TRATC 20

9 0 0
                                    

Nagbibigay na ako ng mga clue. :)

Enjoy! -pieyti

-

CLOUD

Monday nanaman. Andito pa ako sa kwarto ko at nakahiga pa din. Tinatamad pa akong bumangon. Pero kailangan kasi exam na namin sa isang araw. "Kain na, Cloud!" Sigaw ni ate habang kumakatok sa pinto. "Oo na!" Sigaw ko pabalik sakanya. Wala ako sa mood eh. Ewan ko ba. Bumangon na ako at gumayak na.

Pagkababa ko, nakahain na ang almusal. Umupo na ako at nag umpisang kumain. "Wala si kuya Anjo ngayon, Cloud." Sabi ni Mama saakin. "Sino maghahatid sakin?" Tanong ko sakanya. "Mag commute ka nalang." Sagot ni Mama saakin. Napasimangot naman ako. Ayoko mag commute eh. "O kaya maglakad ka." Sabi pa ni Mama. Fine, maglalakad nalang ako. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain, umakyat na ulit ako para mag toothbrush at para kuhanin ang mga gamit ko. Pagkatapos ay bumaba na din ako para makapaglakad na. Madadaanan ko pala ang bahay nila Rain. Pero mukhang wala na siya kasi wala na yung kotse niya dito. Baka pumasok na. Nagpatuloy ako sa paglalakad at maya maya pa'y nakarating na ako sa school.

Naglalakad ako ngayon dito sa hallway ng makita ko si Rain na nakikipagtawanan kay Koru. Agad naman akong napasimangot sa nakita ko. Bakit sila magkasama? Sabi ko sa isipan ko. A/n: Yung mga walang " ganyan eh ibig sabihin nasa isip nila okay? Hahahaha okay.

Di ko nalang pinansin at naglakad na ako papunta sa classroom namin. Ilang minuto pa'y pumasok na si Rain na may malawak na ngiti. "Goodmorning, Cloud!" Masayang bati niya saakin. "Morning." Tipid kong bati sakanya. "Kamusta tulog mo?" Tanong niya saakin. "Ayos lang." Sagot ko. "Sorry pala! Dapat isasabay kita kanina kasi nalaman kong wala yung driver niyo. Pero tinext kasi ako ni Koru eh." Sabi niya saakin. "Okay." Simpleng sagot ko sakanya. Baka may pake ako? Bwisit tangina. "Cloud, ano tingin mo kay Koru?" Tanong niya saakin. Napatingin naman ako agad sakanya. "Bakit?" Tanong ko pabalik. "Parang crush ko kasi siya eh." Sabi niya sabay ngiti. Tangina Rain wala akong pakielam sa crush mo. Tumango nalang ako at nag iwas ng tingin. "Okay lang ba sayo?" Pahabol niyang tanong. "Bat tinatanong mo ako?" Di ko pa din siya tinitignan. "Eh kasi parang bestfriend na kita eh." Sagot naman niya. Di nalang ako kumibo. Bestfriend nanaman.

RAIN

Bat parang wala sa mood tong si Cloud? Hay. Hayaan na nga lang. Basta masaya ako sa nangyari kaninang umaga. Inamin kasi saakin ni Koru na crush niya ako. Noong una'y nahihiya pa siya. Di ko alam pero ang saya ko talaga. Di ko alam kung crush ko din ba siya. Pero alam ko kung ano kasunod neto. Crush ko na nga ata siya. Ilang minuto pa'y dumating na ang teacher namin. Nag simula na siyang mag discuss. Napapatingin ako kay Cloud at nakita kong parang wala dito ang isip niya. May problema ba to?

Makalipas ang dalawang subject ay recess na. "Cloud, sabay na tayo?" Tanong ko. Hindi niya ako pinansin at naglakad na siya palabas ng classroom. Ano ba nangyari don? Naiinis na ako ah.

Sinundan ko lang siya hanggang sa canteen. Pagdating ko don, nakita ko siyang nakaupo kasama ang mga tropa ko at nakabusangot siya. Ano ba talaga problema mo? Agad akong lumalit don at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Cloud. "Uy par!" Bati ni Tris saakin at nakipag apir. Ganon din ginawa nila Aki, Jakob, at Trans. "Hi Cloud!" Bati ko sakanya. Tumango lang siya at tuloy pa din sa pagkain.

Makalipas ang ilang minuto, "Mauna na ako. Bye guys." Paalam ni Cloud at naglakad ng mabilis palabas ng canteen. "Ano nangyari don?" Tanong ni Jakob. "Sundan ko lang." Sagot ko naman at tumayo na para sundan siya.

"Cloud!" Sigaw ko sabay hawak sa braso niya. "What?!" Sigaw siya sabay alis ng kamay ko sa braso niya. "Ano ba problema mo?!" Di ko na naiwasan na pagtaasan siya ng boses. "Ewan ko!" Sigaw niya sabay talikod. "Ano ba, Cloud?! Mukha ba akong manghuhula?! Ano ba kasi ang problema mo?!" Mariin kong sabi sakanya. Agad naman siyang humarap saakin at nagulat ako kasi umiiyak na siya. Shit. "HINDI KO ALAM! TANGINA YOU TELL ME! IKAW MAGSABI SAAKIN KUNG BAKIT KASI PUTANGINA GULONG GULO NA AKO!" Sigaw niya at tumakbo paalis.

Parang kumirot ang puso ko nung nakita ko siyang umiiyak. Ano ba nangyayari sayo, Cloud? Bat ka nagkakaganyan?

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon