Thirty Four

25.5K 629 21
                                    

SIRE AN HEIR
030116


"You're crazy ate! Alam mong ayaw nila nanay lalong lalo na ni tatay sa desisyon ninyong ito ni Kuya James pero itutuloy parin nyo? This is ridiculous!"

"Francis!" pinigilan niya ang kapatid sa paglabas. Ipinaalam kasi niya rito ang desisyon nilang magpakasal ni Irving sa isa sa mga islang pag-aari nito. At ngayong gabi sila aalis papunta roon kasama ang ilang malalapit na kaibigan dahil bukas na ng gabi ang kasal.

"I wanted to be a part of your wedding ate, but not like this." Malungkot na turan nito bago tuluyang umalis. Wala siyang nagawa kung hindi ang panoorin itong makalayo.

Nang araw na iyon ay ipinasya niyang mamili ng ilang damit sa pinakamalapit na mall kaysa ang magmukmok sa unit niya. Lately kasi ay tinatamad siya palaging gumawa ng trabahong bahay, siguro ay dahil mag-isa lang siya kaya palagi nalang siyang sa labas kumakain. Hindi na rin siya naglilinis ng bahay dahil kinakatamaran niya kaya nagpapalinis nalang siya at nagpapalaba.

Namimili siya ng damit nang mag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya iyon pagkakita na si Irving ang tumatawag.

"Where the heck are you, Chesca Fayelin?" ang bungad nito sa kanya. "I've been calling you for hours now tapos ay ngayon mo lang sinagot! Where are you?"

Nagpanting ang tenga niya. Isa pa iyon, ang bilis niyang mainis lalo na kay Irving.

"Sinisigawan mo ba ako?" mahina pero madiin niyang sabi. Hindi rin niya napigilan ang pagtaas ng kilay.

She heard him sighs on the other line bago sumagot.

"I'm sorry. I'm just worried. Lately, palagi ka nalang bigla-biglang nawawala. Ang hirap mo pang contact-in." mahinahon na nitong sabi na para bang nananantya.

"Nasa mall ako na malapit sa unit ko. Huwag mo na akong sundan dahil patapos na rin naman ako sa ginagawa ko. Isa pa, mainit ang ulo ko kaya huwag ka na munang magpakita sa akin."

"You're becoming moody as days past. Are you –"

Hindi na niya ito pinatapos dahil napapangitan siya sa boses ni Irving. Sa pandinig niya ay parang niyuyuping lata ang tinig nito sa telepono. Ewan. Siguro ay nai-stress lang siya sa mga nangyayari sa buhay niya.

Ipinagpatuloy niya ang pagsa-shopping ng kung ano-ano hanggang sa may makabunggo siya na lalong ikinainit ng ulo niya.

"Hindi kasi tumitingin eh!"

Lalong nagpanting ang tenga niya dahil ito na nga ang nakabunggo sa kanya ay ito pa ang may ganang magalit.

Iniwan niya ang mga nalaglag niyang gamit at hinarap ang nakabungguan niya para lamang mapatda nang makilala kung sino iyon. At sa lahat ng tao, ito na yata ang pinakahuli na gusto niyang makita sa mga oras na iyon.

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. The mistress is here!" may kalakasang sambit nito kaya may ilang napatingin sa kanila.

"Mistress? Ako?" she let out an exasperating sigh.

"Who else?" nakataas ang kilay na sabi nito sa kanya.

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Maganda nga pero mumurahin naman. Iyon ang tingin niya sa kaharap.

Lumapit siya rito at saka pabulong na nagsalita. "Ipinapaalala ko lang, Kristine na kahit kailan ay hindi siya naging sa'yo. Ikaw ang nang-agaw at binabawi ko lang ang dapat  ay sa akin. Desperadang mukang pera!" saka niya ito tinalikuran. Iniwan na niya ang mga nakalaglag na bibilhin sana niya.

"Bitch! Mang-aagaw! Mukang pera!" habol nito sa kanya.

Huminto siya at muli itong hinarap. "Alam mo? Akala ko may breeding kang babae dahil galing ka naman sa may sinabing angkan." She said, air-quoting the last two word. "Pero nagkamali pala ako because you're just a golddigger scheming bitch!"

Isang sampal ang nagpabiling sa ulo niya. Nakarinig pa siya ng ilang pagsinghap mula sa ilang taong nanonood sa kanila. May ilan pang nagpatawag na ng security pero wala na siyang pakealam kung nasa public place man sila kaya magkasunod na sampal ang iginawad niya kay Kristine na mas ikinagulat nito.

"How dare you lay a finger on me!"

"And how dare you to touch my husband!"

Sinugod siya nito at akmang sasabunutan siya pero mabilis niyang nahawi ang kamay nito at saka niya ito itinulak ng malakas dahilan para mapasalampak ito sa tilled floor ng mall.

She looked down on her while Kristine's face was as red as a tomato, looking up at her. "Hindi ako sumusugod sa laban kung alam ko naman na hindi ako mananalo. And if I were you I will just stop and let Irving go. Maganda ka. I'm sure there's a lot of a man going after you. You don't have to force yourself into someone who can't love you back. Siguro naman sa simula pa lang ay alam mo na na hindi ka niya kayang mahalin. But what did you do? Ipinagpilitan mo pa rin ang sarili mo sa kanya. Maiintindihan ko sana kung ang rason mo ay dahil mahal mo rin siya but no, you don't love him enough that you can't even treasure your baby because you only love his money." Napailing siya lalo na nang makitang natigilan si Kristine at namutla. She knows, she just point out the truth at napapahiya na ito sa harap ng maraming tao.

"How dare you..." halos bulong na iyong lumabas sa bibig nito.

"Stop this and get a life, Kristine." Saka niya ito tinalikuran.

"No! Hindi pa ito ang huli. Tandaan mo iyan!" sigaw pa rin ni Kristine.

Napailing nalang siya nang makasalubong niya ang mga security guard. Just like in the movies, dumadating ang mga aawat kung kalian tapos na ang lahat.

Binalewala niya lahat ng mapanuring tigin na natatanggap niya mula sa mga taong nadadaanan niya. Wala naming alam ang mga ito kaya wala silang karapatan ng husgahan siya. Wala silang alam at hindi rin nila alam ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Nakaka-stress na ang buhay niya pero sa tuwing maiisip niya na sooner or later ay matatapos din ang lahat, nabubuhayan siya ng loob. Sabi nga, ang problema dinadaanan lang iyan at hindi tinatambayan.

Napangiti siyang mag-isa sa takbo ng iniisip niya. At kaysa i-stress ang sarili ay dumiretso nalang siya sa sky garden ng naturang mall. Naupo lang siya doon at pumikit habang nire-relax ang sarili at sumisinghot ng polusyon sa hangin nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya.

Hindi na sana niya papansinin tutal naman ay nasa pampublikong lugar siya at kahit sino ay maaaring maupo sa tabi niya kung hindi lang ito nagsalita.

"I saw what happened inside. I'm sorry for Kristine's behavior."

Dumilat na siya at hinarap si Xander at di niya maiwasan na titigan ito.

The first time she saw him, he was like a bad boy dahil sa suot nito pero ngayon ay parang aakyat na ito sa langit dahil sa putting coat na suot nito at puti ring slacks. His hair was properly combed at mukang hindi magugulo kahit na humangin ng malakas. Mukhang bagong shaved rin ito dahil ang linis ng mukha. Now that she was looking at him, halos identical rin pala ito at si Alex. Medyo rugged looking lang itong si Xander at may masungit na mga mata.

"Stop staring as if I have two heads." Pagsusungit nito.

She changed her mind about him being identical to her Dodong. Masungit ito at nakairap kasi palagi.

"Wala nga ba?" ngisi niya na nagpangisi rin dito.

"I guess your fine." Anitong bahagya siyang sinulyapan.

"What's with the outfit, by the way? Ililibing ka na ba?" na sinundan niya ng tawa.

Kumunot naman ang noo nito. "Ano'ng inaasahan mong isosoot ko? I'm a neuro-surgeon."

Literal yata siyang napanganga sa sinabi nitong iyon.

"Ah! Wala ka talagang alam? How about Alex's real profession? Do you know that aside from being a business man, he is also an F1 racer?"

Napakunot noo siya. Bakit ba ang dami niyang hindi alam sa magkakapatid na ito? At ano pa ba ang malalaman niyang makakapagpawindang sa kanya?

"Wow! As in wow!" aniyang namamangha. "Baka naman may iba ka pang sasabihing nakakawindang ay sabihin mo na ng isang bagsakan nalang para hindi na ako masyadong mawindang." Biro niya.

Sumeryoso naman kaagad ito. Kinabahan tuloy siya at parang may kutob siya na hindi niya magugustuhan ang sasabihin nito.

"About Kristine..."

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon