CLOUD
Goodmorning peeps! Ito pala ang araw na mag eexam na ako. Syempre nagreview ako kagabi. Di naman pwede na kalimutan ko nalang yon kasi medyo mahirap din yung exam namin eh.
Andito pa din ako sa kwarto ko dahil kakagising ko lang. 6:30 palang naman at 8 pa ang pasok namin.
Naramdaman kong may nagtext saakin.
*text conversation*
Rain: Good morning!
Cloud: Morns :)
Rain: Uy Ulap! GM yan pero good morning na din sayo :)
Cloud: Ah okay
Rain: Kamusta naman bakasyon niyo?
Cloud: Ayos lang
Rain: May sasabihin pala ako sayo
Cloud: What?
Rain: Namiss kita!
Cloud: Haha :)
Rain: May isa pa!
Cloud: Ano yon?
Rain: Mamaya nalang. Sabay na tayo pumasok?
Cloud: Bakit?
Rain: Namiss kita eh!
Cloud: Okay :)
Cloud: Kain lang ako. Bye.
Di ko na hinintay yung reply niya at bumangon na. Siguro sasabihin na niya yung tungkol don.
Bumaba na ako para kumain ng breakfast.
"Goodmorning." Bati ni ate saakin. Binati ko din siya pabalik at nagpatuloy lang ako sa pagkain. "Kamusta tulog mo?" Tanong ni Mama. "Ayos lang." Buti nga di na nag aaway si ate tsaka yung asawa niya eh.
Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa taas para mag ayos.
-
Makalipas ang ilang minuto'y nakagayak na ako. Bumaba na ako dahil narinig ko na ang busina nung sasakyan ni Rain.
"Goodmorning!" Masayang bati niya saakin. Nginitian ko naman siya at umupo na sa harapan. "Morning." Tipid kong bati.
"Bat parang ang tamlay mo?" Tanong niya habang nagmamaneho. "Wala, di lang ako masyadong nakatulog." Sagot ko naman. "May sasabihin pala ako." Sabi niya. Tumango nalang ako dahil alam ko naman na kung ano yon. "May nilili-"*kring kring*
Di na niya natuloy yung sasabihin niya dahil may tumawag sakanya. "Hello? Papasok palang, Koru. Kasabay ko si Cloud. Ha? Wag kana magselos. Alam mo naman na ikaw lang diba? Sige. See you." Okay. Kunwari di ko narinig. Aru aru.
Saktong pagbaba niya nung tawag ay andito na agad kami sa school. Pagkahinto palang niya nung sasakyan ay bumaba na ako agad na walang iniiwanang salita.
Naglalakad ako ngayon dito sa hallway nang biglang sumabay maglakad saakin sila Aki. "Magandang buhay!" Sabay sabay nanaman nilang bati. Ngumiti nalang ako ng peke sakanila. "Ngingiti ka pa dyan eh peke naman." Sabi ni Jakob. "Mas maganda ng ipakita niyang masaya siya kesa ipakita niyang nalulungkot siya." Sagot naman ni Aki. "Pero walang mangyayari kung di mo ipaglalaban yang nararamdaman mo." Sagot naman ni Tris. "Bat may mangyayari ba kasi talaga?" Sagot ni Trans.
"Pwede ba, walang mangyayari kung ipaglalaban ko. Di naman niya ako kayang mahalin kasi mahal niya ang kalaban ko dito. Kaya maging masaya nalang tayong lahat para sakanya. Kahit peke lang." Sagot ko naman sakanilang lahat. Nanahimik naman sila at napatango nalang.
Naglakad na ulit kami at nakarating na sa classroom. Wala pa naman teacher kaya sumalampak muna kami sa sahig.
"May dalawang tanong ako sainyo." Sabi ni Trans. "Ano yon?" Sagot naman namin. "Kapag nasagot niyo yung dalawang tanong ko, magdare kayo sakin. Kapag hindi, ako magdare sainyo." Pumayag naman kami sa gusto niya. "Game! Unang tanong, magbigay ng dalawang isda na dalawang beses inuulit ang pangalan." Sabi niya sabay ngisi.
"Ha?" Sagot naman Tris. "Gamitin mo utak mo!" Sigaw ni Trans. "Tangina wala nga akong utak!" Sigaw din ni Tris. "Sip sip!" Agad kaming napatingin kay Jakob. "Anong sip sip?" Natatawang tanong ni Trans. "Diba may isdang ganon?" At napatawa nalang kami ng malakas sa sinabi niya. "HAHAHAHAHAHAHA PUTA SAP SAP YON PUTEK WALA KANG UTAK TSONG BILI KA SA CANTEEN PISO LANG HAHAHAHAHAHA!!" Tumatawang sabi ni Trans. Puta sip sip pa. HAHAHAHA.
"Oh isa pa." Natatawang sabi pa din ni Trans. "Magbigay ka nga ng clue." Sabi ni Aki. "Yung isa, be careful with my heart. Yung isa, bayani!"
"Sir sir?" "Chief chief?" Sabay na sabi ni Tris at Jakob. "HAHAHAHAHAHAHA PUTA ANONG UTAK MERON KAYO HAHAHAHAHAHA" Malakas na tawa ni Trans. "Ah! Maya maya!" Sigaw naman ni Aki. "Gooden!" Sigaw din ni Trans.
"Last question, isda na tatlong beses naman inuulit ang pangalan." Ha? Meron ba non? "Gago meron ba non?" Tanong ni Jakob. "Meron ah syempre!" Mayabang na sagot ni Trans. "Clue: Baha." Dugtong pa niya.
"Tinapa tinapa tinapa?" Sagot ni Jakob. Binatukan naman siya ni Tris. "Tanga! Galunggong gong gong?" Sabi ni Tris. Napatakip nalang si Trans sa kanyang mukha. "Pakyu wala naman eh!" Sigaw ni Jakob. "Gago meron nga!" Sigaw din ni Trans. "Ayoko na mag sardinas nalang tayo." Sabi ni Tris.
"HA SARDINAS!! 555 SARDINES!! YUN YUNG SAGOT NOH? KUPAL KA WALA KANG KWENTA!!" Sigaw sakanya ni Tris. Napatawa naman kami ng malakas.
"Puta edi ikaw na magaling." Sabi sakanya ni Trans. "Pano ba yan tsong, may dare ka samin ngayon." Sabi ni Tris sabay ngisi.
Lagot ka Trans.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Credits sa joke na yon kay Pastor. HAHAHAHAHA lt
