Six

36.8K 908 56
                                    

SIRE AN HEIR
090615

"Matulog ka na." Sabay talikod, pasok sa kwarto at sara ng pinto.

Napanganga siya habang nakatulalang nakatingin sa pintong pinasukan ng bwisit na si Irving James the third.

Mula kasi nung dumating sila sa sinasabi nitong 'home' ng wala man lang pasabi sa kanya ay hindi naman na ito nagsalita ng mahaba. It was as if they are back to the times when she was still flirting to him and hoping to hear him utter a paragraph. Napakatipid kasi magsalita.

Mayroon talagang mga bagay na hindi nababago ng panahon o ng pera. At sa case nitong si Irving James the third, ang pagiging tahimik nito ang hindi nagbago.

Kanina habang kumakain sila ay hindi rin ito nagsalita. Basta sinasagot lang nito ang tanong niya na karaniwan ay answerable by yes or no lang.

Nagmartsa siya ng may halong pagdadabog pa ang bawat hakbang papunta sa kwartong pinasukan ni Irving at agad iyong binuksan saka pabalibag na isinara ang pinto.

"Sisirain mo ba iyang pinto?" Anito habang nakahiga sa king size bed nito na parang isang masarap na putaheng nakahain sa kanya dahil naka boxer's short lang ito at puting sando na hapit sa katawan nito.

"Matulog? Sira na ba tuktok mo? Saan ako matutulog kung isa lang naman ang kwarto ng bahay mo?"

Isa pa iyon sa natuklasan niya habang kumakain sila kanina- na isa lang ang kwarto ng bahay nito ang may mga gamit. Out of five rooms ay isa lang ang may lamang mga gamit.

Tinapik nito ang bakante sa tabi nito. "Here."

Lahat yata ng mag-iinit sa kanya ay nag init na dahil sa sinabi nitong iyon. Kung iniinis siya nito ay panalo na ito dahil naiinis na siya. At kung tinutukso naman siya nito ay tuksong tukso na siya.

Naiinis lang siya at natutukso pero hindi pa naman siya nasisiraan ng bait para tumabi ritong matulog. Ano sya, bale? At ano sila, live-in partners?

This is why she hates being in a relationship. It's complicated at nakaka-stress. As in nakakaloka!

"Hindi na talaga ako mag-jojowa." Bulong niya  sa sarili. "Pero papatulan ko muna ang isang 'to." Dagdag pa niya bago nginitian si Irving ng matamis pero peke.

"Don't give me that smile." May warning sa boses nito ng sabihin iyon.

Pinakatamis-tamisan pa niya ang ngiti niya habqng lumalapit rito. Nanatili naman na nakatitig sa kanya si Irving James hanggang sa makaakyat siya sa kama. Kunot na kunot ang noo nito at parang alam na ang susunod niyang gagawin kaya napaayos ito ng upo.

"Whatever is on your mind, stop it or you will regret it later." Anito.

Hinubad niya ang blouse niyang soot. Mabuti nalang talaga at sports bra ang soot niya ngayon dahil galing siya kanina ng gym at pinatungan niya lang ng blouse.

"I said stop!" Anito ulit at bumulong pa ng isang mura.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano, matutulog ako ng naka-pants? Alam mo namang naka-panty at bra lang ako kung matulog di ba? And what's with that face James? Para namang re-rape-in kita." Irap niya pero sa totoo lang ay pumapalakpak ang dalawang tenga niya sa nakikitang reaksyon mula rito.

Sa mismong harap siya nito naghubad ng pants niya habang nakatayo sa kama at nakatingin rito. At ang lolo nyo ay hindi malaman kung saan titingin. Gusto niyang magpaparty!

Napakadali talagang tuksuhin ni Irving James. At marahil ay kung gugustuhin niya ay kayang kaya niyang makipaglaro rito pero ayaw na niyang isakripisyo ang puso niya. Sa ngayon, tama na siguro ang pisikal na pasakitan niya ito.

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon