SIRE AN HEIR
010116Isiniksik niya ang mukha sa leeg ni Irving. Nagpipigil siyang umiyak kaya pilit niyang dini-distract ang sarili sa amoy nito pero. She was biting her lower lip and clutching his shirt too much to avoid herself from crying.
Sobra na ba siyang nagpapakatanga?
Sa totoo lang ay parang naiwala na niya ang masayahin at lukaret niyang pagkatao mula noong bumalik si Irving sa buhay niya. Oo, marami itong binago sa kanya noon, maraming ipinaradam at ngayon nga ay ganoon pa rin ang ibinigigay nito sa kanya.
Pero alam niya, kahit gaanong hirap ang danasin niya ay hindi na niya makakayang bumitaw lalo na ngayon na alam niyang may isang bagay na siyang panghahawakan rito kahit na hindi pa siya ganoon kasigurado sa bagay na iyon.
At siguro nga ay masokista siya dahil kahit alam niyang masasaktan siya ay binabaliwala niya ang mga warning bells na nagkalat sa paligid niya. Wala eh! Mahal niya kasi si the third.
Naramdaman niya ang unti unting pagbitaw sa kanya ni Irving. Nakaramdam siya ng pangamba kaya mas lalo pa niyang isiniksik ang sarili rito. Parang hindi na yata niya kaya pang magkahiwalay sila. Call her clingy, wala na siyang pakialam.
"I heard that Kristine's coming back." Tinignan niya ang mukha nito.
"Yeah." Tapos ay hinagkan siya nito sa noo.
"Bakit mo ako dinala dito sa rancho ninyo? Para takasan siya? What? Don't leave me clueless like this James. Bakit siya bumalik? Totoo ba ang narinig ko sa Lolo mo? He's forcing you to give him a great grandchild. He wants you to sire an heir!"
"I wanted to show you this place where I grew up. Ito lang noon ang matatawag kong sa akin. But when the Kho's found out my identity, ginawa nila ang lahat ng paraan para mapasunod nila kami ni Mama. They even bought this land na noon ay nakasanla. I have so much memories in this place I couldn't let this go." Panimula nito. She remain silent and waited for him to continue.
"Noong una ay ayokong pumayag na dalhin ang apelyido nila. Ano naman kung kinuha nila ang rancho? Mabubuhay naman kami ni Mama kahit wala ang rancho. Graduate na ako that time. We moved near to your place and when I thought I have nothing to treasure anymore, I found you." Naramdaman pa niya ang pagpisil nito sa kamay niya tapos ay hinalikan siya sa sentido. Wala na! Nalusaw na lahat ng tampo at galit niya!
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Wala naman itong sinabing nakakakilig at nakakataba ng puso hindi ba? O talagang naging tanga na siya at hindi niya napansin? Na ang puso nalang niya ang nag-react para sa kanya?
"You're not my type of girl. You're not good at cooking, pati sa paglilinis ng bahay and even in laundry. Masyado ka pang madaldal for my taste. You wore short shorts, skirts and dresses na masyadong revealing."
"I know I'm not perfect, okay? Kailangan pa talagang ipamukha?" reklamo niya. "Ikaw na magaling sa gawaing bahay." Irap niya. Truth hurts ika nga at iyon ang katotohanan.
"Pero ikaw lang ang nakatagal sa akin, rather, ikaw lang ang nagtangkang lumapit sa akin at nanatili pa rin sa tabi ko kahit na hindi mo naman talaga ako lubos na kilala noon. And you're the only woman who ever crept into my heart."
"Bola!" Irap niya.
"See? I'm serious here and you're being silly again." Reklamo nito.
"Sorry. Please continue." Yumakap pa siyang mabuti with matching dantay ng binti sa mga hita nito at pinagpala pa niya ang palad niya sa paghimas sa abs nito.
"When I left you that was the same time that I accepted being one of the Kho's. Hindi ko alam na ipapadala nila ako right away sa ibang bansa na hindi ko man lang nagawang magpaalam sa'yo. You know how much I hate goodbyes. Kaya gumawa ako ng paraan para makita ka kahit isang beses lang sa isang buwan. I wanted to explain everything to you but life was so hard for me that time na baka kapag lumapit ako, hindi ko mapangatawanan ang pagiging isang Kho. After learning how to live like a real Kho, I have also learned how hard to be one. Hindi ako maaaring pumetiks-petiks lang dahil isang pagkakamali ko lang ay libo-libong pamilya ang maaaring maapektuhan."
Naiintindihan niya iyon. Sabi nga, kung gaano ka kalaking tao ay ganoon rin kalaki ang responsibilidad mo. Kailangan rin na may mas isaalang alang ka. Sana lang talaga ay katulad ni Irving ang lahat ng mayayaman dahil kung magkakaganon? Hayahay ang buhay!
"I have to choose, babe."
Napangiti siya ng mapait. Masakit na hindi siya ang pinili ni Irving noon at parang hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang desisyon ng binata.
Unti-unti siyang bumitiw mula sa pagkakayakap kay Irving. She was ready for anything... for everything when it involves him. Hindi nga niya alam kung kailan siya naging handa sa mga ganoong bagay. Basta ang alam niya ay kontento na siya na alam niyang may katumbas ang pagmamahal niya sa binata. Hindi man kasing tindi ng sa kanya na kaya niyang iwan ang lahat, at least alam niyang hindi siya kabilang sa samahan ng may mga one sided love.
Tumihaya siya at tumingin sa bubong ng munting kubong kinaroroonan nila. Naramdaman naman niyang tumagilid si Irving paharap sa kanya at hinawakan ang isa niyang kamay na nakapatong sa tiyan niya at pinisil pisil iyon ng marahan saka nilaro ang mga daliri niya.
"I understand." She said without looking at him. Tapos ay muli siyang ngumiti ng mapait kasabay ng paglalandas ng mga luha niya sa magkabilang sulok ng mga mata niya.
Pinahid nito ang mga iyon. "Stop crying. Magiging maayos na ang lahat sa atin." Pang-aalo nito sa kanya na lalo lang nagpaiyak sa kanya.
Oo, magiging maayos na nga ang lahat sa atin dahil pagkatapos ng gabing ito, we'll go on our separate ways. Piping usal niya.
"James,"
"Hmmn?"
"Nasabi ko na ba na mahal kita?"
"Hindi pa."
"Nakarating tayo sa ganitong parte without saying it, huh? Do you want to hear it from me? Now?" nakakatawa lang dahil sa dami na ng nangyari sa kanila ay ni minsan nga yata ay hindi nila binitawan ang tatlong salitang iyon.
"It's okay kahit hindi mo sabihin because your actions are more than enough."
Napasibangot siya. Binitawan niya ito at naupo saka niya ito hinarap. Pinagmasdan niya si Irving at hindi niya talaga mapigilang hangaan ang physical features nito. Hindi pa siya nakuntento na pagmasdan lang ito at hinaplos pa niya ang mukha nito mula sa makakapal nitong kilay, sa matangos na ilong, pati ang mapupula nitong labi na hindi nausuhan ng guhit pati na rin ang cleft chin nito na gustong gusto niya.
She was not just staring and caressing his face but memorizing every inch of it as if it was the last time she could do that.
"I love you Irving James Kho III." She said smiling kasabay ng paglalandas ng mga luha niya na kaagad niyang pinalis.
Ngumiti ito sa kanya at tinitigan siya. Their eyes locked. At muli na naman ay parang nahulog siya sa isang malalim na kadiliman na tanging ito lamang ang may alam ng daan.
"And I'm choosing you over everything that I have right now because I am madly in love to you Chesca Fayelin Latoza." He said before gently pulling her closer to his body for a kiss.
She was still in shock even after the kiss. Hinalik-halikan pa siya ni Irving ng ilang beses pero wala pa rin siyang reaksyon. It was like her world stops circulating after hearing what he said. O kaya naman, kung ikukumpara siya sa internet connection, loading pa rin siya hanggang ngayon.
Nang mahimasmasan siya ay itinulak niya ang binata at kitang kita niya ang gulat at pagtataka sa mga mata nitong kasing-dilim ng gabi.
"Anong sinabi mo?" tanong niya. Gusto niyang kumpirmahin dahil baka nagkakamali siya ng intindi na siya ang pinili nito over everything.
Ngumiti ito sa kanya bago marahang hinaplos ang pisngi niya. And slowly, he lowered his head and claimed her lips again for a quick light kiss.
"I choose you." He said after claiming her lips again for an earth shattering kiss na ginantihan niya.
BINABASA MO ANG
Still You (DH 4 || Completed)
RomansDH Series #4: STILL YOU "I lost you for seven long years but I'm willing to give you the rest of my life to compensate for the years we've lost." Seven lon...