Eight

32.8K 795 12
                                    

SIRE AN HEIR
092315

Sunod sunod ang hampas niya sa unan. Hindi pa rin siya makapaniwala na  ginawa niya ang mga ginawa niya kani-kanina lang kay Irving James the third kaya ngayon, nagugutom na siya pero ang sakit ng katawan niya. Ang kagagahan niya kasi abot hanggang sa kahabaan ng EDSA.

"Dami kasi alam. Ayan! Tiisin mo ang hapdi pagkatapos mong maglandi." Bulong niya sa sarili.

Hindi naman niya first time pero bakit parang first time niya pa rin? Siguro kasi pitong taon na rin mula nung huli siyang tumikim ng lalaki.

Nilingon niya ang natutulog na katabi. Ang macho na pala ni Irving James the third. Mas may laman na ito kaysa noon at aaminin niya na mas malaking tao na ito kumpara dati. And she really meant the word 'malaki' kahit saang anggulo tignan.

Bumangon na siya at dumiretso sa bathroom. She needed a quick shower dahil gusto na niyang kumain ng totoong pagkain. Paglabas niya ay wala na ang  inalmusal niya kaya nag feel at home na talaga siya at hinalungkat ang closet ni Irving para kumuha ng pwede niyang isoot. Ang problema lang ay lahat ng naroon ay malaki.

Isang printed shirt ang napili niyang isoot na umabot hanggang sa kalahati ng hita niya saka niya tinernuhan ng boxer short bago dumiretso sa kusina kung saan nadatnan niya si Irving James the third na nagluluto at naka... topless?!

Oh tukso layuan mo ako!

Agad siyang yumuko at pumihit patalikod para sana bumalik nalang sa kwarto para magkulong at magpagutom ng bongga pero huli na dahil nakita na siya ni James.

"Faye..."

Alanganin siyang humarap at ngumiti. "Yes? May... may kailangan ka?"

Kumunot naman ang noo nito habang nakatingin sa kanya bago nagsalita. "Kakain na."

"Ah... eh... busog pa ako." Parang tanga niyang sagot na sinabayan pa niya ng weird na tawa.

Ano ba naman kasi itong si Irving, kung makatingin sa kanya ay wagas. Akala mo tinubuan na siya ng isa pang ulo.

"Tanghali na and we haven't eaten anything since last night so don't lie and just eat with me."

"Eat you!" Nanlalaki ang mga matang sigaw niya. "Aba! Nawili ka naman Irvung James the third!"

"What?" Then he bursts out laughing na para bang wala ng bukas.

Bakit? Hindi ba tama ang narinig niya? Saka-

"Come here." Bago pa siya makapag-react ay hawak na ni Irving ang kamay niya at iginigiya siya sa kitchen counter kung saan naka-ready na ang mga pagkain na ang ganda pa ng pagkaka-prepare.

"Pero hindi pa naman talaga ako -" naputol ang sasabihin niya nang tumunog ang tiyan niya. Napapikit siya ng mariin dahil sa kahihiyan.

Bakit ba pagdating kay Irving, lahat nalang ng sabihin niya ay di nagkakatotoo? Na parang tinatraydor siya ng sariling katawan? That her body's not doing what her mind is saying?

Her gazes goes back to the food at bago pa man siya makaangal ay nalagyan na ni Irving ang plato niya at mukha na iyong bundok sa dami.

"Anong akala mo saken, patay gutom?"

Umiling lang si Irving sa kanya at iminuwestra na kumain na siya. Nang hindi siya kumilos at manatiling nakatingin lang dito ay inilapit nito sa bibig niya ang hawak na kutsarang punong puno ng kanin at ulam.

"Ako na." Aniya at sinimulan ng sumubo pero ramdam niya ang mga titig ni Irving kaya di aiya makakain ng mabuti. "What?" Singhal niya.

Ngumiti lang ito ng kaunti bago ibinalik sa pagkain ang tingin. "My shirt looks good on you."

Oo nga pala. Ni hindi man lang niya naipagpaalam ang soot niya. "Bagay eh ang laki laki. Kasalanan mo 'to eh." Irap niya pero sa totoo lang ay bakit parang tinamaan siya ng hiya?

Shit naman kasi! Ilang araw palang mula noong magkita sila ulit tapos ganito na ang nangyari? Parang... parang lahat ng gusto niyang mangyari ay hindi na mangyayari dahil bumigay na agad ang puso niya.

GUSTO NIYANG magmura ng magmura dahil sa kundisyon ni Faye na ibinigay.

"Fuck! No strings attached? Bullsh*t!" Bulong niya habang nagbibihis. Tanghali na and they haven't eaten anything. Sa lahat ng ayaw niya ay ang nalilipasan ng gutom.

Pinagmasdan niya ang higaan na magulo pa. He just couldn't believe on what had happened a while ago and thinking about it gives him a boner. Kaya bago pa maudlot ang ginagawa niyang pagbibihis ay inalis na niya sa isip ang imahe ni Faye sa kama niya. Inayos na rin niya ang higaan dahil alam naman niya na wala na munang gagamit niyon dahil nasa banyo na si Faye at naliligo.Pagkatapos noon ay nagtuloy tuloy na siya sa kusina para magluto.

Pababa na siya ng hagdan nang mag ring ang cellphone niya na agad niyang sinagot without looking who the caller is.

"Yes?"

(Where the heck are you?!)

Inilayo niya ang cellphone sa tenga dahil sa sigaw na iyon ni Art. Akala mo bingi ang kausap kung maka-sigaw.

"Bahay." Maikli niyang sagot.

(Tangina Irv! Nakalimutan mo bang may business meeting tayo ng ala una? And what time is it now? It's almost two!)

"You know that I got suspended Arthur. Besides, I'm busy so I'm hanging up." At bago pa makaangal si  Art ay pinindot na niya ang end button.

Dumiretso siya sa kusina para magluto at sakto namang nakaluto na siya noong maramdaman niya ang presensya ni Faye sa likod niya.

Niyaya niya itong kumain. Noong una ay tumanggi pa si Faye pero napilit nya rin. And he just can't help but stare at her.

"What?" Singhal ni Faye sa kanya.

He smiled. "My shirt looks good on you." And I miss seeing you wearing my clothes. Pero hindibna niya iyon idinugtong.

Tinawanan lang niya ang mga reklamo ni Faye kaya lalo lang nainis ito sa kanya. Noong matapos silang kumain ay siya na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan nila habang si Faye naman ay nanonood lang sa kanya.

Patapos na siyang maghugas nang sabay silang mapalingon ni Faye sa pinto. Kumunot ang noo niya nang makita niyang si Art ang pumasok kasunod nito si Terence.

"Tangina ka Irv- woah!" Naputol ang sasabihin nito pagkakita kay Faye na nasa kitchen counter. "So this is the reason why you didn't fvcking attend our supposedly meeting with an important client." Ngisi ni Art na may bahid ng iritasyon.

"No. Nakalimot lang talaga ako. I'll do something about it. Don't worry." Aniya at hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang mapanuksong tingin ni Terence sa kanya na halatang nagpipigil ng ngiti.

"I think, we have to go Art. Nakakaistorbo na tayo. We'll go ahead" Paalam ni Terence.

"Ah no! Dito muna kayo. Don't mind me." Singit ni Faye.

Huminga siya ng malalim. "By the way this is Chesca Fayelin, my girlfriend." Tuloy tuloy niyang sabi kasunod ng panlalaki ng mata ni Faye sa kanya at pagngisi ni Art at Terence.

"Hindi. Nagjo-joke lang iyang si Irving James the third. We're just friends and I have a boyfriend." Agad na bawi ni Faye. Tinignan pa siya ng masama. Of course, he knew that she doesn't want what he said. Ayaw nito ng pinapangunahan.

"Yeah, that's me." Sabi nalang niya to reduce the tension dahil parang pati si Terence at Art ay naguguluhan sa kanilang dalawa ni Faye at palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Faye.

"No, it's Alex." Faye said before she left.

________________________________________

A/N: Sa mga pupunta sa MIBF ng September 18 (sunday), see you!

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon