TRATC 8

8 1 0
                                    

Binabasa ko yung Jeje Stalker tas bigla kong namiss yung mga tao na madalas kong namemention don huhu :--(

Enjooooy! -pat

Copyright © 2015 by Patrishia

ALL RIGHTS RESERVED. No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage or retrieval systerm, without the written permission of the author, except where permitted by law.

-

CLOUD

After nung last period namin sa hapon, lumabas na agad ako ng classroom at hinanap si Kuya Anjo.

Nang makita ko siya, pupunta na dapat ako don nang lumapit saakin si Rain.

"Cloud!" Tawag niya. Lumingon naman ako.

"Bakit?" Sagot ko.

"Pinapakuha pala ni Aki yung number mo. Kung okay lang daw ba?" Tumango naman ako at ibinigay yung number ko.

"Gooden! Salamat, Cloud! Ingat!" Sabi niya sabay ngiti. "Ingat ka din." Sabi ko din at tumalikod na.

Pagkasakay ko sa sasakyan, "Uy, sino yon? Manliligaw mo?" Ay andito pala si ate. "Anong manliligaw? Showbiz mo naman ate." Sagot ko sakanya. "Sus, sabihin mo sakanya bawal pa magpaligaw." Sabi pa niya. "Eh baka kasi nanliligaw?" Sagot ko naman at umiwas ng tingin.

Iba ata ang daan papunta sa bahay? May pupuntahan pa ba kami?

"Dalaw lang tayo saglit kila Lolo." Sabi ni ate. Tumango nalang ako at tumingin na ulit sa may bintana.

Makalipas ang ilang minuto, andito na kami kila Lolo. Di naman ganon kalayo. Pagpasok namin ay nag bless kami ni ate kila Lolo at Lola. "Kamusta ka na Francis?" Tanong ni Lolo saakin. Kaya ayoko dito eh. "Cloud po pangalan ko, Lolo. Pero ayos lang po ako." Sagot ko naman sakanya.

Di naman kasi ako si Francis. Mukha ba akong lalaki? "Ay, ikaw na ba si Cloud? Nako ang gandang bata!" Ez ez HAHAHAHA Nginitian ko nalang si Lolo at naupo na ako sa may upuan sa sala.

Habang nanonood, may nagtext saakin. Si Aki na siguro to.

Text message from
09123455789

Hi Cloud! :)

Rereplyan ko na sana pero naalala kong wala pala akong load. Si Aki lang siguro to. Pabayaan mo na nga.

"Sige po, Lolo. Mauna na po kami." Dinig kong paalam ni ate. Tumayo na ako at nakipagbeso-beso kina Lolo at Lola.

"Ingat kayo." Sabi nila. Nginitian ko sila at sumakay na ako sa sasakyan.

RAIN

Kakasakay palang ni Cloud sa sasakyan ay kinausap ko na agad si Aki.

"Aki!" Tawag ko sakanya.

"Bakit brad?" Tanong niya sakin.

"Itetext ko si Cloud ah? Magpapanggap ako na ikaw yung katext niya." Sagot ko naman.

"Ha? Bakit naman?" Tanong niya ulit.

"Sabi ko kasi bro na ikaw ang nanghihingi eh. Sorna, nawalan ako ng kapal ng mukha." Sagot ko sabay kamot ng ulo.

"Breezy moves mo pre. Hahahaha sige sige." Sabi niya saakin.

"Nayswan! Pakiss nga tol." Sabi ko sabay nguso at dahan dahan nilapit yung mukha ko sakanya.

"Kiss mo lolo mo! Dyan ka na nga!" Sabi niya habang tumatawa at umalis na.

Tumawa nalang ako ng mahina at naglakad na pauwi. Malapit lang naman bahay namin dito eh. Tsaka wala naman manrerape sakin dito kahit gwapo ako diba? :)

Habang naglalakad ako'y tinext ko na si Cloud pero di muna ako nagpakilala. Pero ang alam niya'y si Aki ako. Yamona.

Nandito na ako sa bahay namin nang makita ko si Cloud na bumaba ng sasakyan. Ay putek, kapitbahay lang namin sila?

Agad agad akong pumasok sa bahay at pumunta sa kwarto ko. Pagsilip ko sa binata'y katapat lang din ng bintana ko ang bintana ng kwarto ni Cloud.

Nakasilip lang akong ganon ng bigla din siyang sumilip. Mukhang nagulat pa siya pero nginitian naman niya ako.

Nginitian ko din siya pabalik.

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon