SIRE AN HEIR
121915Sa sobrang inis niya kay Irving ay sinabunutan niya ito at sa ginawa niyang iyon ay lalo lang siyang napahiya dahil nahuli sila ng Mama nito at akala ay naglalambingan sila. Paano ba naman ay bigla siyang hinatak ni Irving kaya napaupo siya sa mga hita nito habang may mapaglarong ngiti pa rin sa mga labi nito.
"Kayo talaga. Wala pa ring kupas ang pagmamahal mo sa anak ko." Anang Mama ni Irving at ginagap pa ang palad niya. "Huwag ka sanang magsasawang unawain ang anak ko lalo na at matipid iyang magsalita. Just give him your trust, Faye. May mga nagawa at magagawa pa siyang pagkakamali pero sana ay maintindihan mo na ginagawa lang niya iyon hindi dahil gusto niya kundi dahil kailangan." Puno ng laman na pahayag nito.
"Ma," ani Irving na may halong babala.
Umismid siya. Lalo na nang maramdaman niya ang paghaplos haplos nito sa hita niyang nakahantad dahil sa soot niyang maong shorts na abot lang sa kalahati ng hita niya na tinernuhan niya ng tank top na puti.
Hindi man lang nahiya sa sariling ina! Talagang lantaran pa kung himasin ang hita niya!
"Ang mabuti pa anak ay ipasyal mo na si Faye sa rancho. Maiwan ko na kayo at may aasikasuhin pa ako sa manggahan." Paalam nito sa kanila na may makahulugang mga ngiti.
"Ingat po kayo, Tita." Paalam niya at nung makaalis ito ay hinarap niya kaagad si Irving. "Mahalay ka Irving James the third!" sabay tapak niya sa paa nito at nagmartsa na siya palabas ng mansion.
"Damn it Faye! Bakit ba ang brutal mo this past few days?" habol nito na hindi niya man lang pinansin.
"Bahala ka sa buhay mo." Bubulong bulong pa siya habang naglalakad palabas. "Nakauwi lang sa pinagmulan, nag-iba na. Angsarap pitikin sa eggs!" nanggigigil na bulong pa niya.
"Magandang umaga binibini. Saan po kayo paroroon?"
Nilingon niya ang matandang nakasalubong niya. Sa tantiya niya ay dual citizenship na ito as in senior citizen na base sa maputi nitong buhok at kulubot na balat.
"Maglalakad lakad lang po sana para makasagap ng preskong hangin. Saan po ba papunta ang daan na iyon?" magalang niyang tanong na ang tinutukoy ay ang daan papasok sa mapunong bahagi ng rancho.
Patungo po iyan sa ilog pero bago kayo makarating sa ilog, kung lalakarin lamang ninyo ay aabutin kayo ng isa't kalahating oras ngunit kung sasakay kayo ng kabayo ay nasa tatlumpung minuto lang o mas mabilis pa."
Napatingin siya sa relong suot-suot niya. Nine thirty. Kung maglalakd siya ay bago magtanghali ay naroon na siya at hindi pa naman siguro masyadong mainit ang araw noon.
Matapos magpasalamat ay tumuloy na siyang maglakad. Naaliw pa siya dahil pagpasok niya sa mapunong bahagi ng Rancho ay nakita niyang maraming mga orchids ang nagkalat sa mga puno at gilid ng mga malalaking bato na parang kusang tumubo lang doon.
"Iuwi ko kaya ang mga ito at maibenta?" kausap niya sa sarili.
Nang marating niya ang ilog ay namangha siya dahil sa linaw ng tubig roon at kitang kita pa niya ang maliliit na isda. Ipinasya niyang maupo sa gilid at ilubog ang mga paa. Kung maarin lang siyang maligo ay ginawa na niya.
Hindi pa siya nasiyahan at talagang nahigana siya sa mabatong bahagi na inuupuan niya habang iniisip ang mga nangyari sakanila ni Irving.
She was eighteen when she met him while he was twenty two. Bata palang siya ay mahilig na talaga siya sa gwapo at matatangkad na lalaki kaya noong makita niya si Irving ay hindi talaga siya tumigil hanggang sa magkakilala sila.
Palagi siyang pumupunta sa bahay nito na katabi lang naman ng sa kanila sa tuwing may pagkakataon siya. Alam niyang inis sa kanya si Irving kayalalo pa niya itong iniinis noon. Sabi nga the more you hate, the more you love.
She grabs every single opportunity to be with him and before she knew what's the real score between the two of them, she already gave herself to him. At iyon ang naging simula ng malanding fairy tale nila na hanggang ngayon ay walang happy ending at mukhang hindi na yata magkakaroon pa.
Napabuntong-hininga siya at ipinatong ang isang braso sa noo dahil sa sumusilip na sikat ng araw.
Tapos ay nagkaletse letse na ang relasyon nila nang bigla na lamang itong umalis at hindi na nagpakita sa kanya. Ni tawag o text ay wala. Inisip niya talaga noon na inisahan lang isya nito. But part of her keeps on reminding her that she must wait for his explanation before concluding into something that will truly break her.
Makaraan nga ang pitong taon ay nagbalik ito sa buhay niya. He's still the snob handsome tall man who never fails to make her heart throb but she knew that many things have changed. Pero pinili niyang ignorahin ang mga iyon.
And now, she finds out that once upon a time ay naging pagmamay-ari ito ng ibang babae na wala man lang ka-effort effort samantalang siya, kung hindi pa nagbaba ng panty ay hindi yata niya makukuha ang binata.
"So low, Chesca Fayelin." Aniya sa sarili na puno ng sarkasmo. "Kahit kailan, hindi naman yata talaga siya naging akin." Mapait pa siyang ngumiti hanggang sa hindi na niya napigilan ang pag-agos ng luha niya.
She didn't bother to hide it. Wala namang tao na makakakita.
"Nakakainis! Ang tanga-tanga ko talaga kahit kailan." Pagsisintimyento pa niya. "Para akong gagang desperada sa mga pinaggagawa ko sa buhay ko. Bakit kasi nagmahal ako ng isang tuod na kagaya ni Irving James the third eh? Sana si Alex nalang ang minahal ko." Pag-iinarte pa niya.
"Faye."
Napabalikwas siya ng bangon kasunod ng paglingon niya sa pinanggalingan ng baritonong boses na iyon na kahit yata kailan ay hindi niya maipagkakamali kung kanino nanggaling.
"James," was all she was able to utter nang mapagmasdan niya ang madilim nitong mukha. "Ka-kanina ka pa ba riyan?" Damn! Mura niya sa isip.
Narinig kaya niya yung mga kaartehan ko? Lalo na yung huli? Piping tanong nisa sa kanyang sarili.
____________________________________
BINABASA MO ANG
Still You (DH 4 || Completed)
RomanceDH Series #4: STILL YOU "I lost you for seven long years but I'm willing to give you the rest of my life to compensate for the years we've lost." Seven lon...