Forty Four

29.8K 709 21
                                    

SIRE AN HEIR
052416


"Will you be my wife and finally be a part of my life from now on?"


Natutop niya ang bibig at napaiyak lalo nang lumuhod si Irving sa harap niya habang may hawak na isang maliit na pulang kahon na may nakasulat na Tiffany & Co. But it's not the brand that makes her heart warm nor the white gold tiffany ring with sapphire but the thought that he was offering her his name and his life to spend with her.


"Will you marry me, Chesca Fayelin Latoza? Will you be my Mrs. Irving James Kho III?"


Tumango siya ng paulit ulit habang nakangiti at nagpipigil ng luha. "Yes! I will marry you Irving Kho. Hindi mo na nga kailangang magtanong dahil kahit ayaw mo, kailangan mo akong pakasalan. Ang dami mo pang utang sa akin." Aniya habang patuloy sa pagdaloy ang luha niya.


Isinoot ni Irving sa kanya ang singsing kasunod ng dahan dahang pagbaba ng mukha nito sa kanya para gawaran siya ng halik.


"Thank you, Faye." Irving said as the kiss ended.


"For what?"


"For waiting for me this long."


"I've waited for you for seven long years, ngayon paba ako susuko? After what had happened, nawala na yata sa bokabularyo ko ang salitang pagsuko. Besides, I'm carrying your child. Kahit ano pa ang kasarin niya, she's still an heir of your clan."


"Teka, mamaya na ang speech! Hala kayo! Bitbitin na ninyo ang dalawa at ayusan." Irving's mother interrupted as she gives her a warm hug.


Napangiti siya. "Mama Elvira, sigurado na po ba kayo na akin nalang si Irving James the third?" Biro niya.


"Yes. As long as huwag na kayong gagawa ng the fourth. Nakakasawa na ang pangalan nila." Pareho pa silang matawa sa tinurang iyon ng ginang.


"Ma, can you give us a couple of minutes to talk? We just got engaged and here you are, barging on our moments." Reklamo ni Irving.


Bakatikim naman ito ng isang hampas sa braso mula sa ina na nagpasibangot rito. "Sino ba ang may kasalanan? Hindi ba at ikaw rin naman? Naku, huwag mo nga akong ma-ano ano at baka kung ma-ano kita."


Then they heard laughter from the crowd.


"Wala! Tiklop si the third sa nanay at kay Chesca." Tawa ni Art.


"Ganyan din si Dwight at Clyde. Mama's boy." Hagikgik ni Amber.


Natawa siya at ang sama ng tingin sa kanya ni Irving bago nito mabilis na hinawakan ang mukha niya at saka siya siniil ng halik na mabilis niyang tinugon. Kung hindi lang sila nakarinig ng mga tikhim ay wala talaga silang balak huminto.


Tinignan niya ang mga naroroon at napangiti siya dahil kumpleto ang mga kaibigan at pamilya nila ni Irving. Pati ang lolo nito ay naroon at masayang nanonood sa kanila.


"Let's go, Ches." Hindi man niya alam kung saan siya dadalhin nila Reichelle at Rin ay nagpatianod na lamang siya.


"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya habang akay siya ng dalawang kaibigan. Sa harap nila ay nauuna sila Meg at Amber.


"Diyan sa pinto na iyan." Turo ni Rin.


"Hulaan mo kung anong mayroon sa loob." Nakangising tanong naman ni Reichelle sa kanya.


Napahinto siya at nanlaki ang mga mata niya. "Oh my God! You are giving me a bachelorette party!" she exclaimed as she stomp one of her feet.


Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon