TRATC 17

10 1 0
                                    

May naisip na akong plot at may ending na din ;) Pero huwag muna tayo don mag focus! Enjoy muna tayo sa mga mangyayari pa kila Rain at Cloud. HAHAHAHA ;)))

Question:
Ano gusto mo? Happy endings? O hindi?

Enjoy. ;)

-

CLOUD

Nang nalaman kong may sakit si Rain ay nakaramdam ako ng pag aalala. Medyo naguilty ako sa nangyari kahapon.

Naalala ko yung eksena kaninang recess. Dalawang beses siyang bumanat. Dalawang beses din akong kinilig. Oo na, crush ko na ata si Rain. Putek.

Naglalakad ako ngayon dito sa hallway dahil uwian na namin. Wala ang teacher namin sa last subject kaya pinauwi nalang kami kesa nakatambay daw kami dito. Habang naglalakad ako, nakita ko si Rain na nakaabang sa may gate. Parang may hinihintay. Hinihintay niya siguro yung babae na nakabanggaan niya kanina. Bulong ko sa sarili ko. Agad naman akong napailing. Selos ka lang eh. Puta hindi ako nagseselos.

"Uy Cloud!" Masaya niyang bati saakin. "Hi Ulan!" Sabi ko sabay kaway sakanya. "Uuwi ka na ba?" Tanong niya saakin. "Oo eh. Bakit ba?" Tanong ko din sakanya. Napakamot naman siya sa ulo niya. Alangan sa ulo ko diba? "Tara mag mall?" Sabi niya na parang nahihiya. Natawa naman ako sakanya. "Sige ba!" Sabi ko. Parang nagliwanag naman ang mukha niya. "Sige! Dun nalang tayo sa sasakyan namin." Sagot niya sabay ngiti. Tumango naman ako. "Okay. Pero kausapin ko lang saglit driver namin. Susunod nalang ako sa sasakyan niyo." Tumango din siya at nagpunta na ako sa sasakyan namin. "Kuya, hindi na ako sasabay pauwi. Text ko nalang si Mama." Sabi ko kay kuya Anjo. "Sige po. Ingat ka." Sagot naman niya. Ngumiti nalang ako sakanya at nagpaalam na.

Nagpunta na ako sa sasakyan nila Rain. Nang maabutan ko siyang may kausap.

Yung babaeng nakabanggaan niya kanina.

RAIN

Ang tagal naman ng babae na yon? Habang naghihintay ako, lumapit saakin si Koru. "Hi!" Sabi niya sabay kaway saakin. Naalala ko si Cloud. Napatingin naman ako sakanya. "Hi din." Sagot ko naman. "Saan ka pupunta?" Tanong niya na may malaking ngiti. Laki ah. "Ah, sa mall lang." Kako naman sakanya. "Talaga?! Pupunta din kasi ako don! Sabay nalang tayo!" Sabi niya sabay palakpak. "Ha? Ah, sig-" Di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi may tumawag saakin.

"Ulan!" Sigaw ni Cloud at lumapit papunta dito. "Uy Ulap!" Sabi ko sakanya. "Tara na?" Sabi niya sabay tingin kay Koru. "Hi!" Bati din niya kay Koru. "Hello." Masungit na sabi ni Koru. Hala bat biglang naging ganito to? "Cloud, si Koru nga pala. Koru, si Cloud." Pakilala ko sakanila. Naglahad naman ng kamay si Cloud, "Hi! Nice meeting you." Sabi niya. "Same to you." Sabi ni Koru at tinanggap ang kamay ni Cloud.

"Tuloy pa ba tayo, Rain?" Nakangiting tanong ni Koru saakin. Agad naman akong napatingin kay Cloud na seryoso ang mukha na nakatingin din saakin. "Okay lang ba na sumama siya, Cloud?" Tanong ko. "Sige lang." Sabi naman niya at pumasok na sa sasakyan. "Tara." Sabi ko kay Koru at pinagbuksan siya ng pinto.

Habang papunta sa mall, napansin ko na ang tahimik ni Cloud at nakatitig lang siya sa bintana. (A/n: Hi kay Vin hehe miss you)

Nang makarating kami sa mall, kinausap ko si Cloud. "Saan mo gusto pumunta?" Tanong ko ng nakangiti. "Ewan ko. Ikaw nag aya dito diba?" Sabi niya nang hindi ako tinitgnan. Bat ba ang sungit nito? "Rain, samahan mo naman ako oh." Sabi ni Koru. "Ha? Eh kasama ko si Cloud." Sagot ko sakanya. "Eh kaya na niya ang sarili niya." Sabi niya sabay simangot. "Okay lang ba?" Tanong ko kay Cloud. "Sige. Uuwi naman na din ako. Bigla sumama pakiramdam ko eh. Enjoy." Sabi niya at naglakad na palabas ng mall.

