was kind of off. Para kasi itong hindi natunawan.

"Kumatok ka na." aniya at sabay na siniko ang dalawang binata na nasa magkabilang gilid niya.

"Xander," ani Alex.

"Tsk." Sabay bukas naman ni Xander ng pinto.

Nanlaki ang mata niya hindi dahil sa hindi nito pagkatok kundi dahil sa nakita niya sa loob.

"What the hell – " mura ni Xander na naputol ng bigla sialng harangin ng secretary ni Irving na humahangos pa.

"Sorry po, Sir. Galing kasi ako ng powder room kaya hindi ko sila –"

"It's okay." Putol rito ni Irving. "You may leave."

Pagkalabas na pagkalabas ng secretary ni Irving ay nakabibinging katahimikan ang namayani sa kanilang lima. She didn't expect that she would see Kristine inside his office. Although she was fully aware na nasa paligid lang si Kristine ay hindi pa rin niya inakala na sa mismong loob ng office ni Irving niya ito makikita.

And what's worst is when they open the door, the woman was sitting seductively at Irving's mahogany table.

But the flirtatious smile on Kristine's lips fades away when she saw us – rather, the twin beside her.

Mayroon talagang something sa mga ito at iyon ang gusto niyang malaman.

"Faye, what brought you here?" bulong ni Irving sa kanya nang lapitan siya nito at hagkan sa sentido.

"And why she's here?" ganting bulong niya. Sa totoo lang ay ang dami niyang gustong itanong ngayon dito.

"I don't know."

"But she said something to me earlier. Was that true?"

Nakarinig sila ng tikhim. It was Alex.

"Hello, nandito rin kami." Anito kaya agad silang umayos ni Irving.

Hinarap sila ni Irving. "Would you like something to drink while waiting for our father?"

"What? Magkakapatid kayo?" bulalas ni Kristine na lumapit pa sa kanila.

"Unfortunately, yes." Bagot na sagot ni Alex.

"And why are you even here? After what had happened years ago? Seriously, Kristine? You still have the guts to show your face in front of us?" puno ng sarkasmong sabi ni Xander. "Dapat ay hindi ka na nagpakita."

"So you know each other, huh? I guess, it's better to talk everything when our dear father arrive." Nilingon siya nito. "Follow me, Faye." Saka ito dumiretso sa isang pinto sa sulok ng marangya nitong opisina.

Sinundan niya ito roon, leaving Alex, Xander and Kristine behind. Bahala silang tatlo tutal naman ay mukang may kailangan rin silang pag-usapan dahil mukang may malalim na ugnayan ang tatlo lalo na si Xander kay Kristine.

Pagpasok niya ay nalaman niyang isa pala iyong kwarto dahil may katamtamang laki na kama na naroon, may closet, mini refrigerator, isang lamesa kung saan may nakapatong na laptop, may dalawang single seater na couch na pinapagitnaan ng mesita at may isa pang pinto na sa tingin niya ay banyo.

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon