Some parts of this story are based on a true to life story. Pero di ko sasabihin kung aling part. HAHAHA :p
Enjoy! -pat
-
CLOUD
It's 3am pero gising na gising pa din ang diwa ko. I can't sleep. Pano ka makakatulog kung ang naririnig mo ay bangayan ng dalawang tao?
"Tangina! Bat ba umuuwi ka pa dito?!"
"Baka kasi bahay ko din to?!"
"Simula nung nambabae ka, di ka na dito nakatira tarandato!"
My sister and her husband. They're always fighting. Lalo na tuwing ganitong oras kasi kakauwi lang ng asawa ng ate ko.
Sino ba naman di magagalit kapag nalaman mo na may babae ang asawa mo? At yung bestfriend mo pa yung babae niya. So cliche right?
Bumangon ako at nagpunta sa veranda. Napaka-peaceful dito. Unlike sa loob ng kwarto ko, sobrang ingay.
Tumingin ako sa langit. Clouds.
Natawa ako sa naisip ko. Dyan ang pinangalan ni mama. Sa ulap. My name's Cloud. I'm a 15 year old girl na sobrang gulo ng buhay. Ewan ko ba kung bat Cloud ang pinangalan sakin.
My mom's a fashion designer. Si ate naman, may sarili siyang restaurant. Yung asawa ni ate, nagtatrabaho sa isang kumpanya dito sa Pilipinas. Si papa? Wala na si papa. Ang sabi sakin ni mama, nagkasakit daw si papa kaya namatay.
"Matulog ka na nga!"
"Kanina pinapaalis mo ako tapos ngayon pinapatulog mo na ako?!"
"So ano gusto mo?! Lumayas na talaga dito?!"
"Hindi! Eto na nga matutulog na!"
They're always like that. Mag aaway tapos biglang magbabarahan then boom, okay na ulit sila.
Tsaka sila matatapos kung kelan di na ako inaantok. How great.
I'm Cloud and welcome to my world.
-
:)