Ano nangyari don?

"Tara na, Rain?" Sabi ni Koru. Tumango naman ako at naglakad na kami.

Habang naglalakad kami'y nakatanggap ako ng text mula kay Cloud.

From: Cloud

Help me stop this feeling. I hate it.
-
My head hurts asf ._. Off text.
G. //suolaej

GM pala. Rereplyan ko sana pero off text naman daw. Pero rereplyan ko pa din.

Ayos ka lang?

Ilang minuto pa ang lumipas ay wala akong natanggap na reply sakanya.

"Rain, nakikinig ka ba?" Naka-pout na sabi ni Koru. Agad naman akong napatingin sakanya. "H-ha?" Sagot ko. "Sabi na hindi ka nakikinig eh. Sabi ko, kaano ano mo ba yung Cloud na yon?" Sabi niya saakin. "Kaibigan ko." Sagot ko naman. "Mabait ba siya?" Tanong niya pa. "Oo naman." Sagot ko ulit. Tumango nalang siya at nanahimik nalang.

CLOUD

Pagkauwi ko sa bahay, sumalubong saakin ang mukha ni ate. "Bat kaaga mo?" Tanong niya. "Walang teacher. Akyat na ako." Sagot ko naman at umakyat na. Humiga ako agad sa kama ko at nag-GM. Agad namang nagreply ang bestfriend ko. Si Zero.

*text conversation*

Zero: What happened?

Cloud: Hi! Guess what? May sakit siya. At dahil don naguilty ako sa pag iwas na ginawa ko.

Zero: So ano plano mo?

Cloud: Irdk. Tas inaya niya akong mag mall kanina. Akala ko kaming dalawa lang. Pero may inaya pala siyang iba.

Zero: Selos ka naman?

Cloud: Ayoko! Ayoko magselos. Hindi ako pwede magselos. Kasi sino naman ako para magdemand sakanya diba? Wala ako karapatan magselos.

Zero: Meron kang karapatan kasi meron kang nararamdaman.

Cloud: Pero hindi pwede. Ano lang ba ako sa buhay niya? Kaibigan niya lang naman ako. KAIBIGAN LANG.

Zero: Alam mo kung bat tayo nasasaktan? Kasi minamahal natin yung mga taong dapat ay kaibigan lang :)

Cloud: Pakyu :)

Zero: Akala ko ba 'like' palang? Pero bat may ganyan ka ng nararamdaman?

Cloud: Para ba sa 'like' lang ang selos? Feelings pa din naman pinag uusapan kahit 'like' lang diba?

Zero: Well yeah. Pero mas maganda siguro kung aaminin mo na sakanya.

Cloud: Alam mo ba ang sinasabi mo? Masisira friendship namin at ayokong mangyari yon.

Zero: Alam na alam ko! Pero matagal ng sira ang friendship niyo. Simula ng maramdaman mo na 'like' mo siya, nasira na ang friendship niyo. Kasi sa bawat bagay na gagawin niya ay nilalagyan mo na ng malisya. Bawat banat niya ay bibigyan mo ng meaning. Kikiligin ka pa kahit alam kong ginagago ka na. Wala naman mawawala kung ittake mo yung risk. Oo, mawawala yung friendship niyo. Maaaring iwasan ka niya. Pero ano ba yung una mong naisip nung nagkaroon ka ng feelings sakanya? Diba naisip mong iwasan siya? Huwag kang matakot mawala ang friendship niyo. Matakot ka kapag nagsisi ka sa huli kasi hindi mo inamin yang nararamdaman mo.

Cloud: Hindi naman kasi ganon kadali ang lahat! Mahirap para saakin kasi siya lang ang pinakaclose ko. Tsaka kanino ako sasama sa school? Alangan namang kila Trans eh tropa niya din yon! Buti sana kung andito ka sa tabi ko. Mas makakakuha pa ako ng lakas ng loob umamin sakanya. Pero sino nalang sasandalan ko kapag umiwas na siya? Tsaka 'like' lang naman. Parang ang babaw kung icoconfess ko sakanya.

Zero: Like lang naman pala pero bat ganyan ka makareact? :p

Hindi na ako nagreply sa text niya. Kahit sa text ni Rain ay hindi ako nagreply.

Kaya ayoko na ulit mainlove eh. Sakit lang dala nito sa puso ko. Pampagulo pa ng isip. Di mo alam kung saan ka lulugar. Ang kumplikado ng lahat. Sana paggising ko, wala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sana paggising ko, wala na akong feelings sakanya. Kasi alam kong ako lang mahihirapan dito. Lalo na kapag nalaman niya ang totoo.

---------

Clue: Volcano ;)

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon