Twenty One

26K 647 21
                                    

SIRE AN HEIR
120515


"Ate Faye!"


"Faye!"


Napalingon siya sa mga tumawag sa kanya. It was Queen and Tita Elvira. Palapit ang mga ito sa kanila. Sa likod nito ay may ilang lalaki na sa tantya niya ay mga trabahante.


Niyakap siya ng dalawa pagkalapit sa kanila ni Irv.


"I'm glad you're here Ate Faye." Nakangiting sabi ni Queen sa kanya habang nakakapit sa braso niya. Sa kabilang gilid naman niya ay ang mama ni Irving na tulad ni Queen ay parang tuwang tuwang naroon siya na taliwas sa nararamdaman niya dahil sapilitan lang naman talaga ang pagparoon niya.


Panay ang kwneto ng mga ito sa kanya habang nasa hapagkainan sila at marahil, kung wala lang silang problema ni Irving ay baka nakipagsabayan na siya sa kwentuhan pero dahil nga sa hindi maganda ang dahilan ng pagparoon niya ay tanging ngiti at pagtango lamang ang kadalasan ay naisasagot niya.


"Hindi ko talaga maintindihan ditto kay Irving kung bakit ngayon ka lang dinala rito. But I'm so glad that you're here. I'm sure magugustuhan mo ang pagparito mo. Hindi ka maiinip sa dami ng maaaring gawin. Kung gusto mo ay maaari kang magpaturong mangabayo." Masayang pahayag ng Mama ni Irving.


"Pero nakakainis lang kasi by next week ay babalik na ako ng Manila. Ugh! I hate school." reklamo naman ni Princess na kanina ay napagalitan pa ng Mama ni Irving dahil ginabi sa pangangabayo.


"Yeah. Bakit kasi ngayon mo lang dinala dito si Ate Faye, kuya?" tanong naman ni Queen.


"Something came up." Maikling sagot lang ni Irving na bahagya siyang sinulyapan.


Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa rancho siya na pag-aari ng mga Cervantes. Sa pagkakaalam niya ay dati ng naibenta ang rancho peromuli ring binawi at ngayon nga ay mas napaunlad at napalaki pa ang sakop.


Ang rancho ng mga Cervantes ay binubuo ng manggahan, maisan, tubuhan, bukuhan at may mga alaga ring mgahayop tulad ng baka, kabayo, kambing at mga tupa. Hindi lang niya alam kung ano pa ang madidiskubre niya. Iyon palagn kasi ang nakita niya noong papunta sila sa mansion na nasa pinakagitna raw ng rancho.


"Ma, Faye needs to take a rest. We had a very long day kaya mauuna na po kaming magpahinga." Paalam ni Irving.


"Ganoon ba?"


Ngumiti siya ng tipid. "Pasensya na po kayo Tita Elvira. Bukas nalag po siguro tayo ulit magkwentuhan." Aniya bago tuluyang nagpaalam sa mga ito.


Pagpasok nila sa kwarto ay hindi niya inaasahan na sa iisang kwarto lang sila tutuloy ni Irving. Hindi naman sa nagpapakipot siya o ano. Pero nasa bahay kasi siya ng mga ito at isa pa ay hindi naman sila mag-asawa para magsama sa iisang kwarto.


"Ayos na ako rito, makakalabas ka na." mataray niyang sabi kahit na obvious naman na wala itong balak lumabas dahil ibinagsak na nito ang katawan sa kama.


"This is my room. Our room." Tamad na sagot nito habang naka-pikit.


Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto. It was spacious enough para maging bahay na ng ordinaryong pamilya. Lahat ay gawa sa kahoy na halatang kung hindi narra ay mahogany na hindi na pinagkaabalahang pinturahan pa at sa halip ay binarnisan na lamang. Ang sahig naman ay gawa rin sa kahoy at nangingintab na maaari kang manalamin. Pero malaking bahagi ng sahig ang nasasakop ng red carpet.


"Madalas ka ba rito?" basag niya sa katahimikan. Ayaw na muna niyang makipagtalo. She's not in the mood and she's not actually feeling well. Nanlalagkit na rin ang pakiramdam niya.


"This is where I grew up." Anitong naupo na sa paanan ng kama at marahan siyang hinatak paupo sa tabi nito.


"Nice. Dapat palang tawag sa'yo ay senyorito." And in her peripheral vision, she saw him smirk a little before holding her hand.


Sa totoo lang ay wala siyang alam sa klase ng pamumuhay mayroon ito. Noong magkakilala kasi sila nito ay graduate na ito ng college at nagtatrabaho na. Yes, he has this snob aura and the looks that show that you can't just ignore. Iyong kapag nagsalita siya, hindi mo pwedeng kontrahin.


"Yeah, I'm living a comfortable life here. I don't even care who my father is until that day." She felt him squeezed her hand as he clinched his jaw.


"If you're not comfortable to tell your story, then don't. I will not force you to tell me how you spent your life here." Hinatak niya ang kamay.


He groaned in protest. "Faye..."


"I'll sleep here, okay? But that doesn't mean na okay na tayo. I still need to sort out my feelings. Sa ngayon, pahiramin mo nalang muna ako ng damit para makapagpalit ako."


Hindi na ito tumanggi. Sa halip ay tumayo ito at mabilis siyang ikinuha ng damit pero napakunot noo siya nang mapunang isang t-shirt lang ang inabot nito sa kanya.


"Ito lang?"


"Why? Mahaba naman iyan." Saka siya nito tinalikuran. Pagkaalis nito ay siya na mismo ang humalungkat sa damitan nito at laking gulat niya dahil ang daming damit pambabae sa walk-in closet nito. Pero bakit shirt nito ang ibinigay sa kanya kung may mga damit namang pambabae na available?


"Lakas ng topak. Porke sinabi kong pahiramin ako ng damit niya, kahit meron namang pambabaeng damit, damit pa rin niya binigay." Bulong niya bago kumuha ng isang pares ng pantulog na isinoot niya pagkatapos mag half bath.


Kinabukasan ay tinanghali siya ng gising dahil napuyat siya. Una, hindi siya makatulog dahil mukhang namamahay pa yata siya. Pangalawa, hinihintay niya si Irving James na bumalik pero inabot na siya ng madaling araw kahihintay rito ay walang Irving na dumating hanggang sa nakatulugan na niya ang paghihintay. At ngayon, tinanghali siya ng gising dahil rito!


Ang nakangiting mukha ng Mama ni Irving ang bumati sa kanya paglabas niya ng kwarto.


"Good morning Tita."


"Good morning din. Akala ko ay tulog ka pa. Gigisingin na sana kita para sa almusal. Halika na at bumaba para makakain na tayo." Sumunod agad siya.


Sa ibaba ng hagdan ay nakita niya agad si Irving na mukhang bagong paligo lang dahil basa pa ang may kahabaan nitong buhok. He's wearing a fitted faded jeans na tinernuhan nito ng itim na leather boots at pulang checkered long sleeves na nakatupi hanggang siko na may ilang nakabukas na butones sa bandang dib-dib.


"Alam mo, natutuwa talaga ako at narito ka na. Ang totoo niyang ay noong nakaraang buwan ka pa naming hinihintay na dalhin rito ng anak ko dahil ipinaayos na niya ang kwarto niya at nakapagpabili na rin siya ng mga gagamitin mo," nakangiting kwento nito saka sila pinamasdan.


"Ma," awat rito ni Irving.


Mabuti nalang talaga at nakatanggap ng tawag ang Mama ni Irving kaya naiwan silang dalawa sa hapag. "Nasaan nap ala ang mga kapatid mo?"


"Nangangabayo."


"Wow! Ikaw, marunong ka ring mangabayo?" tanong niya ulit. Mukha kasing walang balak magsalita na naman itong si Irv.


"Yeah."


Ngumuso siya. Nagsisimula na naman ito sa mono-syllabic nitong mga sagot. "Sabagay, dito ka kamo lumaki. So ibig din sabihin, magaling kang mangabayo, right?"


This time, hindi ito sumagot kaya nilingon niya at ang loko, nakangising nakatingin sa kanya bago siya sinagot. At parang hindi niya magugustuhan ang isasagot nito.


"Magaling nga ba akong mangabayo?" he asked smirking.


Napanganga siya lalo na nung kindatan pa siya nito.


"Bastos!"


________________________________________

A/N: Sorry naman, sabaw. Haha. Pasensya na rin sa behavior ni Irving. Mejo alam nyo na. Tigang! hahaha. Bawi ako sa next chapter.

-Riri

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon