TWO

47.7K 1K 26
                                    

082315
SIRE AN HEIR

Isang malakas na tulak ang ginawa niya para makawala sa mga bisig ni Irving James the third.


Ang bilis ng paghinga niya. At hindi rin niya matanggap na nagustuhan ng sistema niya ang ginawang iyon ni Irving. Naiinis siya lalo na at ang bilis ng tibok ng puso niya. At sa kabila ng rugged look nito ay ang bango bango pa rin... just like before.


"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? And don't casually touch me." Mataray niyang sabi at umatras ng ilang hakbang palayo rito pero habang ginagawa niya iyon ay ito naman ang humahakbang palapit sa kanya. At hindi pa sana siya hihinto sa pag-atras kung hindi lang tumama ang likod niya sa side mirror ng pogi nitong sasakyan. Nakarating na pala siya malapit sa passengers seat sa kakaatras niya.



"You used to like my touches." Diretsong sabi nito. Walang pagyayabang o kung ano pa man. It was like, it's just a casual thing to say.


"Yes. Used. Past tense. Ibig sabihin ay hindi na ngayon. May gusto lang akong sabihin sa'yo para naman matahimik na ako."



Sa halip na tanungin siya ay basta nalang nitong binuksan ang passenger seat at bahagya pa siyang itinulak papasok sa loob. Ito na rin ang nagkabit ng seatbelt niya kaya nagkaroon na naman siya ng pagkakataon na maamoy ito. Napapikit pa siya sa bango.

"Don't closed your eyes. Baka mahalikan kita." Anito at isang matalim na sulyap ang isinukli niya rito.


"We'll talk. But not here." May kasungitan nitong sabi and from the tone of his voice, hindi pwedeng baliin ang sinabi nitong iyon.


Hindi na siya nakipagtalo. Ngumuso nalang siya para ipakitang hindi niya gustong makasama ito.


Pero bakit ganoon? Kahit na gaano niya gustong magalit kay Irving James the third ay hindi niya magawa. Oo at kaya niyang magtaray pero ang puso niya ay naglulumundag naman sa tuwa. Ano ba naman ito? Bakit ang gulo? Dapat yata ay hindi nalang siya nagpakita rito at ibinaon nalang niya ng tuluyan sa limot ang nangyari seven years ago.


Pero paano ba niya kakalimutan ang tamis ng unang halik? Ang sarap ng pakiramdam ng may nag-aalaga sayong lalaki bukod na tatay mo? Ang sarap ng pakiramdam na duloy ng mga yakap at halik nito? At paano niyang kakalimutan ang isang tulad ni Irving James Cervantes Kho the third gayong dito na niya ibinigay ang buong pagkatao niya noon?


Eighteen years old siya ng magkakilala sila ni Irving, rather, nang magpakilala siya rito sa napakababaw na dahilan: she liked his chin — may cleft chin plus his height and his wide smile na alam niyang para lang sa kanya... noon. At wala na siyang pakealam ngayon.


Walang nakaalam na naging magkasintahan sula ni Itving James the third. As in kahit ang malalapit niyang kaibigan na sina Rin at Rei ay walang alam. Magulo kasi ang relasyon nila noon ni Irving dahil madalas ay parang napipilitan lamang itong sundin ang mga gusto niya dahil binablack mail niya ito na ipagkakalat niya ang pagiging anak nito sa labas.


Alam niya na naging sobrang harsh niya sa binata noon at in-under under niya to think na apat na taon ang tanda nito sa kanya. Pero anong magagawa niya? Gusto niya na palagi itong kasama at kung hindi niya ito ibablack mail ay nunkang manatili ito sa tabi niya sa sobrang layas.


Kapitbahay nila ito dati noon kaya garapalan siyang nakipagkilala rito at madalas pa siyang magpa-cute kapag dumaraan sa bahay nito na ito lang ang nakatira. Pero paminsam minsan naman ay dinadalaw ito doon ng mama nito para marahil kamustahin. Nakipag close na nga rin siya sa mama ni Irving at alam niya, pasadong pasado ang ganda niya kay Mama Elvira.

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon