Forty Two

28.4K 686 21
                                    

SIRE AN HEIR
050816

A baby girl.

Babae ang panganay nila ni Irving ayon sa ultrasound. She got speechless when her OB announced that their baby was a girl. Alam kasi niya na lalaki ang gustong anak ni Irving. Nangilid pa nga ang luha nito noong nasa clinic sila kaya sumama talaga ang loob niya. But when Irving hugs her and shows her how much he loved the idea of having a baby girl.

"I can't wait to see the little version of you. Oh God! I can't wait to see our little angel."

It was Irving's words that crept into her heart. Imagine the father of your child teary eyed while saying those words. It will melt everything that is hard.

He told her that as much as he wanted a baby boy, he was much more grateful that their first baby was a girl. He said that he wanted to annoy his grandfather and having a girl as their first baby was a blessing. Ibig daw kasing sabihin niyon ay may next time pa. And it's either bubuo daw sila ng cheer leading squad or a first five in basketball ay wala daw ditong anuman us long as they're healthy.

That same day after they've found out the gender of their baby, they went to go shopping. And good Lord! Irving went crazy on picking pink mittens, pink socks, pink pajamas and everything like a crazy mother! Imagine a big tall man oozing with sex appeal holding pink little dresses for their unborn child? It was a sight to be hold!

Hindi niya inakala na magiging ganoon ang excitement ni Irving na halos lahat ng makita nitong pink ay dinadampot kahit na hindi pa naman iyon magagamit ng magiging baby nila.

Hinayaan nalang niya ito sa gusto. Maging ang mga sales lady ay pawang nakangiti at kinikilig pa kay Irving. That time, gusto nalang niyang ilagay sa paper bag si Irving at iuwi o kaya naman ay dukutin ang mga eyeballs ng mga babaeng tumitingin sa kanya.

"Hoy buntis! Nakikinig ka ba sa amin? The party's almost over but where the heck did Irving go? Bigla nalang nawala ang lolo mo." Ani Amber habang ngumunguya nguya pa.

Baby shower nila kaya kumpleto ang buong pamilya at malalapit na kaibigan. Ang parents niya ay kasama ang Mama ni Irving at ang mga Kho. Terence, Drae, Art, Dwight, Amber, Meg, Rin, Reichelle, Emerald and the Madrigal brothers were also present. Si Clyde lang ang kulang at sina Alex and Xander.

Isa lang ang ipinagtataka niya: the baby shower was too grand it almost looks like a debutant's party. Pink and silver ang combination venue with flowers and pink balloons all over the place.

"Pati si Kuya nawawala." Ani Meg. "May binabalak ba kayo, Drae? Kasi kung meron, masyadong obvious." Anito sa asawa na tumawa lang.

"Pati nga si Clyde nawawala eh. Rather, wala pa. He's not usually late."

Napatingin sila kay Amber at sabay-sabay na napangiti bago ito pinaulanan ng tukso.

"The in-denial queen is looking for her king, huh?" Muling komento ni Meg.

"Shut up, Meg!" Irap ni Amber pero hindi maitatago ang ngiti sa mga labi nito. "Besides, si Clyde iyong klase ng lalaki na hindi pwede sa akin so stop pairing me to that quack."

Napatulala sila kay Amber. Para kasing may something talaga dito at kay Clyde pero kahit minsan ay hindi nila nabalitaang nag date ang dalawa. And for the past three months, dinaig pa ng mga ito ang mga bata kung mag away na pinalala pa sa pagsulpot ni Xander sa eksena.

And speaking of Xander and Clyde. Parating ang dalawa — magkasabay at parehong may hawak ng bouquet ng bulaklak at akala mo nasa ramp stage dahil sa ganda ng lakad.

Sinalubong niya ang dalawa. "Akala ko hindi na kayo darating eh!" Biro niya. Hinalikan lang siya ng dalawa sa pisngi matapos batiin. "Nag abala pa kayo sa flowers. Thank you ha?" Nang akmang aabutin na niya ang bulaklak ay sabay na bumaling ang dalawa kay Amber na nakaupo lang at panay ang kain.

"Sabi kasi sa'yo kay Irving ka lang magtiwala eh." Bulong ni Rin sa kanya sabay hagikgik at nakisali pa si Reichelle.

"Kaibigan ko ba talaga kayo?" Irap niya sa dalawa saka binalingan ang dalawang bagong dating. "Hoy kayo! Bawal manligaw! Baby shower ko kaya ito. At dahil wala kayong regalo sa amin ni baby, hindi nyo pwedeng lapitan si Amber." Saka niya tinawag si Dwight at pinahila ang kakambal palayo kay Amber.

"Sorry! I'm late."

Sabay sabay silang napalingon sa bagong dating. Another handsome and very much available came along to join her party. Napangiti siya ng maluwang.

"Dodong!" Nilapitan niya ito at niyakap. "Woah! Grabe na miss kita ah! Ang tagal mong nawala. Saan ka ba naglaboy?" Biro niya. Sa pagkakaalam niya kasi ay lumaban ito sa ibang bansa at isa pa nga sa team member nito ang kapatid ni Emerald na si Leo Madrigal.

"I need to mend my broken heart. It's hard to pick up every pieces of it after you shattered it into millions of pieces." Madamdmin nitong sabi habang pinagmamasdan siya.

Pakiramdam niya ay nagba-blush siya dahil ang init ng pisngi niya ng mga sandaling iyon. Idagdag pa ang hiyawan at panunukso nila Meg, Rin, Reichelle at Amber.

"Joke lang. Pero na-miss talaga kita Inday! Payakap nga ulit?"

"Sure!"

Akmang magyayakap na sila nang dumating si Irving at pumagitna sa kanilang dalawa. His arm automatically wrapped on her shoulder as if protecting her from harm kahit wala naman na dapat ikabahala.

"Yakap ka ng yakap. Baka upakan kita." Ani Irving.

Hindi niya alam kung biro ba iyon o hindi dahil nagtawanan lang ang iba sa pangunguna ng kambal na sina Clyde at Dwight na magkaakbay pa. Akala mo super close.

"Yakap na nga lang pinagseselosan mo pa. Bakit kasi di mo pa pakasalan ngayon?" Biro ni Alex na nagpawala sa ngiti niya.

Hanggang sa natahimik silang lahat at nagkatinginan. Hindi tuloy niya napigilan ang mapasibangot. She felt like she wanted to skin Alex alive for saying that.

"Ah.. Eh.. Hoy Dwight! Ilayo mo nga iyang kakambal mo kay Amber. Bawal sila magkalapit. Parusa yan sa kanila ni Chesca kaya ilayo mo na iyang kakambal mo. Tignan mo tuloy kung ano na ginagawa ng mga anak mo dun." Ani rin sa asawa.

Si Xander naman ay hinigit rin ang kakambal na si Alex papunta sa isng sulok kung nasaan nakaupo ang ibang lalaki at nagkakasiyahan. Sumunod sa mga ito si Drae habang hatak ang asawang si Meg. Si Reichelle naman ay nagpaalam na pupuntahan ang anak na naglalaro kasama ang kambal ni Rin at Dwight. At si Amber ay nanatili sa table na kumakain at walang pakelam sa mundo.

Tumikhim siya. She wanted to say something to Irving.

"Oo na. Aalis na." Ani Amber habang dala ang kinakain nito.

"Seriously Amber, are you pregnant?" Habol niyang tanong rito.

"I'm fine thank you! And I like the pink balloons by the way. Pink for a boy." Sagot nito at nag thumbs-up pa habang papalayo. Di nalang niya inintindi si Amber. Luka-luka kasi iyon.

Nagkatinginan sila ni Irving at mabilis na nagilid ang mga luha niya. Maybe because deep inside her, she was hoping for a proposal... for his proposal.

Pero kung hihintayin niya si Irving na mukhang walang balak, masasaktan lang siya at aasa kaya huwag nalang. Siya nalang ang magpo-propose!

"Babe..."

Irving calls as she turns her back and walks passed him without responding to his response.

"Lumawit lahat ng lalawit sa'yo pero di kita lilingunin." Bulong niya habang nagmamartsa sa inis.

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon