[7];
Tiffany's POV
"Sakay." Naglalakad kami pauwi pero biglang tumigil si Luhan.
"Huh?"
"Sakay or bubuhatin kita na parang bagong kasal?" Tanong nya sakin.
Wala naman akong sakit ah? Bakit kailangan nya akong buhatin?
"Ayaw kong mapagod ang prinsesa ko. Sakay na!" Bumaba sya nang konti para makasakay ako salikod nya pero hindi ako sumakay.
Ayaw ko ring mapagod sya pero nakakahiya namang sabih-
"WAAAH! MANYAK! IBABA MO NGA AKO!" Sigaw ko. Paano ba naman binuhat nya ako nang pabride style!
"Kanina ka pa nageeskandalo! Akala tuloy kanina nila mama ano na ginagawa natin!" Pigil pigil nya ang tawa nya habang ako pulang pula na. Dahil sa hiya ko isinubsob ko nalang ang mukha ko sa may dibdib at leeg nya.
Ang bango nya talaga. Walang halong joke.
"Alam ko na ireregalo ko sayo sa pasko. Pabango ko." Natatawang sabi nya habang naglalakad.
"Ibaba mo nga ako!" Saad ko sakanya.
"Ayaw. Pero baby, ano kinakain mo at ang bigat mo?" Sabi nya at nagpigil nang tawa.
Ayos na sana eh! Tinawag nya na akong baby! Pero biglang ganon?
"Madapa ka sana, Luhan." Sabi ko at inirapan sya.
"Sige ayos lang. Buhat naman kita kaya pareho tayo masasaktan." Daming alam.
"Tsk." Irap ko sakanya at sinuksuk ulit ang ulo ko sa balikat nya.
"Pag inirapan mo ako baka mangyari nga yung iniisip nila mama." Nakasmirk na sabi nya pinalo ko sya.
"Just kidding. I respect my girl." Nakangiti na sabi nya kaya ramdam kong namula ang pisngi ko.
"Sige. Andito na tayo. Makakababa ka na, mahal na prinsesa. Takbo ka na sa cr, sobrang pula mo oh!" Sabi nya at binaba ako.
"Pasalamat ka kinikilig ako sayo!" Sabi ko kaya inakbayan nya ako.
"Mom! Dad! I have something to say!" Sigaw ni Luhan pag pasok.
"Wag ka nga sumigaw! Baka tulog na mga kapatid mo!" Sabi ko sakanya kaya nginitian nya lang ako.
"Tell us, son!" Sabi ni Tito na mukhang excited.
Agad naman dumating si Tita na nakangiti.
"See this girl? Mom, dad. She's the only girl I love and I'll love." Sabi ni Luhan na nakaakbay parin sakin tapos hinalikan ako sa pisngi.
Agad naman na lumapit sakin si tita at niyakap.
"I'm soo happy! Sa lahat nang babae sa mundo, sa tingin ko ikaw lang ang nababagay sa anak ko." Sabi ni tita na halos paiyak na.
"Kayo na?" Masayang tanong ni tito kaya napangiti kami.
"MU palang po." Sabay naming sagot ni Luhan kaya napatawa kami.
"MU? Dami pang arte! Kung pwede nga ikasal na kayo!" Sabi ni tita kaya napatawa kami.
Hindi nagtagal umakyat na kami sa kwarto at kaagad akong humiga sa kama nya.
"Are you tired?" Tanong nya sakin kaya nag nod ako.
"Sige. Magpalit ka na nang pangtulog mo at magpahinga ka na." Nakangiti nyang sabi.
"This is my pajama. Fashionista ako kahit sa pag tulog eh!" Sabi ko kaya napatawa sya.
Hindi nagtagal humiga narin sya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
The Behind The Scenes of a Perfect Love Story
FanfictionWhat is the relationship that a loveteam has behind the scenes? Sa harap nang camera, perfect couple. E sa likod nang camera? Are they being sweet for the fans or may nabubuo na talaga? Thanks to: @cgthreena for the cover