TRATC 14

9 1 0
                                    

Hi guys! HAHAHAHA Wala pa din talagang plot to huhu :--( #TRATCwp

Copyright © 2015 by Patrishia

ALL RIGHTS RESERVED. No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage or retrieval systerm, without the written permission of the author, except where permitted by law.

-

RAIN

*kring kring*

Sino ba yung tumatawag? Sarap sarap ng tulog ko eh. "Hello?" "Brad, di ka pa ba papasok?" "Kakagising ko lang, Trans." "Kailangan mo ng pumasok." "At bakit naman? Nanay ba kita ha?" "Ulol! Napaaway si Cloud kanina." *call ended*

Pinatay ko agad yung tawag at agad agad na gumayak. Bat naman napaaway yon?! Psh maitext nga.

Hoy! Ano nangyari sayo? Okay ka lang ba? Reply agad!

From: Cloud
I'm okay.

Ang tipid naman magreply neto? .-. Mapuntahan na nga lang!

"Ma, pasok na ako." Sabi ko kay Mama.

"Ingat ka." Tumango nalang ako at pumunta na sa sasakyan ko. Ez ez. 😂

Niregalo lang saakin to ng papa ko. Pero wag na natin pag usapan. Hahaha. Malapit lang naman yung bahay namin sa school namin. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa Bloodford University. 1:30 pa ang time dito at 1:00 palang naman so may oras pa para makausap ko si Cloud. Pero asan kaya yon? Itext ko na nga lang.

Hi po ate. Where na u? D2 na me hihi

From: Cloud
Pakyu ._. Rooftop.

Sweet talaga ng babae na to! Hahahaha umakyat na ako sa may rooftop at may nakita akong babae na nakatalikod. Umupo ako sa tabi niya at agad naman siyang napatingin saakin. "Hi." Bati ko sakanya. "Hey." Bati din niya saakin. "Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Tatalon sana kung di ka lang dumating." Biro niya. "Buti pala dumating ako. Pano nalang future natin?" Sabi ko sabay kindat sakanya. Natawa naman siya. "Whatever, Rain." Natawa nalang din ako at tumingin sa buong Bloodford University. Pero bigla kong naalala yung sinabi ni Trans kanina. "Okay ka lang ba?" Tanong ko. "Yeah." Tipid niyang sagot. "Malandi daw ako." Dugtong niya sabay tawa ng mahina. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Sino nagsabi?!" Galit kong tanong. "Hey, huwag kang OA." Sagot niya at tumawa. "Ulap naman! Seryoso kaya ako." Sabi ko na kunwari'y nagtatampo. "Cute. Haha." Sabi niya. Cute daw ak- ANO?! "Ano sabi mo?!" Gulat na tanong ko sakanya. "Sabi ko hotdog." Sabay irap. "Okay lang. Kunwari nalang di ko narinig." Sabi ko sabay pisil sa pisngi niya. "Whatever." Sabi niya habang tumatawa. "So kamusta naman ang paghatid dun sa Sky?" Pahabol na tanong niya. "Kilala mo si Sky?" Tanong ko din. "A-ah. Nabanggit lang nila Trans kanina na ihahatid mo daw siya sa airport kaya ka umabsent." Sabi niya sabay iwas ng tingin. "Childhood friend ko lang yon." Sabi ko sabay tawa. "Ano nakakatawa?" Iritado niyang tanong. "Wala, ang cute mo lang." Nakita ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi. "Tigilan mo nga ako." Sabi niya sabay hampas sa braso ko. Hahahaha ang cute cute ni Cloud.

"Pero okay ka na ba?" Seryosong tanong ko. "Oo naman." Sagot niya sabay ngiti saakin. "Huwag mo nga akong ngitian ng ganyan." Sabi ko sabay iwas ng tingin. "At bakit?" Masungit niyang tanong. "Mukha kang natatae." Sabi ko sabay tawa ng malakas. "Hmp!" Sabi naman niya sabay hampas sa braso ko. Aba namimihasa na to ah. Hahahaha! Bigla namang naging seryoso yung mukha niya kaya naging seryoso na din ako. "Pero seryoso Rain, thank you." Sabi niya sabay ngiti. "Walang anuman, Ulap." Sabi ko sabay ngiti din.

"Para na kaya kitang best friend." Pahabol na sabi ko.

CLOUD

"Para na kaya kitang best friend." Pahabol na sabi ni Rain. Haha best friend haha. Okay na sana eh, bat may pahabol pa? Regla lang ganon? ._. Ngumiti nalang ako at nanahimik na. Bat ka ba apektado sa mga sinasabi niya, Cloud? Ano naman sayo kung best friend ka lang sa paningin niya? Ano naman sayo kung kaibigan ka lang at wala ng mas hihigit pa don? Bat ka ba umaasa sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan na mangyayari? Naramdaman kong tumulo ang luha ko at agad ko naman itong pinunasan. Napansin ata ni Rain yon. "H-hala, bat ka umiiyak?" Nag aalala niyang tanong. Umiling lang ako at pinunasan ang mga luha ko. "Natutuwa lang ako na best friend ang turing mo sakin." Sabi ko sabay ngiti ng peke sakanya. "Nakakatuwa diba?" Dugtong ko pa. Tangina nakakatuwa talaga.

Ngumiti naman siya sakin at agad akong inakbayan. "Ang sweet mo naman!" Sabi niya sabay gulo ng buhok ko. "Wag ako." Pabulong na sabi ko. "Ano yon?" Tanong niya saakin. "A-ah wala. Sabi ko, tara na sa classroom kasi magtatime na." Sabi ko sakanya at tumayo na ako. Nauna na akong maglakad sakanya at hinayaan nalang siyang nakasunod saakin.

Pagkarating namin sa classroom, nakaupo na silang lahat at hinihintay nalang ang teacher namin. Kaya't naupo nalang din ako at ganon din si Rain. Naalala ko nanaman yung sinabi ng babae saakin kanina. Malandi ba talaga ako? May kung anong sakit nanaman akong naramdaman pero binalewala ko nalang yon. May naisip akong isang paraan para di na lumalim tong kung anong nararamdaman ko para sakanya. Tumayo ako at pinuntahan yung adviser namin sa may faculty. "Ma'am?" Sabi ko sakanya. "Yes, Miss Villacillo?" Tanong niya saakin. "Ma'am, pwede niyo po ba akong ilipat ng upuan?" Tanong ko din. "Bakit naman?" Tanong niya ulit. "Ma'am, di po ako sanay na nakaupo sa harapan." Anong palusot yon, Cloud? "Almost 3 months ka ng nakaupo don, tapos sasabihin mong hindi ka sanay?" Naguguluhan na tanong ni Ma'am. "Eh nagtitiis lang po ako, Ma'am." Sagot ko. "Nagtitiis? Eh sa nakikita ko, mukhang nag eenjoy kang katabi si Rain." Totoo iyon. Pero hindi na dapat. "Ma'am, sige na po please." Sabi ko sabay puppy eyes. Pabebe ka Cloud ah nakakainis. "Okay. Bukas nalang ng umaga." Sabi ni Ma'am. Agad naman akong napangiti at nagpasalamat kay Ma'am.

Bumalik na ako sa classroom at napansin kong wala pa din ang teacher. Magaalas dos na ah? "Wala na daw klase ngayong hapon. May emergency meeting daw mga teachers." Sabi ni Rain saakin. Tumango nalang ako at kukuhanin na sana ang bag ko pero biglang nagsalita si Rain. "Nag aaya sila Aki na mag mall. Sama ka?" Umiling nalang ako. "Pass muna ako. Masakit puso ko." Sabi ko sakanya. "Ha?" Sabi naman niya. "A-ah. Masakit puson ko." Sabi ko sabay ngiti ng pilit.

"Hatid na kita?" Nag aalalang tanong ni Rain. "Huwag na. Andyan naman sundo ko. Sige na bye." Nagmamadali kong sabi at umalis na.

Iiwas nalang ako.

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon