Fourteen

27.2K 724 19
                                    

SIRE AN HEIR
102815

She runs like an idiot inside the mall to look for Alex. Pero parang tanga lang dahil wala siyang Alex na makita kahit na anong takbo ang gawin niya. Hiningal na nga siya kalalakad-takbo.

"Shit! Nasaan na ba yung lalaki na iyon?" bulong niya sa sariling while catching her breath at palinga-linga sa paligid.
Naramdaman niya ang pag-vibrate ng phone niya sa pwet niya kaya agad niya iyong kinuha mula sa back pocket niya. It was a text from an unknown number.

Usually, dine-delete kaagad niya kapag number lang ang nagre-registered sa phone niya. Baka kasi mamaya, may magtext na naman sa kanya na magsasabing iyon na ang bagong roaming number tapos scam lang pala. But something tells her to open the message.

She did. No big deal.

From: 0917870****
"Don't run aimlessly. Call him."
-    Irv.

Oo nga 'no? Bakit ba hindi niya naisip iyon kaagad?

She immediately searched for Alex' number on her phone and call him. Nakatatlong ring bago nito iyon sinagot.

    "Oh Inday! Napatawag ka?" he asked in a lighter tone. Very unusual dahil laging parang sabik kung sumagot ito ng phone calls niya. Unlike now...

    "Alex, can we talk?" ayaw na niyang magpaligoy-ligoy. It was unfair to him.    

    Una palang ay hindi na tama ang ginawa niya pero sumige pa rin siya for the sake of protecting her fucking heart, her fucking self to get hurt again, to take a risk with him again. Pero kahit hindi naman niya aminin ay alam na niya, mula noon hanggang ngayon, pag-aari na ni Irving James the third ang buong pagkatao niya.

    Pero tulad nga ng sabi nila, bulag ang mga taong nagmamahal. Kung minsan nga bingi pa at pipi dahil walang pinapakinggang kung hindi ang tibok lang ng mga puso, at hindi man natin aminin, pati ang tibok ng puson! And it doesn't need a word, sometimes. You just have to feel it.

    Kaya lahat ng in-love, mga pipi, bulag at bingi ang mga iyan.

    Habang nasasaktan sila, wala silang alam na gawin kung hindi ang magbingi-bingihan, magbulag-bulagan, at ang manahimik sa isang sulok na akala mo sila ang may problema sa mundo. Akala mo pasan na nila ang daigdig!

    Pero hindi naman talaga sila masisisi lalo na at nasaktan sila noong taong mahal nila o noong taong minahal nila ng sobra na naibigay na niya ang lahat at halos kasal nalang ang kulang. Dahil despite their emo state, kahit naiinis ka na, you will still get to understand them that they're acting that way because they are still hurting.

    In her case, she was still hurting yes. But it doesn't give her the privilege to hurt nor to play with somebody's heart. Not because we are hurting ay may karapatan na rin tayong manggamit ng ibang tao para lamang makalimot ng panandalian.

At alam niya, nasaktan niya si Alex lalo na kung ang pagbabasehan niya ay ang ekspresyon nito pagkakita sa kanila ni Irving kanina.

    "Please?" dugtong niya.

    Alex let out a deep sigh on the other line bago muling nagsalita. "Sure. Anything for you."

    Napapikit siya. Hindi talaga niya alam kung paano pipigilan si Alex sa mga sinasabi nito. But in the first place, hindi naman niya itinago ang kung anong mayroon sila noon ni Irving. Alex knew that Irving James the third is the only one. He just took the risk and she hope, she has the courage like Alex have.

    Pagkatapos nilang mapag-usapan kung saan sila magkikita at kung anong oras ay hinanap niya si Irving sa paligid. And it was easy for her to see him even in the most crowded place. Bakit nga ba hindi kung nangingibabaw ang tangkad nito? Idagdagpa ang sex appeal nitong nag-uumapaw.

    He waved his hand upon seeing her at kaagad siyang nilapitan.

    "Pwede bang mauna na akong umuwi? Pakisabi nalang kay Tita Elvira na may importante lang akong aasikasuhin. Na sa ibang araw nalang ulit kami magkita. Babawi nalang kamo ako sa kanya." Mabilis niyang sabi bago tumalikod rito para umalis.

    Pero pinigilan siya nito sa braso. "Ihahatid na kita." He said as he grabs her hand and walks her to the parking where his car is.

    "You don't have to do this James." Pigil niya nung akmang ipagbubukas na siya nito ng pinto.

    "Just let me."

    "James," buntong hiniga niya.

    Hindi ba nito ma-gets na nahihirapan siyang makasama pa ito lalo na at naiisip niya ang nagawa niya kay Alex para lang maiwasan ang feelings niya para rito? Manhid lang? Ng bongga?

    "Stay out of this. Gusto kong makapag-isip. I need to think on how to say sorry to that person. I've hurt him because I am also hurting. At hindi ko man gusto pero nagawa ko na. It's just then I realized that what I did was wrong and I don't have any excuse for what I have done!" she hissed.

    Irving James the third pinned her on his car. He then, leaned down on her as he tilted her chin up so that she can look to his eyes.

    Pinilit niyang ikunot ang noo para itago ang pagkamangha sa perpektong mukha nito. God! That cleft chin of his! Idagdag pa ang maganda nitong ilong at mapupulang labi na sobrang natural ng pagkapula and his eyes na ang intense kung makatingin. Every woman would die to taste those lips! And damn! Because she was one of those women.

    "Ano na naman ba James? "kunwa ay naiirita niyang tanong para itago ang paglalaway niya sa gwapo nitong mukha.

    "I was the one who pushes you to do this." He said as he breathed deeply. "If it wasn't because of me, you wouldn't have to subject yourself to this kind of shit."

    Tapos ay bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Hindi siya gumanti ng yakap. Not now. Not now that she has to think on what she have to say to Alex so she pushed him away.

    He looked up at him. "Yes. This shit was all because of you because you left me seven years ago. Para akong isda na tinanggal mo sa tubig. I tried to forget you. And I think I did. Pero bigla ka nalang bumalik at hayun na naman yung pakiramdam ko na parang may nagrarambulan sa tiyan ko dahil sa excitement."

    "Faye, I did that bec –"

    Itinaas niya ang isang kamay to stop him. She's not yet ready to hear his explanation nor alibis. Kaylangan ay mabawasan muna niya ang dinadala niyang sama ng loob rito. Saka na niya ito pakikinggan kapag ready na ang puso niya, kapag naayos na niya ang gulong ginawa niya sa buhay ni Alex. As for now, ayaw na muna niya ng distraction.

    "Lahat nung pinaghirapan ko na pagkalimot at pagpapatigas sa sarili ay parang yelong binuhusan ng mainit na tubig; sa isang iglap, nalusaw lang din. Kaya please lang James, hayaan mo na muna akong mag-isa na gawin ito."

    He sighs deeply. "Okay. But you have to know that this is not solely your fault. Ginusto rin niya ito to have a chance on you. He agreed to your idea to get the chance to win you but it was a wrong attempt to start with lalo na at ako ang kalaban niya. Because no matter what, I will win you back."

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon