Twenty Three

24.9K 660 13
                                    

SIRE AN HEIR
122015


"What the hell are you doing here? Kanina pa kita hinahanap. It's almost lunch time, Faye. Ni hindi ka nagpaalam." Umuusok sa galit na sabi ni Irving.


Hindi tuloy niya alam kung matutuwa ba siya dahil hindi nito narinig ang sinabi niya o matatakot dahil sa galit nito. Pero maaari din naman na pinili na lamang nitong manahimik tungkol sa narinig.


Tumayo na siya at pinagpagan ang damit. Di pa siya nakakatapos ay hinatak na siya ni Irving palapit sa isang puno kung saan may nakataling itim na kabayo na ang laki laki. Sa tingin niya ay mamahalin iyon lalo na at naiiba iyon sa mga nakita na niyang kabayo.


"Diyan tayo sasakay?" namamangha pa niyang sabi. Nang lubusan silang makalapit ay lalo siyang namangha dahil sa batik nito sa noo na kulay puti at hugis diamond. "Ang ganda."


"Come on, Faye. Hinahanap ka na nila Mama." Anito at bago pa siya makasagot ay naiangat na siya nito sa lupa at naisakay sa kabayo. Effortlessly.


"Hala! Baka malaglag ako!" nataranta siya nang bahagyang gumalaw galaw ang kabayo pagkasakay niya. Napahawak tuloy siya sa balikat ni Irving na nakatayo pa rin sa gilid niya.


"Relax. She's just adjusting to your weight." Tapos ay ito naman ang sumampa sa bandang likuran niya. "And please Faye, don't do this again."


"Ang alin?" medyo distracted niyang tanong dahil sa mga braso ni Irving na halos ay nakayakap na sa kanya. Itinagilid pa niya ang ulo para lingunin ito at nagulat pa siya dahil nakalingon pala ito sa kanya.


Halos magdikit na ang mga mukha nila at naaamoy na niya ang mabangong aftershaved na nakahalo sa natural scent nito. His breath was fanning on the side of her neck.


"You, roaming around the ranch without me." Then he lowered his head and captured his lips in a very light and teasing kiss. "Got it?"


Wala sa sariling napatango siya. Aba, ilang araw nab a silang walang intimacy ni Irving? It felt like years. Tapos ngayon ay isang pabitin na kiss lang ang natanggap niya.


Ngayon lang niya na-realize na miss na miss na pala niya ang binata. Kailangan na talaga nilang magkausap ng masinsinan para maayos na ang relasyon nila dahil kahit naman saang banda tignan ay matatawag naman na talaga silang couple kahit na ang gulo-gulo ng relasyon nilang dalawa.


She didn't enjoy the whole ride dahil bukod sa mainit na ay ang bilis pa ng takbo nila. Pakiramdam niya ay malalaglag siya kaya nanatili lang siyang nakapikit ang nakahawak sa braso ni Irving na nasa magkabilang gilid niya.


"We're here." Anunsyo nito.


Sinalubong sila ni Princess at niyaya na para kumain. Hinahanap lang pala siya kasi kakain na pero si Irving kung makaakto akala mo sobrang importante. She rolled her eyes on the thought.


Naubos ang buong oras niya kasama ang mga kapatid ni Irving. At gustuhin man niyang magtanong kung nasaan ang binata ay hindi niya magawa lalo na at ang harot ng dalawang magkapatid.


"Your spacing out, Ate Faye." Puna ni Queen sa kanya na may naglalarong mapanuksong ngiti sa mga labi.


Sinundot naman siya ni Princess sa tagiliran. "You missed kuya already?" tukso nito. "Babalik din iyon mamaya. May mga nanganganak kasing baka kaya andun sya ngayon to lend some help."


"Marunong siyang magpaanak ng baka?"


"Oo naman Ate. As far as we know ay nag-aral din siya ng An-Sci."


Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon