[24];

490 34 11
                                    

[24];

Tiffany's POV

Nagising ako nang may gumalaw sa buhok ko.

Mumulat ako at nakita ko si Luhan na nakangiti.

"May problema ba? May kailangan ka?" Derederetso kong tanong sakanya pero umiling lang sya.

"Kakain na daw." Tumingin ako sa bintana. Gabi na pala.

Agad akong tumayo at inalalayan ko sya.

"Wait." Saad nya bago kami makalabas nang pinto. "Girlfriend nga kita?" Masaya nyang sabi kaya napangiti ako.

"Oo nga!"

"Hindi nga? Seryoso? Baka naman sinabihan ka nang Exo na magpanggap na girlfriend ko para mapasaya ako?"

Napangiti lang ako sa pagka childish ni Luhan.

Lumapit ako sakanya at tumiad para makalebel nang mukha nya ang mukha ko.

I then close my eyes and kiss him pero smack lang.

"Mahal kita. Okay?" Sabi ko at nginitian sya.

Aalalayan ko sana sya para lumabas pero tumigil sya sa paglalakad.

"Medyo bitin eh." Sabi nya at nagulat ako sa sunod nyang ginawa.

He came closer.

His soft, red lips landed on mine.

Napapikit nalang ako para lalo kong mafeel.

Parang nanlalambot ako sa bawat halik nya.

Nanghihina ang binti ko. Gusto ko man humawak sa batok nya, hindi ko magawa kasi baka mahulog kami dahil nga may cast yung isa nyang leg.

Bakit ganon? Everytime na hinahalikan nya ako, parang first time.

Nang maubusan kami nang hininga, medyo nilayo nya ang mukha nya.

"Nagbilang ako. 10 seconds. Sabi ko pag bago mag 10 seconds lumayo ka, hindi kita girlfriend bago ako nagka amnesia." Seryoso nyang sabi.

Napangiti naman ako nang maalala ko yung 10 seconds namin dati.

"Nakailang seconds tayo?"

"Hindi kita girlfriend." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Naka 30 seconds tayo. Pag 10 girlfriend. Pag 20 fiancee. Dahil naka 30 tayo, asawa kita. Let's eat wifey!" Sabi nya kaya napatawa lang ako at tinulungan syang bumaba.

Pagbaba na pagbaba namin nagulat ako sa nakita.

Hyuna.

Inaaway sya ng mga babae samantala ang mga lalaki nakatingin lang.

"Alam mo bang bawal ang ahas at hipon dito? Paano ka pa kaya? Ahas  na, hipon pa! 2in1! Alis!" Inis na saad ni Taeyeon.

"Sa ganda kong to, ahas at hipon?" Hyuna at nagflip hair kaya napatawa silang lahat maliban kay Chanyeol at Kris na napangiti lang nang konti.

Tinatago pa nang dalawang kapre na to! Tawa na mga tsong!

I think napilitan lang sila for some reason.

I know them since pinanganak kami.

"Lucky you hindi umiimik o tumatawa ang salamin. Baka madepress ka bigla sa sasabihin nya sayo!" Hyoyeon at umiling iling kaya sumama ang tingin ni Hyuna.

"Alam mo, Hyuna? Maganda ka naman sana eh kaso andyan yung punyeta mong mukha kaya wala na. Maganda ka talaga kung walang ulo!" Yuri kaya napatawa ulit sila
at kahit na si Luhan.

The Behind The Scenes of a Perfect Love Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon