Forty Three

27.1K 749 24
                                    

SIRE AN HEIR
051916

Ramdam niya ang tingin sa kanya ng mga tao nang dire-diretso siyang lumakad papunta sa stage ng walang nililingon sa mga tumatawag sa kanya, walang binabati o nginingitian, as in wala lahat. Para siyang naglalakad na walang nakikita.

Paakyat na siya sa stage nang muli niyang marinig ang pagtawag ni Irving sa kanya.

"Faye!"

She really didn't know the purpose of the mini stage which placed in the middle font of the hall with pink and silver balloons below. Sa mismong stage ay mayroong pink na upuan at mic.

Pagkaakyat niya ay kinuha niya ang mic mula sa mic stand. Tinignan niya ang nga taong naroon at nakatingin sa kanya. Then, she remembered that once, she also stood up in stage holding a mic while looking down at her audience. Iyon ay noong nagpasya siyang makipaghiwalay kay Irving matapos niyang malaman na kasal pa pala ito kay Kristine.

At ngayon nga, nakatayo na naman siya sa harap ng mga taong malalapit sa kanila pero hindi para kumanta.

"Standing here in front of you reminds me a scene from the past. Nasa stage rin ako noong araw na iyon, pouring my heart out through singing an old love song."

Everyone gets silent. Pawang nakatingin lamang sa kanya at naghihintay ng susunod niyang gagawin. She smiled at them. The same old faces at may ilang nadagdag.

"I suddenly felt like singing." She said as she chuckles. "Can I?" Nakangiti niyang sabi. Her eyes were roaming around the crowd until she saw who she was looking for, si Irving James Kho III.

"Can we join?" Sigaw ni Reichelle habang nakataas ang kamay. "Tayong tatlo nila Irinea."

"Of course!" Pagsang-ayon niya kaya dali daling umakyat ang dalawa sa stage. Tapos ay may nag-abot sa mga ito ng mic.

At nagulat pa sila nang sumulpot ang kanina pa na nawawala na si Terence kasama si Art at umakyat sa stage na parehong may hawak na gitara.

"We'll play." Ani Art na kinindatan pa siya tapos ay nag flying kiss kay Emerald.

"Teka. Bakit parang masyado kayong ready? May gitara pa kayo ha?" Aniya sa dalawa bago muling ibinalik ang tingin kay Irving na nakatingin lang sa kanya. He look... worried and nervous at the same time.

Why? Did he thinks that she'll break up with him again? Hell no! Kahit siguro harangan pa siya ng isang daan na Kristine at wedding contracts ng iba't ibang babae ay hindi siya magpapatalo.

Naulinigan niyang may itinatanong si Rin sa kanya but she just dismissed what she heard and continue on staring at Irving.

"O sige, ako nalang mamimili." Ani Rin. "Ed Sheeran tayo, Art? Photograph."

"Alright!" Sagot ni Art.

"Ay panget. Di ko kabisado iyan. Kayo nalang." Reklamo ni Reichelle at tumayo na. Sumunod naman dito si Terence.

"Oy pare! Saan ka pupunta?" Pigil dito ni Art.

"Ayokong kumanta." Ani Terence na tinignan pa ang papalayo niyang kaibigan na si Reichelle na mabilis nakapunta sa anak. "Damn. Fine. Tutugtog nalang ako."

"This song is dedicated to my preggy friend, Chesca Fayelin Latoza, a soon to be Kho." Ani Rin and everyone applauded as Art and Terence started strumming their guitars. At kakasimula pa lang ay nag brown out na.

"Wow brown out!"

"Rogelio! Buksan na ang generator!"

Tapos ay may narinig siyang parang may mga naglalakaran. She even heard a loud 'thud' at may nagmura. Marahil ay nagkabungguan. Naririnig rin niya ang reklamo ng mga bata partikular na ang matinis na boses ni Thea — ang anak ni Drae na tawag ng tawag sa kapatid ni Art na si Prinsipe.

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon