Twenty Four

24.5K 624 22
                                    

SIRE AN HEIR
122415


Nakabibinging katahimikan ang namayani sa kanila noong makita siya ng mga ito na pababa ng hagdan. Ang Mama ni Irving ay bakas ang disgust sa mukha kahit nang bumaling ito sa kanya, ang magkapatid na Princess at Queen ay pareho ring may bakas ng pagtutuol ang mga mukha habang ang tatay naman nila Irving ay blangko ang exspresyon ng mukha noong tumingin sa kanya.

"You must be Fayelin." At nilapitan siya ng matanda noong tuluyan na siyang makapanaog sa hagdanan.

Hindi niya alam kung babatiin ba niya ito o ano. Pero dahil pinalaki siya ng mga magulang at naturuan naman siyang gumalang ay binati niya ito kahit pa kabadong kabado siya ng mga oras na iyon lalo na at iyon ang unang pagkakataon na makakaharap niya ang mga ito.

"Ako nga po. Magandang gabi po sa inyo." Magalang niyang bati.

Tinapik siya nito sa balikat. "Maupo tayo." Anito na hindi na mababakasan ng kahit na anong emosyon ang tinig.

Nilingon niya si Irving na noon ay nakatingin rin pala sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila ay para bang nakikiusap ito na magdahilan siya, na huwag siyang maupo kasama ang mga kamag-anak nito.

Malungkot siyang umiling kay Irving at kitang kita niya ang pagkuyom nito ng kamao bago siya tuluyang tumalikod at sumunod sa Lolo nito na noon ay kasunod na ang anak at ang dalawang apo na sina Queen at Princess na nakakapit sa magkabilang braso ng ama.

Kamukhang-kamukha ng binata ang ama. Hindi talaga maitatanggi na mag ama ang mga ito. Mula sa makapal na kilay, sa itim na itim na mga mata, matangos na ilong at ang cleft chin ay dito nakuha ni Irving.

Naisip tuloy niya ang kambal na sina Alex at Xander na may kapareho ng mga ito ng mata.

Hinatak siya ni Irving dahilan para mapahinto siya at lingunin ito. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Ang gwapo ng tatay mo, magkamukha kayo." Tapos ay ngumiti siya ng malungkot. "Pero lamang ka naman ng konti sa amoy dahil amoy baka ka." She know it was a lame joke pero pinilit pa rin niyang tumawa.

"You don't have to do this, Faye." Seryoso nitong sabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Sobrang itim talaga ng mga mata nito na bagay na bagay rito lalo na at kadalasan ay wala iyong ipinapakitang emosyon sa ibang tao. But she can read those dark eyes of him especially when they are this close to each other.

Humawak siya sa braso nito at hinaplos iyon to ease the tension in him. Napapikit si Irving at huminga ng malalim bago ulit siya tinitigan.

"Ano ba naman iyong ipakilala mo ako sa kanila?" aniya pa kahit na sa loob-loob niya ay parang nagpa-panick na ang buong sistema niya.

"Hindi pa tayo nagkakausap. I wanted to talk to you first bago sa kanila." Parang nagpapakahinahon na sabi nito sa kanya.

Bumitaw siya rito. "Bakit ngayon lang, James?" May bahid hinanakit niyang tanong.

Kumunot ang noo nito. "Anong bakit ngayon lang?"

"Bakit ngayon mo lang naisipang kailangan pala nating mag-usap? Isang lingo na tayo halos dito sa rancho ninyo pero anong ginagawa mo? Plagi kang naroon kasama ng mga baka, kambing, kabayo at kung ano-ano pang hayop ninyo rito. I really think you already forgot that you brought a girl here with you. Ang sabi mo, I can't roam around this ranch without you by my side but where are you during those times na nag-iisa ako? You were so busy, James!" naiiyak na niyang sabi.

Niyakap siya nito. "I'm sorry... I'm so sorry babe. I thought you didn't want to see me because I know you're still mad for everything that I did in the past so I wanted to give you some space. And seeing you laugh with my sisters, even without me, I felt like somehow, nababawasan na yung kasalanan ko."

"James,"

Bumitiw siya kay Irving pero hindi naman siya nito binitawan ng husto. Nilingon nila ang nagsalita na walang emosyon ang mukha – ang ama nito na ngayon ay diretsong nakatingin sa kanilang dalawa.

"Sumunod na kayo. Naghihintay ang Papa." Anito at tumalikod na.

"We still need to talk. Bukas nalang ninyo kami kausapin."

"Irving James!" pagtutol niya na hindi naman nito pinansin at basta lang siya hinatak palabas ng bahay at dinala siya sa likod bahay na ang dilim dilim.

"Anong gagawin natin dito?"

Sa halip na sagutin siya ay sumipol ito at ilang saglit pa ay nakarinig na siya ng yabag ng paa ng kabayo. At tumambad sa mismong harapan niya ang kabayo nitong may napakagandang tala sa noo. Namamangha pa rin talaga siya sa mga kayang gawin ni Irving. Para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito kilala.

"Let's go." sabay buhat sa kanya ni Irving at isinakay siya sa likod ng kabayo nito bago ito naman ang sumampa sa bandang likod niya. Wala iyong saddle na di tulad ng nauna niyang pagsakay kaya nanibago siya.

Hindi niya alam kung saan na sila pupunta lalo na at ang dilim dilim na hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang kubo na sa tingin niya ay sinadyang ilagay sa parteng iyon ng lugar kung saan malapit sa ilog.

"Sa ilog ito ah?" nilingon niya ang binata na ngayon ay nakababa na sa kabayo at iniaabot ang kamay sa kanya para alalayan siya sa pagbaba.

Inabot niya iyon at saka bumaba na sa kabayo. Sa ginawa niya ay hindi inaasahan na halos magdikit ang mga katawan nila sa sobrang lapit. Amoy na amoy niya ang natural na amoy ng isang lalaki sa binata na humalo na sa amoy marahil na sabon at aftershaved nito.

"Yeah. Ito ang kabilang bahagi ng ilog na pinuntahan mo noong nakaraang araw. Pero sa parteng ito ay walang maaaring pumunta maliban sa akin. Let's go." Sabay hawak nito sa kamay niya at iginiya siya sa loob.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng kubo. Walang masyadong gamit kundi iyon lang mga kailangan. Malinis at nangingintab din ang sahig na kawayan at parang napakapreskong tirhan.

"Anong ginagawa natin rito, James? Basta nalang tayo umalis doon sa mansion nyo." Aniya at naupo sa sahig at iniunat ang mga binti. "Maupo ka, Senyorito." Ngiti niya rito na sinibangutan lang siya.

Humiga ito sa sahig na kawayan at iniunan ang ulo sa braso nito samantalang iniunat naman ang isa at saka siya tinignan na parang pinapahiga siya roon.

Ngumuso siya. "Paano kung ayoko?" pero kabaligtaran naman ang ginawa niya at pagkahiga pa nga niya sa braso nito ay automatic na yumakap siya sa binata. Niyakap rin siya nito at naramdaman pa niya ang pagdampi ng labi nito sa bukok niya.

Matagal silang nanatili sa ganoong ayos na para bang walang gustong magsalita dahil baka masira ang magandang tagpong iyon. Pero hindi niya kaya kaya siya na angkusang bumasag sa katahimikang namamayani sa kanila.

"I hope we could stay like this forever, James. Pero wala namang forever."

"I'll make one for you."

Kinurot niya ito sa dibdib kaya hinuli nito ang kamay niya.

"Masakit, babe." Anitong may bahid ng ngisi ang pagkakabigkas.

"Kulang pa nga iyan sa sakit na pinaparamdam mo sa akin ngayon kaya wag kang mareklamo." This time, dahil hawak nito ang kamay niya ang kinagat niya ng bahagya ang nipple nito na napa-aw nalang ito at walang nagawa.

"Noong una, iniwan mo lang ako. Tapos bumalik ka kung kailan malapit na akong maka-move on sa'yo. Then here we are again sa isang relasyon na tayo lang ang may alam kung ano ba talaga tayo. Then the next thing I found out ay mayroon ka na palang ibang pinagbigyan ng pangalan mo dati."

"Na labis kong pinagsisihan kaya binawi ko ang dapat na sa'yo."

Napaiyak na siya. How could this man hurt her and make her feel so special, so treasure and so loved at the same time? Hindi tuloy niya makuhang magalit rito. Siguro dahil sa kabila ng sakit ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya rito.

Oo na! Siya na ang tanga. Pakealam niyo ba? Masama ba ang magmahal ng sobra?

"Payakap nga muna. Mamaya na kita igigisa dahil kinikilig pa ako, besides na-miss ko 'to eh!


ITUTULOY...

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon