SIRE AN HEIR
102915Hindi na niya alam kung paano siya nakauwi sa kanila. Gulong gulo ang utak niya pati na rin ang puso niya. Halo-halo na iyong nararamdaman niyang galit, tampo, pagsisisi at panghihinayang.
"Because no matter what, I will win you back."
"Because no matter what, I will win you back."
"Because no matter what, I will win you back."
"Shit namang buhay 'to!" sinabunutan pa niya ang sarili habang nagpapagulong gulong sa kama niya dahil paulit ulit na nagpe-play sautak niya ang huling sinabi ni Irving James the third sa kanya.
Kung sa ibang pagkakataon, marahil ay naging epileptic na siya sakilig o di kaya naman ay baka naihi na siya sa panty sa sobrang kilig. Pero dahil hindi na siya ang dating Cheska Fayelin na easy-go-lucky, sobrang pasaway at go lang ng go sa lahat ng bagay ay hindi na siya kinilig o nangisay sa banat na iyon ni Irving James the third.
"Because no matter what, I will win you back."
"Because no matter what, I will win you back."
"Aaahhhhh!!" mahaba niyang tili na ilang beses paniyang inulit ulit.
"Hoy!" bulyaw ng kapatid niya sa kanya na agad niyang binato ng unan. Hindi talaga marunong kumatok.
Binato niya ito ng unan na sinalo lang nito. "Wala ka na ngang modo, wala ka pang galang." Irap niya. "Lumabas ka nga ng kwarto ko Francis kundi sasamain ka talaga sa akin." Aniya sa kapatid.
"Eh bakit ka ba kasi nagsisisigaw ha? Baka isipin ng mga kapit-bahay natin natuluyan ka ng nabaliw. Pati sila nanay nag-aalala dahil tulala ka raw nung dumating ka. Not to mention na ang aga mong umuwi."
"Wala. Naiinis lang ako kay Julie," aniyang itinuro ang pinapanood na Fushigi Yuugi. "Bakit kasi ipinagpipilitan niya ang sarili niya kay Tamahome samantalang alam naman niyang si Miaka ang gusto ni Tamahome." Nilingon niya ang kapatid. Nakakunot noo ito na parang hindi naintindihan ang sinabi niya.
"Otaku mode lang ate?"
Di niya pinansin. "Francis, bakit masarap ang bawal?"
"Kasi bawal." Binatukan niya agad ito.
"Aray naman ate! Yung utak ko baka malaglag!"
"Wala ka namang utak." Pero syempre joke lang iyon dahil kung may maipagmamalaki sa kanila ang magulang nila bukod sa gandang lahi ay iyon ang utak. "Bakit nga kasi? Di ba yung girlfriend mo bawal pa makipagrelasyon? Pero sumige pa rin kayo at kayo pa rin hanggang ngayon."
"Hindi naman iyon dahil sa bawal. Kaya kami nagtagal dahil open kami sa isa't isa. No secrets, no lies, and no third party and just the two of us. Isa pa, hindi pa naman kami lumalagpas sa limitasyon. We still know when to stop. At iyon ang kaibahan naming sa inyo ni Kuya James, Ate. Kayo kasi, masyadong maraming sekreto, masyadong maraming kasinungalingan ang nasa paligid ninyo, may third party pa sa katauhan ng family niya."
Gusto sana niyang idugtong na may Alex pa pero hindi na niya itinuloy. Mas mabuti nang hindi alam ng mga ito ang tungkol kay Alex.
Pinagmasdan niya ang nakababatang kapatid na pinapanood ang Fushigi Yuugi na nakakunot pa ang noo. Obviously, di ito pamilyar. Francis was five years younger pero parang mas matured pa yatang mag-isip sa kanya when it comes to relationship.
"Look at them," maya-maya ay sabi nito na ang tinutukoy ay si Miaka at Tamahome. "Bawal silang magmahalan kung tutuusin dahil magkaiba ang mundo nila. Tamahome was just a character from a book while Mayuki,"
BINABASA MO ANG
Still You (DH 4 || Completed)
RomanceDH Series #4: STILL YOU "I lost you for seven long years but I'm willing to give you the rest of my life to compensate for the years we've lost." Seven lon...