A/N: Thank you ulit sa mga nakabili na ng copy ng Shotgun Marriage :)
Comment and vote po after reading this chapter ha? Thanks!SIRE AN HEIR
092815Pagkaalis na pagkaalis ni Irving ay nagpalipas lang siya ng ilang minuto para makapag-isip. Tapos ay nagpasundo agad siya kay Alex. Pero bago siya umalis ay kumuha muna siya ng isang damit ni Irving para props niya if ever mangailangan siya
"Hi Inday!" Bati ni Alex sa kanya na naka-ngisi.
Sa isang kamay nito ay ang hand bag niya na naiwan niyang nang nakaraang araw. Natawa tuloy siya ng wala sa oras dahil lalaking lalaki ang outfit nito pero may dalang hand bag.
"Bagay sa'yo iyang bag ko." Aniyang tatawa-tawa. "Tara na nga. Punta muna tayo sa office at may kukunin lang ako. Tapos pag usapan na natin yung tungkol kay Dodong at Inday."
"Eh kasi—"
"Anong eh kasi-eh kasi?" Putol niya sa sinasabi ni Alex na napakamot pa sa batok. "Halika na. Mamaya ka na magkwento dahil wala ako masyadong time, Alex." At nauna pa siyang sumakay sa kotse.
Habang nasa byahe sila ay pansin niya ang pasimpleng pagsulyap sulyap sa kanya ni Alex na parang may gustong sabihin. Pero kahit hindi ito magsalita ay parang alam na niya ang itatanong nito.
"Oo. Hindi pa ako nagpapalit ng damit. Pero nalabhan na 'to. Medyo malamig pa nga kanina eh. Pinlantsa ko lang." Sabi nalang niya.
"Kaya pala. Pero kasi Chesca, may gusto sana akong sabihin."
"Pwede mamaya nalang? Pakidaan muna ako sa bahay para makapgpalit ako ng damit tapos diretso tayo sa office. May kukunin lang ako."
"Grabe ha? Ginawa mo naman akong driver." Ani Alex.
Bigla naman siyang tinamaan ng hiya kaya nawalan siya ng kibo. Nainis pa siya ng tawanan siya ni Alex kaya inirapan niya pero sa halip ay lalo lang parang amuse na amuse ito sa kanya at kinurot pa siya sa pisngi.
"Don't worry, basta para sa'yo, handa akong maging driver cum dummy boyfriend or any person whom you wanted me to be." Pagbibigay assurance nito sa kanya at kinindatan pa siya. Loko talaga.
Ngumiti siya ng tipid. "Salamat." Tanging nasabi niya dahil tinamaan na talaga siya ng hiya.
"Basta para sa'yo, nanginginig pa." Anitong may kasama pang kindat. Napangiti na tuloy siya.
Pagdating nila sa bahay ay nagpalit lang siya ng damit. Isinoot niya ang damit ni Irving at saka lang siya nagsoot ng sexy short at flat shoes. Tapos ay niyaya na niya si Alex na hanggang ngayon ay parang may gusto pa ring sabihin sa kanya. Hindi lang makasingit dahil sa kadaldalan niya.
Pagdating sa office ay nagulat pa siya ng malaman na wala na siyang trabaho at dahil iyon sa lintik na si Irving James the third.
Pakiramdam niya ay hawak na siya ni Irving kaya mabilis na nag-init ang ulo niya. Pati si Alex ay napagbuntunan pa niya ng inis at ilang beses niyang nakurot sa sobrang gigil.
Kontrolado na nga nito ang katawan niya, pati buhay niya gusto pa ring kontrolin? Aba matinde!
"Aray naman Inday. Nakakarami ka na ah!" Reklamo ni Alex habang lulan sila ng elevator pababa ng building. Dala na rin niya ang mga gamit niya kaya talaga namang nag-iinit ang ulo niya.
"Alam mo na ba ang tungkol dito?" Baling niya kay Alex.
"Actually, kanina ko pa nga gustong sabihin sa'yo ang tungkol dito. But you keep on cutting my words." Ani Alex. "Hindi ko alam kung bakit ka nila tinanggal. You are one of the most efficient and hard working employee here kaya wala akong makitang dahilan kung bakit basta ka nalang tinanggal. Hindi tama ang ginawa nila. Pwede ka ngang magreklamo kung gugustuhin. But right now, I already have an idea why they fired you." Mahabang litanya ni Alex sa seryosong tono.
BINABASA MO ANG
Still You (DH 4 || Completed)
RomanceDH Series #4: STILL YOU "I lost you for seven long years but I'm willing to give you the rest of my life to compensate for the years we've lost." Seven lon...