Hi guys! Sorry at medyo nagtagal HAHAHAHA Medyo lang naman hihihi.
Anw enjoy this chapter! ;)
-
CLOUD
Good morning! Charing lang. Wala palang good sa morning lalo na kapag naaalala ko yung nangyari kagabi.
*flashback*
Pagkatapos namin maglaro ng best friend ko'y nag aya na akong umuwi.
Pagkarating ko sa bahay, dumiretso na ako agad sa kwarto ko at nagbihis. Habang inaayos ko ang mga gamit ko, napatingin ako sa bintana ni Rain. Napa-buntong hininga nalang ako.
Nakatitig lang ako don nang makita kong nakatingin din saakin si Rain. Agad naman akong napaiwas at itinuloy ang pag aayos. Maya maya pa'y naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.
Text message:
Rain: Busy ka?
Cloud: Nope. Why?
Rain: Ano inaayos mo?
Cloud: ung gamit ko.
Rain: Iniiwasan mo ba ako?
Cloud: Kanina pa yan, Rain ._.
Rain: Sabihin mo nalang kasi yung totoo.
Cloud: anong totoo ba? .-.
Rain: Na iniiwasan mo ako.
Cloud: hindi nga bakit na ang kulit mo? Ano bang di mo maintindihan sa mga sinasabi ko? Ha?
Rain: Ang gulo mo, Cloud!
Cloud: ako pa ngayon ang magulo? E nagsasabi ako ng totoo tas ayaw mo maniwala sakin?
Rain: Odi sige
Aba! Psh di nalang ako nagreply dahil nawala na ako sa mood. "Anak, kakain na tayo." Dinig kong katok ni Mama sa may pintuan. "Busog pa po ako. Mauna nalang po kayo." Sabi ko sabay higa sa kama.
*eof*
Hanggang ngayon ay medyo badtrip pa din ako. Medyo lang naman. Bumangon na ako at naligo. Nagbihis na din muna ako bago ako bumaba.
"Goodmorning, Ma!" Bati ko kay Mama habang naghahanda siya ng almusal. "Goodmorning Nak! Tawagin mo na ang bituin." Sabi ni Mama. Tumango lang ako at nagtungo sa kwarto ni ate.
"Ate, kakain na!" Sigaw ko habang kumakatok sa pinto niya. "Sunod nalang ako teka lang." Sagot naman niya. Tumango nalang din ako kahit hindi naman niya nakita. Bumaba na ulit ako at nagpunta sa sala para manood muna.
"Nak, kain na." Sigaw ni Mama mula sa kusina. Agad naman akong nagtungo doon at nagsimula na kaming kumain.
RAIN
Morning. Walang good sa morning. Bat ganon? Bakit wala akong gana? ._. Bat parang tinatamad ako na ewan? Hay. Ang sakit ng ulo ko. Bumangon na ako at bumaba na. Mamaya na ako maliligo. Kailangan ko muna kumain kasi baka kulang lang ako sa kain.
"Goodmorning, Rain!" Bati ni Mama saakin. "Morning." Malumanay na pagbati ko sakanya. Agad naman siyang nagtaka. "Bat parang ang lamya mo ngayon?" Tanong niya habang naghahain. "Nahihilo ako, Ma. Ang sakit ng ulo ko." Sabi ko sabay upo. "Huwag ka na kayang pumasok?" Sabi niya sabay lagay ng kamay sa leeg ko. "Mainit ka, Anak! Wag ka ng pumasok." Dugtong pa niya. Agad naman akong umiling sa gusto niya. "Hindi pwede, Ma. May quiz kami ngayon." Sagot ko naman habang nagsasandok ng kanin. "Osige. Basta uminom ka ng gamot pagkatapos mo kumain." Tumango ako at nagsimula ng kumain.
Pagkatapos kong kumain at uminom ng gamot, umakyat na ako para maligo. Putek ang sakit talaga ng ulo ko. Nag toothbrush na din ako at nagbihis na.
Pagkatapos ay bumaba na ako at nagpaalam kay Mama. "Kumain ka ng madami ha. Namamayat ka." Tumango naman ako sa bilin ni Mama at agad siyang hinalikan sa pisngi. Sumakay na ako sa kotse at nagdrive na papunta sa school si kuya Ricky. Di ko kayang magdrive ngayon kaya sakanya nalang ako sumakay.
Pagdating ko sa school, umakyat na agad ako sa classroom namin. Pagkaupo ko, sakto namang pumasok si Cloud. At mahahalata mo sa itsura niyang nakakunot ang noo na bad trip siya. Badtrip na badtrip. Bakit kaya? Gusto ko sanang itanong pero naalala kong iniiwasan niya nga pala ako.
Ilang minuto pa'y nagbell na at dumating na ang teacher namin.
Makalipas ang dalawang subject, recess na namin. Naglalakad ako ngayon dito sa hallway nang meron akong makabanggaan na babae. "Sorry miss!" Sabi ko habang tinutulungan siyang tumayo. Napangisi ako nang maalala ko ang unang pagkikita namin ni Cloud. Ngumiti naman ang babae, "Ayos lang. Salamat." Sabi niya. "Ako nga pala si Koru." Dugtong pa niya sabay lahad ng kamay. "Rain." Sagot ko naman sabay tanggap ng kamay niya. "Sige mauna na ako." Dugtong ko at naglakad na papunta sa canteen.
Pagdating ko doon, naabutan ko ang tropa ko at kasama nila si Cloud. "Rain!" Sigaw ni Trans sabay kaway. Tumango naman ako at pumunta sakanila. Nakipag apir ako sa mga tropa ko at napahinto kay Cloud.
"Hi." Simpleng bati ko sakanya. Ngumiti naman siya saakin. "Upo ka." Sabi niya sabay tapik sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. Agad naman akong umupo doon.
"Inorderan ka na namin, par. Sabi kasi ng Mama mo ay may sakit ka." Sabi ni Aki sabay abot ng pagkain saakin. "Bakla." Sabi ko at natawa naman sila. Nag umpisa na akong kumain.
"Ayos ka lang?" Bulong ni Cloud saakin. "Oo naman." Sagot ko. "May dala ka bang gamot?" Halata sa boses niyang nag aalala siya. "Wala. Pero makita lang kita, magaling na agad ako." Sabi ko sabay kindat sakanya.
Napansin ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Agad naman akong napangiti sa naging reaksyon niya.
"Baliw ka!" Eka niya sabay hampas sa braso ko. Napatawa naman ako. "Baliw sayo!" Banat ko pa at nakatanggap pa ako ng hampas sa braso.
Baliw na nga ata ako sayo Cloud.