Hi, paedit naman ng cover! Hahahahhaa :-)
RAIN
Andito kami ngayon ng mga tropa ko sa mall. Sayang lang kasi di nakasama si Cloud. Masakit daw puson eh. Kaya siguro wala din siya sa mood kanina. Nag iikot lang kami dito sa mall. Ewan ko ba dito kay Aki kung bat biglang nag aya. "Gusto ko ng ice cream!" Sabi saamin ni Tris. "Tara sa DQ?" Pag aya naman ni Trans. Pumayag naman kaming lahat. Tutal eh gutom na din kami kasi kanina pa kami naglilibot dito. "Baka naman mabusog tayo dito?" Tanong ni Jakob. "Oo nga noh?" Sabi naman ni Tris. "Tara nalang sa McDo." Sabi ni Trans. "Ang cheap mo naman." Maarteng sabi ni Aki. "Saan ngarod tayo kakain?!" Pabulong na sigaw ni Trans. "Tara nalang kila Rain!" Sabi ni Jakob. "Oo! Tapos si Rain nalang magluto ng pagkain natin." Sabi din ni Trans. Pumayag nalang ako. Ano laban ko sa mga taong gutom diba? Sumakay na kami sa sasakyan ko at nagmaneho na ako papunta saamin.
Nang makarating kami'y napansin nila ang bahay nila Cloud. "Ang ganda naman ng bahay na 'to." Komento ni Aki. "Kila Cloud yan." Sabi ko naman. "Ay talaga?!" Sabi naman ni Jakob. "Ayain natin siya!" Sabik na sigaw nila Trans at Tris. "Hindi papayag yon. Masakit puson niya." Sagot ko naman sakanila. "Masakit puson? E parang nakita ko lang ata siya dun sa court dito na nagvovolleyball ah?" Sagot ni Trans. "Teka nga, itetext ko." Sabi ko nalang.
Ulap! Nasan ka?
"House. Why?"
Punta ka dito?
"Bat ako pupunta dyan?"
Andito sila Trans. Gusto ka makita!
"Nxt time. Sakit puson ko."
"Masakit naman daw puson?" Sabi ko sakanila sabay pinabasa yung text ni Cloud. "Baka masakit ang puson." Sabi ni Jakob habang nakatingin sa cellphone niya. "Bakit?" Sagot ko naman. "Sabi niya naman saakin "Nasa court ako. Wag ka nalang maingay sakanila."" Sabi ni Jakob. Huh? "Tawagan mo nga, Kobe." Sabi ni Tris. "Sige, ako kakausap ah? Kunwari wala kayo dito. Loudspeaker ko nalang."
*kring kring*
Cloud: Hello?
Jakob: Asan ka ba, Cloud?
Cloud: Nasa court nga.
Jakob: Tara kasi dito kila Rain!
Cloud: Ayoko.
Jakob: Bat naman?
Cloud: Iniisip niyo talaga na sasabihin ko?
Jakob: Hala kasungit mo ah?
Cloud: Bye. Next time huwag mo iloudspeaker para makausap mo ako ng maayos okay?
*call ended*
"Hala, nabuking tayo!" Sabi ni Aki. Ang galing naman ng babae na yon? "Baka naman masakit talaga puson?" Sabi ko sakanila. "Oo nga, Jakob. Wala lang yan sa mood makakita ng mga gwapo." Sabi ni Trans. "Gusto ka siguro makita, Trans?" Pabiro na sabi ni Tris. "So anong sinasabi mo, Tris?" "Tara na nga pumasok?" Singit ko sa usapan nila. Pumasok na kami sa bahay at nagpunta na sila sa may sala.
"Bro kamusta na pala kayo ni Lava?" Sabi ni Aki saakin. Agad naman akong napatingin sakanya ng nakabusangot. "Ay sorry. Sige huwag mo ng sagutin." Sabi niya sabay peace sign. Bakla.
"Wala na yon. May syota na siyang hilaw." Sabi ko habang naghahanap ng pwedeng iluto para sa mga halimaw na to. "Andyan naman si Cloud." Sabi ni Trans. "Baka Cloud." Sabi ko sabay bato ng tinapay sakanya. "Bat maganda naman siya ah?" Di ko nalang pinansin yung sinabi niya at nag umpisa ng magluto.
CLOUD
Bat ba ako inaaya ng mga yon? Wala ako sa mood makipag usap kahit kanino. Tsaka mabuti na din yung umiwas ako sa kanilang lahat. Andito ako ngayon sa court dito sa village namin at naglalaro ng volleyball. Sino kalaro ko? Yung bestfriend ko. Hindi siya taga-dito. Pinapunta ko lang siya kasi kailangan ko ng makakausap.
"Tulala ka nanaman bes." Sabi niya pagkatapos niyang uminom ng tubig. "Iniisip mo nanaman ba yung Rain na yon?" Sabi pa niya sabay upo sa tabi ko. "Hindi naman." Sabi ko habang nagpupunas ng pawis. "Ano na plano mo?" Sabi niya. "Iiwas." Sabi ko nalang. "Alam mo, Cloud. Hindi solusyon sa isang problema ang pag iwas. Kasi kapag umiwas ka, mas lalo ka lang masasaktan. Mas lalo ka lang mahihirapan." Sabi niya saakin. "Eh anong gagawin ko? Hahayaan ko nalang yung sarili ko na mahulog sakanya? Tapos ano? Kapag hindi niya ako sinalo, sisisihin ko siya kasi paasa siya? Pero ang totoo, hinayaan ko yung sarili kong mahulog." Sagot ko naman. "Bat ba kailangan mong pangunahan ang mga bagay? Hindi ba't mas masarap sa pakiramdam kung nag-take risk ka? Kasi malay mo ganon din siya sayo. Di palang niya narerealize ngayon." Napapikit nalang ako sa sinabi niya. Ang hirap naman neto.
"Alam mo bes, di naman dapat minamadali ang mga bagay eh. Mas maganda na yung sinubukan mo kesa pagsisihan mo sa huli. Tsaka base sa kwento mo, mabait na tao si Rain. Hindi niya deserve na iiwasan mo nalang siya bigla." Sabi niya habang tinatap ang likod ko. Napangiti naman ako.
Maya maya ay narinig ko na may nagtext saakin. Si Rain.
*text message*
Rain: Hi
Cloud: hey
Rain: Okay ka na?
Cloud: Yep
Rain: Pwede ko ba ikaw puntahan dyan sa bahay niyo?
Cloud: wala ako sa bahay
Rain: Asan ka? Puntahan kita :)
Cloud: huwag na. kasama mo sila aki diba? dyan ka nalang
Rain: Bat mo ba ako tinataboy?
Cloud: di naman :p
Rain: Iniiwasan mo ba ako?
Cloud: may dahilan ba para iwasan ka?
Rain: Ewan ko
Cloud: Okay
Rain: Iniiwasan mo talaga ako :(
Cloud: hindi nga
Rain: Eh bat sabi mo sakin kanina nasa bahay ka tapos sabi mo kay Jakob hindi?
Cloud: big deal ba sayo yon? ._.
Rain: Kasi kaibigan kita, Cloud!
Cloud: oo nga, kaibigan mo lang naman ako. so bat ganyan ka maka-react?
Rain: Ewan ko sayo
Cloud: K
*end of conversation*
Kaibigan mo lang naman ako diba? Sana panindigan mo yon. Kasi handa akong kalimutan tong nararamdaman ko para isalba tong pagkakaibigan natin na to.
