Chapter 11

32.7K 757 33
                                    

SIRE AN HEIR
100915

"Hays!" buntong hininga niya habang nakaharap sa computer at nagbabasa ng one-shot manga. Naka-sampu na yata siya ng nabasa dahil sa sobrang inip. Nasa opisina nga siya pero wala naman siyang ginagawa, ano pa'ng silbi niya? Mabuti sana kung uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas sa pagtunganga niya, pero hindi naman.

"Hays!" napabuntong-hininga na naman siya. Pang-ilan na nga niya iyon?

"O, may nagpapabigay sa'yo."

She adjusted her eye glasses and looked at her office mate who handed a long stem red rose to her. "Kanino galing?" aniya matapos suriin na wala namang nakasulat sa maliit na heart shape card.

"Ewan." Kibit-balikat nito at tinalikuran na siya.

Isa pa iyan. Mula nang ibalik siya sa dati niyang trabaho ay naging malamig na ang pakikitungo sa kanya ng mga ka-office mate niya. Ipinagwalang bahala na lang niya ang trato ng  mga kasamahan niya. Wala naman siyang mapapala kung pagpapapansinin niya ang mga ito. Mga inggit kasi.

Out of boredom, nag-skype na rin siya but of course, phone na niya ang ginamit niya. Pasaway na kung pasaway. Wala siyang magawa eh.

"Bakla!" Bungad niya kay Reichelle pagkasagot nito. Mukang naglilinis ng bahay ang lola.

"Hello din sayo!" Pasigaw na sabi nito na obviously ay malayo sa monitor.

"Anong ginagawa mo?" Kahit kitang kita naman niyang tinutulak nito ang couch.

"Nagta-tumbling siguro?" Sabay tawa nito bago lumapit sa monitor. "Faye, may problema."

Napataas ang kilay niya. Ngumuso naman ito. "Ano?" Aniya pero ngumuso lang ito ulit. "Ano nga yung problema mo?" Ulit niya.

"Wala. Pero ikaw mukang meron." Tumatawang sabi nito. "Ang haba ng hair!"

"Huh? Pinagsasasabi mo?"

"Mamaya nalang tayo mag usap. Asikasuhin mo muna yung dalawang nasa likod mo. Ikaw ha! Magkwento ka mamaya. Bye!"

Dahan dahan anginawa niyang paglingon sa likod niya and indeed, Irving and Alex is standing so equally handsome at her back. Alex was grinning at her as if warning her to be cool and not to forget about their deal - the Dodong-Inday thing. Habang si Irving naman ay walang kangiti-ngiti na nakatingin sa kanya. Nakakunot pa ang noo at parang may gusting sabihin.

Alex' wearing his usual three-fourth attire, hindi talaga kasi ito nagko-coat kung wala naman talagang importanteng tao na imi-meet okaya ay walang meeting. Kadalasan ay wala rin itong suot na neck tie unlike Irving James the third who's always in his three piece suit. Seriously? And init kaya sa Pinas.

            Ngumiti siya kay Alex. "Dong!" na sinabayan pa niya ng pagtayo at paglapit kay Alex. "May kailangan ka ba?" malambing niyang sabi na ginantihan naman ni Alex ng isang pisil sailing niya.

            "Na-miss lang kita Inday." Sabay tawa nito nung mapasimangot siya sa ginawa nitong pagpisil sa pisngi niya. Sakit kaya! "But actually, may pag-uusapan kami." Anitong ipinilig ang ulo sa gawi ni Irving kaya napatingin siya rito.

            "Good morning Sir Kho." Walang buhay niyang bati pero tinanguan naman nito.

            "Aba Inday, kanino galing iyang rose na iyan? Ikaw ha? Tumatanggap ka pa ng manliligaw kahit na tayo na."

            "Kala ko sa'yo nanggaling kaya itinabi ko. So, hindi sayo galing Dong?" sabi niya dahil may hinala na siya kung kanino nanggaling ang rose na iyon. "Itatapon ko nalang mamaya." Aniya habang nakatingin kay Irving James na masama na ang tingin sa kanya.

Still You (DH 4 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon