[8];
Tiffany's POV
Andito kami ngayon ni Luhan sa isang famous italian restaurant.
Sabi nya masarap daw dito. Isa daw to sa mga pinakamasasarap na kainan dito sa Beijing.
"Babe, ito daw ang pinaka masarap na dish nila dito. Mushroom pasta with cream atsaka itong fiorentina steak." Sabi nya habang nakatingin sa menu.
May mga sinasabi pa sya pero hindi ko masyado napagtuunan nang pansin kasi nakatingin lang ako sakanya. Ang gwapo talaga nya.
"Alam kong gwapo ako pero dahan dahan sa pagtingin! Baka matunaw ako!" Natatawang sabi nya kaya inirapan ko sya.
"Ano sabi ko sayo? Pag inirapan mo ako, anong maaring mangyari?" Nakasmirk na sabi nya kaya nanlaki ang mata ko.
"Hindi na po mauulit." Sabi ko at nginitian sya.
Napailing naman sya habang nakangiti at tiningnan ulit ang menu.
At the end umorder kami nang isang pasta carbonara, mushroom pasta, fiorentina steak and straciate steak. Kumuha rin kami nang isang millefoglie cake which is the best cake daw nila.
Habang kumakain kami ramdam ko na nakatingin sya sakin kaya tiningnan ko sya.
"Ang tagal kong hinintay ang araw na to. I'm happy na magkaayos na tayo." Sabi nya kaya napangiti ako.
"Me too. Pero Luhan, bakit mo ginawa yun sakin? May nagawa ba akong masama?" Tanong ko sakanya pero ngumiti lang sya nang mapait.
"She wanted to hurt you. I didn't want you to be hurt." He explained.
"Sinaktan mo parin ako." Sabi ko.
"I know. Sorry. I'm really sorry." Sabi nya at tiningnan ako sa mata. He's really honest.
"Ano ka ba? Past na yun! Ang importante, ayos na tayo ngayon." Sabi ko sakanya kaya napangiti sya.
Nang makain na namin yung pasta at yung steak, dumating na yung dessert namin.
"Say 'aahh'!" Sabi ni Luhan habang hawak yung tinidor na may cake.
Natawa lang ako at binuksan ang bibig ko.
"Good girl, baby!" Masayang sabi nya.
"Baby! Aha! Here comes the airplane!" Sabi nya habang kinakanta yung line ko sa I Got A Boy at sinusubuan ulit ako.
"Ano ako bata?" Medyo inis kong tanong sakanya.
"No but you're my baby." Sabi nya at nag wink.
Namula ako kaya tumingin ulit ako sa pagkain at napangiti.
"Kinikilig ang baby ko!" Pagloko nya sakin.
"Ako? Pft. Hindi noh!" Sabi ko pero hindi parin nakatingin sakanya.
"Hindi ka kinikilig sakin? Tsk. Buti pa sila Hyun-" Pinutol ko ang sasabihin nya nang tumabi ako sakanya at niyakap with just one hand.
"Please Luhan. Masasaktan ako pag tinuloy mo ang sasabihin mo." Seryoso kong sabi kaya hinalikan nya lang ang ulo ko at pinulupot ang braso nya sakin.
"Sorry. I keep on hurting you. I'm sorry." Sabi nya.
Tiningnan ko lang sya at hinalikan sa labi.
"I love you." Sabi ko after kissing him.
"I love you too." Pagkasabi nya nun hinalikan nya ulit ako.
Pagkatapos namin kumain, nagaya ako sa mall.
BINABASA MO ANG
The Behind The Scenes of a Perfect Love Story
FanfictionWhat is the relationship that a loveteam has behind the scenes? Sa harap nang camera, perfect couple. E sa likod nang camera? Are they being sweet for the fans or may nabubuo na talaga? Thanks to: @cgthreena for the cover