Magandang buhay pero mas maganda ako. HAHAHAHAHA😂
Enjoy reading guys! Don't forget to vote and comment para mas ganahan tayong lahat! Hahaha mwapz.
-
CLOUD
Andito kami ngayon sa Batangas. Sunday na ngayon at ngayon ang araw na uuwi na kami. Yesterday was so fun. Talaga namang nag enjoy kami.
Uuwi na pala si papa this week. Napagplanuhan nila ni Mama na magbabakasyon kami sa States for two weeks. Pero siguro daw ay after nalang ng exam namin this month. Andito ako ngayon sa kwarto namin nila Mama at inaayos na ang mga gamit ko. Wala sila Mama dito kasi bumibili na sila ng mga pasalubong.
Binilan ko na din si Rain at ang tropa niya ng pasalubong. Tshirt ang naisip kong ibigay sakanila dahil yon lang ang nakikita kong matino dito. Alangan namang key chain ang ibigay ko diba? "Cloud, nakaayos ka na ba?" Sabi ni Mama na kakapasok lang sa may pinto. "Patapos na, Ma. Nakabili na kayo?" Tanong ko habang tuloy pa din sa pag aayos. "Oo. Ang dami ngang nabili ng ate mo eh." Tumango nalang ako at tuluyan ng naayos ang mga gamit ko. "Sa labas na ako, Ma." Sabi ko kay Mama at lumabas na. Habang naglalakad ako, may nakita akong bench na nakaharap sa may dagat kaya umupo muna ako don. Naramdaman ko naman na may nagtext saakin kaya tinignan ko kung sino iyon. Agad naman akong napangiti ng makita na nagtext si Rain.
*text conversation*
Rain: Hi po ate
Cloud: hey
Rain: San na kayo?
Cloud: Sa puso mo
Rain: WOW ASAN SI CLOUD ANO GINAWA MO SAKANYA ILABAS MO ANG TUNAY NA CLOUD!!!!!!
Cloud: Nababaliw ka na ata
Rain: Baliw sayo baby
Cloud: Balik sanggol nanaman ._.
Rain: Pero seryoso nga asan na kayo?
Cloud: Andito pa din pero pauwi na kami. Hinihintay nalang namin si ate.
Rain: Ano na pangalan ng ate mo?
Cloud: Star. Bakit?
Rain: Eh ikaw?
Cloud: Cloud. Ano ba?
Rain: Wala ka bang bunsong kapatid?
Cloud: mukha bang meron?
Rain: Ako naman tanungin mo!
Cloud: Ano pa itatanong ko sayo?
Rain: Kung bat ang gwapo ko?
Cloud: Ah talaga?
Rain: Ako lang naman si Rain Alexander.
Cloud: Baka may nagtanong?
Rain: Sorry wrongsend
Cloud: Hahahaha :p
Rain: Ang saya mo na nababara ako
Cloud: Yes naman
Rain: Pasalamat ka maganda ka
Cloud: Thank you so much
Rain: WOW CLOUD IKAW BA YAN
Cloud: Of course :p
Rain: Miss na kita baby :(
