Twenty Six

26K 658 16
                                    

SIRE AN HEIR
010516


Kinabukasan, siya ang naunang nagising sa kanilang dalawa ni Irving. Maingat siyang bumangon sa sahig na may sapin na manipis na kutson. Pinulot na rin niya ang mga damit niyang kung saan nalang inihagis ni Irving at saka mabilis na isinoot.

Nilingon niya ang binata na mahimbing pa ring natutulog kahit tirik na tirik na ang araw sa labas. Nakadapa ito at nakapaling ang mukha sa gawi niya kaya malaya niyang napagmamasdan ang maamo nitong mukha na akala mo inosente kapag tulog lalo na at mamula-mula ang pisngi nito ngayon at medyo nag-tan ang kulay ng balat na marahil ay dulot ng kakaibang hangin sa rancho.

Dumako pa ang paningin niya sa malapad nitong balikat, sa brasong may katamtamang laki ng mga muscles down to his slender body, down to his waist at pababa pa sa matambok nitong pang-upo na hindi masyadong natakpan ng manipis na kumot. Bahagya kasing kita ang hiwa sa bandang itaas.

"Alkansya!" di niya napigilang maibulalas kasunod ng pagtutop niya sa sariling bibig para pigilan ang tawa. "Pfft-! Ahahaha-!" hindi na talaga niya napigilan kaya tumawa na siya na siyang nagpagising dito.

Pero mukang hindi lang si Irving ang nagising kundi maging ang alaga nito na ngayon ay sumasaludo sa kanya ng tumihaya bigla si Irving.

Napahinto siya sa pagtawa nang maalala ang mga ginawa ipinaranas sa kanya ng alaga nitong iyon nang nagdaang gabi. Tapos ay nakangisi pa sa kanya si Irving James the third nung lingunin niya. Huling huli siya nito na nakatingin sa bagay sa pagitan ng mga hita nito na hindi man lang pinagkaabalahang takpan.

"Good morning daw, babe." Anito at hinila siya bago gawaran ng marahang halik sa labi. Napangiti siya. Bakit lalo yatang sume-sexy ang boses nito?

Siguro nga ay suplado si Irving at hindi pala kibo pero ayos na rin dahil kapag naman nagsalita na ito ay malulusaw ka sa kilig.

"At malapit na ding magtanghali! Baka hinahanap na tayo, James?"

"Nah." At isiniksik pa nito ang mukha sa tagiliran niya habang nakayakap sa beywang niya.

Sunuklay suklay niya gamit ang mga daliri niya ang may kahabaan nitong buhok na itim na itim at ang lambot lambot. "Kakausapin daw ako ng Lolo mo, James. Tapos dinala mo naman ako rito bigla. Baka isipin nila itinanan na kita."

"Don't mind them." Anitong pumapaloob na ang isang kamay sa blouse niya.

"James, don't you ever – oh my!" natanggal na kasi nito sa pagkaka-hook ang bra niya . napatili pa siya dahil bigla siya nitong itinulak pahiga at kinubabawan.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero nginisihan lang siya nito habang unti-unting pumapaloob ang isang kamay nito sa blouse niya hanggang sa gumapang iyon paitaas at umabot sa isa niyang dibdib. At dahil tanggal na sa pagkaka-hook ang bra niya ay madali nitong naipasok ang isang kamay sa bra niya, cupping and squeezing her breast that almost made her moan.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon si Queen.

"Kuya! Oh my Gods!" sabay talikod nito at labas ng pinto. Sobrang lakas pa ng pagkakasara nito na halos magiba na yata ang pinto ng kubo.

"Damn girl!" rinig niyang bulong ni Irving bago siya balingan.

Ngumiti siya. "Blue balls eh?" saka niya ito itinulak habang natatawa sa itsura nito. "Magbihis ka na. Lilipas rin iyan." At inginuso pa niya ang bagay na iyon na nasa pagitan ng mga hita nito. Mabuti nalang talaga at natabingan iyon ng kumot dahil kung hindi ay kawawa naman ang mga mata ng kapatid nito.

"Don't mind her." akmang hahatakin siya nitong muli pero tinampal niya ang kamay nito.

"Irving James, ha?! Sumosobra ka na. Para ka namang mauubusan."

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon