SIRE AN HEIR
020616Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagpasya siyang mag-resign na ng tuluyan sa trabaho niya. Hindi niya kayang makita pa si Irving dahil pareho lang silang lalong masasaktan.
Noong huling beses silang magkita halos dalawang buwan na ang nakakalipas ay parang dinurog ang puso niya dahil sa unang pagkakataon ay nakita niyang umiyak ang isang tuod na kagaya ni Irving.
Hindi niya inakala na ganoon ang magiging reaksyon nito. Parang mas higit siya na nasaktan ng makita niya itong umiiyak. It was the first... The very first time that she saw him cried at parang dinudurog ang puso niya tuwing maaalala niya ang tagpong iyon.
Alam niyang hindi niya ito dapat binitiwan. Pero ano ba ang magagawa niya? She can't stay beside him while he's still married. Yes, she loved him so dearly but she can't ruin her reputation. She can't stoop down to that level because she loved the man. Kahit sinong babae, hindi dapat bumaba sa ganoong lebel ng pakikipagrelasyon. It's just too much dahil sa huli, kahit ano pa ang dahilan ay ikaw pa rin ang talo. Ikaw pa rin ang matatawag na nakikiapid. Ikaw pa rin ang karelasyon lang. ikaw ang lalabas na masama. At kahit ikaw ang mahal, ikaw pa rin ang kabit.
Kaya kahit mahirap, kahit ayaw niya ay kailangan niya bumitiw pansamantala para hindi na siya masyadong masaktan.
Pero marahil ay hindi pa talaga nila oras para maging masaya. He still have some issues with his family and with Kristine while she still needs time to think and clear up her mind.
Sa ngayon ay hindi na muna siya nag-abalang humanap ng trabaho at paminsan minsan ay pumupunta siya sa mga resto-bar na dati niyang sina-side line-an para kumanta at para na rin malibang.
Para kasing napakatagal pa bago dumating iyong araw na para sa kanilang dalawa ni Irving.
She stared at the crowd in front of her and saw some familiar faces. Si Rin ay nakangiting nakatingin sa kanya habang kalong ang isang anak na si Elle. Kasama nito ang asawang si Dwight na katabi si Dash na kambal ni Elle.
She smiled at them.
Masaya siya para sa kaibigan dahil sa wakas ay nagkaayos na ito at ang asawang si Dwight na nuknukan pala ng seloso. Sa kabilang table naman ay naroon ang magkapatid na Jules and Reichelle na nakauwi na ng bansa kasama ang anak nito na hanggang ngayon ay palaisipan sa kanila kung sino ang ama. Tinanguan lang siya ni Jules at lumabas na rin ito.
Habang sa isang sulok ay naroon si Alex na itinaas pa ang boteng hawak habang nakatingin sa kanya. Sa isang sulok naman ay naroon ang mag-asawang Drae at Meg kasama ang anak na si Thea at si Terence na nakatingin sa gawi nila Dwight.
Inayos niya ang mic niya at bumati sa lahat bago nagsimulang kumanta. Kilala na siya salugar na iyon dahil college palang siya ay suma-side line na siya roon para kumanta tuwing kulang sa performer ang resto-bar.
"When you wake up and find me gone tomorrow. Don't think I meant to hurt you. I just did what we knew I had to do. And all the time we knew, the time was never right for us. Time to leave this love behind I could never leave you baby... if I see you cry."
She closed her eyes dahil sa nagbabadyang pagpatak ng mga luha niya. Sino ba kasi ang nag-request ng kantang iyon at bakit parang para yata sa kanya? Kailangan ba talagang ipamuka sa kanya na nasa maling oras ang pagmamahalan nila? Masakit eh.
But then, she knew deep in her heart that they are only separated physically, emotionally, mentally and spiritually, they're still together.
"I'll say goodbye for the two of us. Tonight while you sleep I'll kiss you softly one last time and say goodbye like I know we must. There's just no other way and I couldn't bear to see your heart break. So I'll wait 'till your asleep and say goodbye."
BINABASA MO ANG
Still You (DH 4 || Completed)
RomanceDH Series #4: STILL YOU "I lost you for seven long years but I'm willing to give you the rest of my life to compensate for the years we've lost." Seven lon...