[21];

490 40 9
                                    

[21];

Tiffany's POV

Andito na kami sa pag gaganapan nang MAMA. Hindi na to panaginip. Totoo na to and I'm quite excited!

Bawat grupo ay may sariling practice room bukod sa dressing room.

"TIFFANY!" Nagulat ako at binaba ko ang telepono ko nang may sumigaw mula sa labas.

Si Luhan.

"Ayan tinatawag ka na nang kalandian mo! Labas!" Sooyoung kaya inirapan ko lang sya.

"TIFFANY!" Sigaw ulit ni Luhan kaya medyo kinabahan ako.

"Labas ka na nga best! Baka may importanteng kailangan ang boyfriend mo!"

Agad naman akong lumabas at nagulat nang yakapin nya ako nang mahigpit.

"Ano problema?" Tanong ko at niyakap sya pabalik.

"I'm scared to loose you. Baka mamatay ako pag nawala ka sa buhay ko." Sabi nya at hindi parin humiwalay sa pagkayakap.

Humiwalay ako sakanya at tiningnan sya sa mata habang hawak ko ang magkabilang pisngi nya.

"Hindi yun mangyayari. Hinding hindi ako maawala sa buhay mo, okay?" Nakangiti kong sabi.

Nagulat ako nang bigla nya akong hinalikan sa labi.

"Enjoy your last moments with him, my dear cousin." Napatingin kami pareho sa nagsalita.

Si Hyuna, nanaman.

"Best, hayaan mo muna sila! Konting panahaon nalang naman ang natitira sakanila." Chorong.

"What's up hyung? Matagal tagal narin tayong hindi nagkikita ah!" Nagulat ako nang dumating si Chanyeol.

Hinigpitan ko ang kamay ni Luhan dahil sa takot.

"Oh hey, sweetheart!" Chanyeol at lumapit sakin pero hinawakan ni Luhan ang braso nya.

"Bǎohù de nán pèng yoù eh?" (Protective boyfriend eh?) Pagsulpot ni Kris.

What?

"Alien language? Action moment eh! Malapit na mag bang bang bang bang tas biglang magaalien si Baba one? Epal! Sino makakaintindi sakanya? Sayang naman!" The hell Hyoyeon?

"Completo ang squad! The fantastic four!" Walang kwentang Key.

"Wǒ bǎohù de shì wǒ de!" (I protect what is mine!) Galit na sabi ni Luhan kay Kris.

Anong konek ni Kris?

"Tiffany may sasabihin ako.." Umiiyak na sabi ni Jessica.

"Tsk. Jessica didn't tell you, Tiffany?" Kris.

"What? Naguguluhan ako! Guys! The hell is happening here?" Paglabas ni Taeng mula sa dressing room namin.

"Oo nga! Luhan, Kris, Jessica? Ano nangyayari?" Tanong ko.

"Chorong, Chanyeol, tara na muna. Pagusapin natin sila." Hyuna at nag flip hair.

"Wow! Kunyari mabait? Gege. Let's go Chanyeol babes!" Chorong at hinila si Chanyeol.

"Okay? Ano nangyayari dito?" Tanong ko pag pasok namin sa dressing room nang exo.

"Let me exp-" Pinutol ni Kris ang sasabihin nang girlfriend nya.

"Hindi mo talaga sinabi? Anong kaibigan ka Jessica?" Nakasmirk na sabi ni Kris.

"Girls.." Umiiyak na si Jessica

That capre is hurting my friend with his words.

"Kris, why are you treating your girlfriend like this?" Galit na saad ko at lumapit kay Jessica pero hinila ako ni Luhan.

"Wag ka lumapit dyan. Traydor yan." Galit nyang sabi kaya nagulat kaming mga babae. Mukhang alam na nang Exo.

"What the hell? Luhan ano ba! Kaibigan ko si Jessica! Kilala ko sya! Mabuti syang tao!" Sabi ko.

"Tiffany, hindi ako mabuting tao. Sorry. Nagsisisi ako sa desisyon ko but I have to do this. Konting panahon nalang, aalis na ako sa grupo na to. Mahal ko kayo pero kailangan ko tong gawin. I'm so sorry girls." Umiiyak na sabi ni Jessica.

"UNNIE!" Sabay na sigaw nang mga iba pa naming ka members na napaiyak narin.

Ako naman tulala lang.

Isa sya sa mga pinaka close sakin.

Minsan kahit paghinga ko, kinukwento ko sakanya.

"You've got to be kidding me! Hindi ka aalis!" Sigaw ni Taeyeon.

"I'm sorry.."

"Bakit ba? Ano ba ang ginawa mong masama?" Yuri na umiiyak.

Niyakap nalang sya ni Kai at hinaplos haplos ang likod.

"Madami! Sobrang dami! Madami akong kasalanan sa inyo! Lalo na sa isa sa inyo. I'm sorry!"

"Noona, may solusyon naman! Mapapatawad ka naman nila noona!" Suho pero umiling lang si Jessica.

"Magpapahangin lang ako. Hindi naman ako aalis ngayon." Sabi nya at ngumiti nang peke bago lumabas agad syang sinundan ni Kris na naka smirk.

Nabalot ang buong room nang katahimikan.

"Hindi ko maintindihan." Bulong ko at pinatong ang ulo ko sa balikat ni Luhan.

Hinalikan nya lang ang ulo ko at nagbuntong hininga?

Bakit parang may alam sya? Hay. Wala naman siguro.

He'd tell me kung may alam sya.

"Bakit ganon?" Bulong ko ulit at pumatak na ang unang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"I'll tell you later.." Sabi nya sakin at kinuha ang kamay ko. "Basta just promise me na whatever happens, magkasama tayo." Tumango lang ako.

--

Pagkatapos nang event, umuwi na kami.

Buong byahe tahimik. Kahit sila Chen at Hyoyeon hindi umiimik.

Kasama namin si Chanyeol dahil pinilit nang manager nila.

"Girls, andito na tayo. Baba na kayo. See you tomorrow!" Xiumin kaya nagsibabaan kami.

"Babe, I love you! Forever." Ewan ko ba pero parang medyo kinabahan ako sa sinabi ni Luhan.

Hinalikan nya ako sa labi kaya lalo ako nakaramdam nang takot.

"I love you too. Tawagan mo ako pag nakauwi na kayo! Goodnight!" Sabi ko at ngumiti nang pilit. Sobrang kinakabahan ako.

Pumasok na kami sa dorm namin.

Humiga ako sa kama namin ni Jessica.

"Tiff. Hindi muna ako dito tutulog. Dun muna ako sa living room." Sabi nya at ngumiti nang mapait.

"Sica waeyo? Ano problema? You can tell me.." Malungkot na saad ko.

"I can't. Sobrang daming problema!" Sabi nya at lumabas.

Napabuntong hininga nalang ako.

"AAHHH!" Sigaw ko. I'm frustrated.

Pumikit ako at naalala ko lahat nang mga moments kasama si Sica.

Lahat nang kwentuhan, tawanan at yung mga deep conversation namin pag may problema.

She's been always there for me.

After Taeyeon, sya na ata ang isa ko pang best friend.

Bakit biglaan?

Ayos naman kami ah.

Napatigil ako sa kakaisip nang biglang tumawag sakin si Luhan.

"Babe, nakauwi na kayo?"

"TIFFANY! MANAGER TO NANG EXO. BILISAN NYO. NAAKSIDENTE SILA. SI LUHAN ANG PINAKA MALALA ANG LAGAY."

•••

Thanks to cgthreena for the amazing book cover <3

btw thanks for readiing :) Wala masyadong Lufany moments kasi namiss ko si Sica, hueee :(

The Behind The Scenes of a Perfect Love Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon