Twenty Eight

27.1K 707 28
                                    

SIRE AN HEIR
011416


Kinabukasan na nila piniling lumabas ni Irving kahit na ilang beses silang pinapatawag ng grandpa nito. Siya tuloy ang nahihiya lalo na at alam na halos ng buong angkan nito na nasa iisang kwarto lang sila kahit hindi pa naman sila mag-asawa.

Ayaw man niya ay ipinagsawalang kibo na lamang niya iyon. They spent the afternoon and the evening cuddling and making love.

Nang mag-umaga ay nagulat pa siya dahil pagkalabas niya ng banyo mula sapaliligo ay nakita niyang naka-empake na ang ilan nilang gamit ni Irving habang ang huli ay nakauposa dulo ng kama at nagsusuot ng sapatos.

"Irv? What's the meaning of that?" tukoy niya sa dalawang travelling bag sa tabi nito.

"We're leaving." Walang pasubali nitong sagot.

She gave him a questioning look but instead of giving her some explanations, he just came towards her and gives her a peck on the lips.

"Magbihis ka na. I'll wait downstairs." Iyon lang at nagtuloy tuloy na itong lumabas kaya wala siyang nagawa kundi ang sundin na laang ito.

Pagbaba niya ay wala namang tao samahabang couch sa living room maliban kay Irving James na prenteng nakaupo sa pinakagitna ng mahabang couch at nagkakape habang nakadekwatro pa at may hawak na dyaryo.

Napaismid siya. "Parang hari, ah?"

Nilingon siya nito at pagkatapos ay ibinaba ang hawak na dyaryo, sipped his coffee then walks towards her.

Ginagap nito ang kamay niya saka siya iginiya palabas ng mansion.

"Irv..." kunot noo niyang tawag rito.

Nilingon siya nito. "Nakapagpaalam na ako."

"Pero James, gusto kong personal na magpaalam sa Mama mo. Isa pa, kailangan ba talaga nating umalis just because she is also here? Why? Are you affected that she's here? Na iyong babaeng pinakasalan mo dati ay narito?"

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at niyuko. Their eyes met at parang malulunod siya sa klase ng pagkakatitig nito sa kanya.

"We will leave this place not because we are running from them, Faye. Aalis tayo dahil ayokong mahirapan ka sa sitwasyon. That old man were gradually pushing me to choose and with or without it, ikaw pa rin ang pipiliin ko."

Ganoon lang.

Ganoon lang kasimple siya napapayag ng binata na umalis ng lugar na iyon. At kagaya ng kung paano sila pumunta roon gamit ang helicopter at iyon din ang ginamit nila nang lisanin nila ang Rancho Cervantes.

Ang mga sumunod na araw ay ginugol nila sa condo unit ng binata. Para silang nagbabahay-bahayan. Kung minsan ay lumalabas din sila pero kahit saan ito pumunta ay may nakakasalubong silang kakilala nito tulad na lamang ngayon.

Kakain lang talaga sila dapat sa labas dahil bigla siyang nag-crave sa sushi pero nakasalubong naman nila ang mag-asawang Drae at Meg na nahatak sila sa isang resto bar lung saan naroon din pala ang iba pang kaibigan ng binata.

"Yo!" bati sa kanya ni Clyde or was that Dwight?

Napalingon naman siya nung may biglang umakbay sa kanyang malaki at mabigat na braso na nakilala niyang si Artna mukang may tama na kahit maaga pa naman.

"Tagal nyong nawala." Anito bago humagalpak ng tawa ng hatakin ito ni Irving palayo sa kanya.

"Anyway, bagay sa'yo ang kulay mo." Habol pa ni Art sabay kindat.

Napangiti siya. Marami na angnagsabi sa kanya noon. Medyo nag-tan kasi ang kulay niya to think na hindi naman talaga siya kaputian a tulad niIrving at ng mga kaibigan nito na puro mestisuhin maliban kay Terence na medyo Moreno tulad ng kapatid nitong si Meg.

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon